THE EAGLE

4.9K 70 0
                                    

Sophie's POV

Parang mabibiyak sa sobrang sakit ang ulo ko pagkagising ko. Naupo ako sa kama saka roon na-realized na nasa loob na pala ako ng kwarto ko sa mansiyon ni Vincent. Hindi ko maalala ang nangyari kagabi, pero tandang-tanda ko pa rin kung paano nadurog ang puso ko nang makita ko si Lance na halikan ang babaeng iyon. Hindi ko alam na may girlfriend na pala siya dahil hindi niya naman nabanggit. 

Sabagay, nasabi naman niya sa aking may babae siyang nagugustuhan. 

"Miss Sophie."

Nagulat na lamang ako nang biglang lumabas si Venom mula sa banyo. "V..Venom. Nagulat naman ako sa'yo."

"Pasensiya na po, Miss Sophie. Naihanda ko na po ang panligo ninyo. Pwede na po kayong maligo dahil ang sabi ni Boss ay gusto niya kayong makasabay mag-almusal."

"Huh? Nandiyan pa si Vincent?"

Tumango siya. "Opo."

Tumayo ako saka lumapit sa kanya. "Okay. Oo nga pala, salamat sa pag-uwi sa akin. Hindi ko na maalala ang eksaktong nangyari kagabi, pero natatandaan ko namang kasama kita."

"Hindi ako ang nag-uwi sa inyo, Miss Sophie."

"Huh? Edi sino? Huwag mo sabihing--

"Opo, Miss Sophie. Tinawagan niya ako para tanungin kung nasaan ka tapos nagpunta kaagad siya sa bar na iyon para iuwi ka."

Nanlaki ang mga mata ko. "A..Ano?!" Tinignan ko ang sarili ko at doon ko lamang na-realized na iba na pala ang suot kong damit. "H..Huwag mong sabihin na siya rin ang--

"Opo, Miss Sophie."

"P..Pero bakit mo naman siya hinayaan na gawin iyon?!"

"Asawa mo siya, Miss Sophie. Walang masama kung siya ang magpapalit ng damit mo."

Ramdam ko ang pag-init ng buong mukha ko habang iniisip kung paano sinamantala ni Vincent ang pagkakataon habang natutulog ako. 

"Ah, bakit pa kasi ako nagpakalasing?!" bulong ko sa sarili ko habang pumapasok sa banyo. 

***

"Do you still have hangover?" tanong sa akin ni Vincent saktong pag-upo ko sa katapat ng kinauupuan niya. 

"Hindi na gaano." tugon ko nang hindi nakatingin. 

"I can't even understand why you had to drink so much when you can't even handle yourself."

Nagpatuloy lamang ako sa pagkain at hindi siya pinansin. 

"Sophie, are you still mad about it?"

"Saan?"

"About what happened last time, when I yelled at you."

Umiling-iling ako saka tumingin sa kanya. "Ah, tungkol ba ron? Siyempre, hindi. Alam ko namang hindi na dapat ako nagtanong pa tungkol sa personal mong buhay. Huwag kang mag-alala, hinding-hindi  na ako magtatanong pa ng mga ganoon. Pasensiya na talaga."

"I just don't like it when people try to pry about my personal life." sabi niya. "By the way, I was the one who changed your clothes."

Kaagad kong naramdaman ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. "H..Hindi mo na kailangan pang sabihin iyan!"

"Maybe you wanted to ask."

"Meron ka bang---

"I didn't do anything shady to you, so there's no need for you to worry. I don't want to have forced sex."

"P...Paano mo nababanggit ang salitang iyan na parang wala lang?!"

Inosente siyang tumingin sa akin. "About what? Sex?"

"M..Manahimik ka! Papasok na ako." sabi ko sabay tayo.

Tumayo rin siya kasunod ko. "I will pick you up later."

"Hindi na kailangan."

"I have to. I don't want you to arrive late again. I don't want to hear again that you're at a bar, drinking like a madman."

Umirap ako. "Bye."

Actually, wala ako sa mood na pumasok sa university ngayong araw, pero ayaw ko rin namang manatili lang sa bahay. 

Mabuti na lamang at parati lang na nasa office niya si Lance. At least hindi ako mapipilitang makita siya kung hindi ako pupunta sa infirmary.

"Sophie!" nagmamadaling tumakbo palapit sa akin si Sabrina pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ng classroom namin. 

"Oh, Sab."

Naupo ako saka umupo si Sab sa tabi ko. "Anong nangyari kagabi, huh? Alam mo bang nagpunta sa bar ang asawa mo at inuwi ka? Oh my God, Sophie! Kung nakita mo lang kung gaano siya ka-cool nang hawakan ka niya sa braso at  sinabing sumama ka sa kanya. Ayaw mo pa ngang sumama sa kanya, kaya binuhat ka niya na parang isang sako ng bigas!"

"Hindi mo dapat siya hinayaan na gawin iyon, Sab."

"At tingin mo mapipigilan ko siya? Kayang-kaya niya nga akong patayin gamit lamang ang isang kamay." sarkastiko niyang sabi. "Bakit, may nangyari ba? May ginawa ba siya sa'yo? Oh my God! Don't tell me pinagsamantalahan ka niya habang tulog ka?!"

"Sinabi ko na sa'yo, hinding-hindi mangyayari iyon, Sab. As in never."

"Talaga ba? Ni hindi mo nga maalala ang nangyari kagabi sa bar. Paano ka nakasisiguradong wala nga siyang ginawa sa'yo?"

Tumingin ako sa kanya. "Wala naman akong kakaibang nararamdaman sa katawan ko."

"Talaga? Sabagay, sigurado naman akong hindi ka makakalakad ngayon kung may nangyari nga sa inyong dalawa."

"Sab!"

"Naiimagine mo na ba kung gaano kalaki ang alaga niya, Sophie? Oh my God!"

"Anong malaki, Miss Sabrina?"

Laking-gulat naming dalawa ni Sabrina nang bigla na lamang sumulpot mula sa likuran namin ang lecturer namin. 

"Hehehe... W..Wala po, Miss. Pinag-uusapan lang po namin ni Sophie kung gaano kalaki iyong agila." halos matawa na kaming dalawa.

"Agila?"

"Opo, agila. May alaga po kasing malaking agila si Sophie sa bahay nila."

Tumingin ang lecturer  namin sa akin. "Totoo ba iyon, Miss Sophie?"

"Huh? O..Opo."

"Pwede ko bang makita iyon?"

"Ay naku, hindi po pwede. Si Sophie lang po ang pwedeng makakita sa malaking agila na 'yon, e." singit pa ni Sab kaya napailing na lamang ako.

Tumango lamang ang lecturer namin bago muling tumingin sa akin. "Kung ganoon, alagaan mo na lamang ang agila mo, Miss Sophie. At oo nga pala, pwede mo bang ibigay ang mga papel na ito kay Dr. Jacobs?" sabi pa niya saka iniabot sa akin ang mga papel. 

Tumingin naman ako kay Sabrina para humingi ng tulong. 

"M..Miss, ako na lamang po ang magbibigay kay Dr. Jacobs."

"Ang sabi ko, Miss Sophie. Hindi Sabrina. Sinabi rin ni Dr. Jacobs na may sasabihin siya sa'yo kaya bilisan mo na at magpunta ka na roon habang hindi pa nagsisimula ang klase natin"

Napabuntong-hininga na lamang ako. 


Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon