Sophie's POV
"Where have you been?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Vincent na nakaupo sa may kama pagkabukas na pagkabukas ko sa pinto ng kwarto ko.
"A..Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?"
"Waiting for you."
Tumayo siya saka naglakad palapit sa akin. "You didn't answer any of my calls. Didn't I tell you to go home early? Are you really that bull-headed?"
"Sorry, hindi ko namalayan ang oras. Nagpunta lang ako sa mall kasama ang best friend ko."
"Oh, really?"
"O..Oo. Oo nga pala, pupunta ako sa bahay ni Sabrina bukas. Tutulungan ko siyang magluto para sa birthday ng mama niya."
Tumitig siya sa akin nang salubong ang mga kilay. "Do you think I believe you? Are you seeing some other guy? Do you have a boyfriend, perhaps?"
"H..Ha? W..Wala akong boyfriend. Nagsasabi ako nang totoo."
"If that is true, then good for you. But if you have a boyfriend, make sure I won't see him. I don't like sharing what's mine." sabi pa niya saka hinawi ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko. "You should always remember that I already conquered some parts of your party."
Bigla-bigla na lamang niya inilapit ang mukha niya sa leeg ko saka sinimulang halikan ito.
"V..Vincent..."
Sinubukan ko siyang itulak palayo, pero naisara niya ang pinto sa likuran ko saka ako isinandal doon.
"It's time for another game. But before that, I would like to taste all of the parts of you that I already conquered." bulong niya saka mahinang kinagat ang tenga ko na siya namang naging dahilan upang manginig ang buong katawan ko.
Ipinulupot niya ang mga braso niya sa bewang ko saka ako hinila palapit sa kanya nang hindi iniiwan ng mga labi niya ang leeg ko. Gustung-gusto ko siyang itulak, pero tila ba ayaw makinig sa akin ng sarili kong katawan. Habol-hininga ako nang humiwalay na siya sa akin. Inilapit niya ang mukha niya sa akin, halos dumampi na ang mga labi niya sa mga labi ko. "Do you want me to kiss you?"
Napalunok ako habang nakatitig sa mga labi niya. "H..Ha?"
"Why are you holding back so much?" bulong niya.
Doon ko lamang -na-realize na inaasar niya lamang ako. Kaagad ko siyang itinulak palayo sa akin. "A..Ano bang pinagsasabi mo? Akala ko ba maglalaro tayo ng chess? Bilisan mo na, gusto ko nang matulog."
"Fine, if that's what you want. Let's go to my room."
"Magpapalit lang ako ng damit tapos susunod ako roon."
Ngumisi pa siya sa akin bago lumabas ng kwarto ko.
Bumuntong-hininga ako saka naupo sa kama. Bakit ba parang hindi ako makagalaw sa tuwing ginagawa niya ang mga iyon sa akin? Muntik niya na akong halikan!
Feeling ko, lips ko na ang pipiliin niya mamaya.
***
"If I were you, I would hire a better coach than the one you have now. You never win against me. Do you really suck at playing chess or you're doing it on purpose?" sabi sa akin ni Vincent nang manalo na naman siya sa laro namin.
Masama akong tumingin sa kanya. "Nababaliw ka na ba? Bakit ko naman sasadyaing magpatalo sa'yo?"
"Because you're excited about what I'm going to get next."
"Nababaliw ka na nga. Matatalo rin kita sa mga susunod na laro, Vincent. Hintayin mo lang ang araw na iyon." pagbabanta ko sa kanya, pero ngumiti lamang siya sa akin.
"Then, do it." tugon niya. "But before that, let me conquer another part of you first."
Kaagad na lumakas ang tibok ng puso ko nang sabihin niya iyon. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang buong katawan ko. "How about.. this one."
"Anong---
"Your right leg is mine now." bulong niya saka itinaas ang kanang paa ko sa may couch, kaya naman nawala ako sa balanse saka napahiga roon.
"A..Anong ginagawa mo?!"
"Your right leg is mine now. From your right toes, up to your thigh." sabi niya saka dahan-dahang hinihila pataas ang pajama ko sa kanang paa ko hanggang sa maabot iyon sa hita ko.
Hinihila ko iyon mula sa kanya, pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya. Inilapit niya ang mukha niya roon saka sinimulang halik-halikan iyon. Pabigat nang pabigat ang paghinga ko habang ang mga labi niya ay naglalakbay mula sa binti, pataas sa hita ko. Mahigpit akong napakapit sa covering ng couch habang kinakagat ang ibabang labi ko upang maiwasan ang pag-ungol.
Hindi ko dapat ipakita sa kanya na nage-enjoy ako sa kagaguhan niya.
Tumingin siya sa akin habang ang mga labi niya ay nasa hita ko pa rin. "You can moan if you want."
"M..Manahimik ka!"
"Alright. Lie to yourself even more and hold back." bulong niya saka ngumisi sa akin.
Ikaw lang ang nage-enjoy sa kalokohang ito, Vincent.
Nanlaki ang mga mata ko nang mahina niyang kagatin ang hita ko. Tila ba kakapusin ako sa hininga.
Huwag kang uungol, Sophie.
Huwag kang umungol, kundi iisipin ni Vincent na gusto mo ang ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romantik[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)