Lance's POV
Marahan kong ipinahiga si Sophie sa backseat ng kotse ko. Masyado siyang maraming nainom. Hindi ko nga rin alam ang dahilan, pero iyak siya nang iyak kanina. Nakita ko na lamang siya sa may entrance ng garden na umiiyak.
Umuwi na rin ang lahat at hindi rin namin mahanap si V. Kinailangan na rin kasing umuwi ni Sabrina kaya ako na lamang ang nagdala kay Sophie.
Hindi ko mapigilan na magtaka at mapaisip kung bakit siya nagpakalasing at umiyak nang sobra kanina.
"Young master Lance." bati sa akin ni Venom nang pumasok na ako sa loob ng mansiyon ni Vincent habang buhat-buhat si Sophie.
"Saan ang kwarto ni Sophie?"
"S..Sa itaas po, Sir."
Tumangu-tango ako. "Ako na ang magdadala sa kanya roon."
"O..Okay, Sir."
Karga-karga ko si Sophie habang pumapanhik sa itaas patungo sa kwarto niya habang si Venom naman ay nakasunod lang sa akin. Dahan-dahan ko siyang ibinaba sa kama niya saka ko hinubad ang suot niyang sapatos at saka ko siya kinumutan.
"Masyado siyang maraming nainom." bulong ko.
"S..Sir, may nangyari po ba kay Miss Sophie?" biglang tanong sa akin ni Venom.
"Nakita ko na lamang siya sa may labas ng hotel habang umiiyak. At noong tinanong ko siya kung bakit, niyakap niya ako saka sinabihang ilayo ko siya mula roon. Nang bumalik na kami sa may venue, nagpakalasing siya hanggang sa mawalan na siya ng malay."
Umiling-iling si Venom. "Ano kaya ang nangyari..."
"Nakauwi na ba si V?"
"Wala pa po si Young Master Vincent, Sir."
"Okay. Kung ganoon ako na muna ang magbabantay dito kay Sophie habang wala pa siya."
"Naiintindihan ko po, Sir."
Tumayo ako. "Oo nga pala, pwede mo ba siyang palitan ng damit? Magpapalit lang din ako."
"Yes, Sir."
Sophie's POV
Nagising ako nang nasa loob na ng kwarto ko habang si Venom ay nakaupo sa may bandang tabi ko. Kaagad siyang napangiti sa akin nang makita niya akong magmulat ng mga mata. "Miss Sophie!"
"Venom..." sapo ko ang ulo ko habang sinusubukang maupo sa kama.
Maya-maya ay bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok si Lance suot ang black V-neck shirt at pants. Naglakad siya palapit sa akin kaya tumayo naman si Venom. "K..Kukuha lang ako ng tubig para sas'yo, Miss Sophie."
"Salamat, Venom."
Nang makaalis na si Venom ay naupo si Lance sa upuan sa tabi ng kama ako habang nakatingin sa akin. "Sinabihan ko si Venom na palitan ka ng damit."
"S..Salamat..."
"Sophie."
"Hmm?"
Nakakunot ang noo niya habang nagsasalita. "If you don't mind, pwede ko bang malaman kung bakit ka umiiyak nang makita kita sa may garden?"
At ang tanong niyang iyon ay ang nagpaalala sa aking muli ng nangyari sa may garden. Malinaw pa iyon sa akin. Tandang-tanda ko pa kung paano maghalikan sina Vincent at Monica kanina. Muling namuo ang luha mula sa mga mata ko.
"S..Sophie, bakit ka umiiyak?" nalilitong tanong ni Lance habang sinusubukan akong pakalmahin.
"Lance..."
Naupo siya tabi ko atsaka ako niyakap. "Sophie... please, sabihin mo sa akin kung anong problema... please..."
Umiyak lamang ako nang umiyak sa bisig niya hanggang sa mahismasan ako. Hinawi ni Lance ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mga mata ko gamit ang mga daliri niya. "Ayaw kong nakikita kang ganito, Sophie. Sabihin mo sa akin ang dahilan, please...."
"N..Nakita...Nakita ko si Vincent sa may garden ng hotel..."
"Nakita mo siya roon?"
Tumangu-tango ako. "O..Oo... at kasama niya si Monica..."
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "K..Kasama si Monica? P..Pero anong ginagawa nila roon?"
"N..Naghahalikan sila.... Nakita ko silang naghahalikan, Lance..."
"N..Naghahalikan?"
"Oo...malinaw pa sa akin... naghahalikan sila na para bang wala nang bukas..."
Muli akong hinila ni Lance palapit sa kanya at niyakap nang mas mahigpit. "I'm so sorry, Sophie... hindi ko alam..."
"Mahal na mahal ko siya, Lance... Mahal na mahal ko si Vincent... hindi ko kaagad na-realized na hindi pa siya nakakamove on kay Monica.... After all this time, matapos ang lahat ng pinagsamahan naming dalawa, si Monica pa rin ang laman ng puso niya..."
"Sssssh... It's alright, Sophie... It's alright...." marahan siyang humiwalay mula sa yakap saka pinunasan ang luha mula sa mga mata ko.
"Lance, please, pwede ba akong mag-stay sa bahay mo kahit sandali lang? Pwede ba akong mag-stay muna kasama ka?"
Sandali siyang tumitig sa akin. "S..Sure, pero sigurado ka ba? Iiwan mo si Vincent nang mag-isa rito? Ayaw mo bang marinig muna ang paliwanag niya?"
"Wala nang point pa para manatili ako rito. May mahal siyang iba at tingin ko hindi ko rin kayang tignan pa siya... G..Gusto ko lang lumayo sa kanya, please Lance.... Please ilayo mo ako mula rito..."
"Okay.... Isasama kita sa akin kung iyan ang gusto mo..."
"Salamat... maraming salamat...." bulong ko habang patuloy sa pag-iyak.

BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romansa[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...