Sophie's POV
Tinulungan ako ni Venom na ayusin at lagyan ng decoration ang garden ng mansion para sa birthday ni Vincent. Naglagay lamang ako ng blue and gold balloons sa may entrance ng garden saka isang malaking banner na may nakalagay na, 'HAPPY BIRTHDAY, V!' meron ding mga christmas light na isinabit namin sa mga puno at pathwayss papunta sa kung nasaan namin siya babatiin.
Ako rin ang pumili ng mga pagkain na is-serve at pati na rin ng mga inumin. Tumulong din ako sa pag-bake ng cake at pag-decorate ng tables at chairs para sa mga bisita.
Matapos kong mag-confess kay Lance, umuwi ako at humagulgol ng iyak.
Pero na-realized ko rin na siguro ito na ang best time para mag-move on at palayain na ang feelings ko para sa kanya. Sinusubukan ko na lamang na mag-focus kay Vincent. Mula ngayon, pag-aaralan ko nang mahalin si Vincent. Besides, siya naman ang pinakasalan ko.
Speaking of Lance, bakit kaya wala pa rin siya hanggang ngayon. Sinubukan ko siyang tawagan kanina, pero hindi niya sinagot iyon. Madalas kasi siyang maaga, kaya nag-aalala talaga ako. Pero siguro busy lang talaga siya.
"Miss Sophie, saan po natin ilalagay itong chocolate fountain?" tanong sa aki ni Venom habang tatlong lalaki ang nasa likod niya, bitbit ang chocolate fountain na ako rin ang nag-order.
"Hmm. Tingin ko, mas maganda kung doon niyo na lamang ilalagay." sabi ko saka itinuro ang mahabang mesa sa ilalim ng ornamental cherries.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong garden at hindi ko naiwasan ang mapangiti. Sana lang talaga ay magustuhan ito ni Vincent.
"I..I'm sorry I'm late, Sophie. I'm really sorry, I didn't notice the time."
"Lance!" kaagad akong napangiti nang makita ko siya. "Ayos lang. Tignan mo, halos tapos na ang lahat. Ano sa tingin mo? Ayos na ba?"
Kaagad naman niyang inilibot ang paningin niya. "It's beautiful. Hindi ko alam na magaling ka pala sa mga ganitong bagay, Sophie."
"Talaga? Hindi ba mukhang children's party?"
"Hindi naman. Sigurado akong magugustuhan ito ni V."
"Salamat. Teka, bakit parang namamaga ang mga mata mo. Umiyak ka ba kagabi?" pagbibiro ko.
"Huh? Talaga? Hindi ko alam, nanuod lang ako ng heavy drama kagabi bago matulog tapos ganito na ang nangyari."
Parehas kaming tumawa.
At least, nakakausap at nakakatawanan ko pa rin si Lance.
***
"Miss Sophie! Nandito na po si Sir Vincent!" bulalas ng isas sa mga maid na siyang naging dahilan upang mag-panic kaming lahat.
Tumingin ako kay Lance. "A..Anong gagawin ko?"
"Salubungin mo siya at dalhin dito." tugon niya.
"Okay." Inayos ko na muna ang dress na suot ko saka huminga nang malalim. Maglalakad na sana ako paalis ng garden nang bigla na lamang hinila ni Lance ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya.
Hinawi niya ang mga hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko saka siya ngumiti sa akin. "You look good. You can do it, Sophie."
"Thank you, Lance." ngumit ako saka nagsimulang maglakas paalis.
Lumabas ako ng mansiyon at sakto namang pagkakita ko kay Vincent na nagp-park na ng kotse niya. Hinintay ko muna siyang makalabas ng kotse bago ako tumakbo palapit sa kanya. "V!!"
"Huh? Why are you still awake?"
"Hinihintay kita."
Napakunot siya nang noo, na kaagad din namang napalitan ng nanunuksong tingin. "Waiting for me? Why, don't tell me you want to play chess tonight?"
"H..Huh?"
"Do you know what part of you would I claim next?"
"Sinabi ko na sa'yong hintayin mo munang mag-eighteen na ako." halos pabulong kong sabi sa kanya.
Bigla niya naman akong hinapit sa bewang saka hinila palapit sa kanya. "Aren't that next month?"
Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realized kong tama nga siya.
"Alright then, I'll just wait for you." aniya. "I'm hungry, would you like to eat outside?"
"Huh? Hindi, I mean, may ipapakita ako sa'yo. V, sumunod ka sa akin."
"Show me? What is it?"
Hinawakan ko ang kamay niya. "Let's go."
Nagdadalawang-isip pa siya noong una, pero hinayaan niya lamang ako na hilain siya hanggang sa makarating kami sa entrance ng garden. Nakita namin ang dalawa sa mga tauhan niya sa may pintuan.
"What's in the garden?" tanong ni Vincent sa akin.
"Hindi ko alam, tignan natin."
Hawak ko pa rin ang kamay niya habang naglalakad kami papasok ng garden. Nakapatay pa ang mga ilaw noong una, pero habang patuloy kami sa paglalakad ay siya ring paisa-isang bukas niyon kada daraanan namin. "Isn't it beautiful?" tanong ko kay Vincent.
"It is..."
Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa lahat na ng ilaw ay bumukas.
"HAPPY BIRTHDAY, VINCENT!!!" lahat kami ay sumigaw kasama ang mga tauhan ni Vincent na nasa likuran namin.
Tumingin ako sa kanya at doon ko nakita ang gulat sa mukha niya. Nakatingin siya sa aming lahat na nakapalibot sa kanya. Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya.
Napanganga ako habang nakatitig sa kanya.
What a beautiful smile he has.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)