EVERYTHING I DIDN'T KNOW

6K 79 1
                                        

Sophie's POV

"This is my parents' house. I came here to visit them today." pagpapaliwanag sa akin ni Lance nang may napakalaking ngiti sa mga labi. 

Napanganga ako. "B...Bahay ng mga magulang mo? I...Ibig sabihin... si Mrs. Hastings ang mama mo?"

"Oo. Ganoon na nga."

"Oh my God..." naibulong ko.

"Ikaw ba, Sophie. Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" bigla niyang tanong sa akin.

Tumingin naman ako sa kanya. "Uh... K..Kasi... Actually---"

"Lance!"

Bigla-bigla na lamang lumabas si Mrs. Hastings mula sa loob ng mansiyon saka patakbong lumapit kay Lance saka ito binigyan ng isang napakahigpit na yakap. "Oh my God, Lance! I missed you so much!"

"I missed you too, mommy."

Nakatingin lamang ako sa kanilang dalawa habang magkayakap. Mukhang close sila sa isa't isa. 

"Gutom ka na ba? Sinabihan ko na ang chef na iluto ang mga favorite food mo." dagdag pa ni Mrs. Hastings.

"Really? Sure! Na-miss ko rin talagang kumain dito." nagulat ako nang bigla na lamang lumingon sa akin si Lance. "Estudyante siya sa pinagt-trabahuhan kong university."

"Oh, I see. Yes, you can invite her over too."

"H..Huh? H..Hindi.."

"Ayos lang iyan, Sophie. Don't worry, ihahatid kita pauwi pagtapos nating kumain." sabi pa ni Lance saka hinawakan ang kamay ko. Nakatingin lamang ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko, pero sobrang lakas na kaagad ng tibok ng puso ko. Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa dining room nila.

Humila ng upuan si Lance para maupo ako sa tabi niya. "Dito ako kadalasan nagpupunta during weekends or class vacations."

"Hindi ko alam iyon."

"Naninirahan akong mag-isa, kaya naman madalas ko rin silang ma-miss. Nagpupunta ako rito sa tuwing nam-miss ko ang beef steak na gawa ni mommy."

Ngumiti lamang ako saka kami nagpatuloy sa pagkain. Pansin ko ang panay sulyap sa akin ni Mrs. Hastings sa tuwing nakikipag-usap ako kay Lance. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero bigla na lamang akong kinabahan.

***

"Lance."

Lumingon sa akin si Lance habang nagd-drive. Nagpumilit siyang ihatid ako pauwi, kaya naman wala na rin akong ibang nagawa kundi ang hayaan. "Hmm?"

"Tungkol sa nakababata mong kapatid na ikinwento mo sa akin noon, pwede ko bang malaman ang pangalan niya?"

"Ang kapatid ko? Vincent ang pangalan niya. Madalas ko rin siyang tawaging V."

Ngayon ko lang na-realized, nagulat si Vincent nang tawagin ko siyang V dati, malamang naalala niya ang kuya niya dahil doon. 

"Bakit mo naitanong?"

"Ha? Wala naman. Curious lang ako. Siguro kamukhang-kamukha mo rin siya." 

May nasilip akong ngiti sa mukha niya. "Actually, madalas magtaka ang mga tao kung magkapatid ba talaga kaming dalawa dahil hindi naman kami magkamukha. 'Di hamak na mas gwapo sa akin si Vincent. Mas sikat din siya sa mga babae sa university namin dati."

"Talaga? Pero sikat ka rin naman sa mga babae sa university natin ngayon kahit na hindi ka na estudyante roon."

"Hahaha! Sikat lang naman ako kapag may sakit sila."

"Oo nga pala, Lance. Tingin ko close ka sa mga magulang mo. Lalo na sa mommy mo."

"Oo, ako nga ang favorite son niya. Ilang beses niya nang sinabi iyon sa amin dati. Matagal na raw niyang pangarap ang magkaroon ng anak na doctor kaya naman sinabihan niya akong mag-take ng medicine."

"Ibig sabihin, siya ang nagsabi sa'yo na mag-doktor? Hindi iyon ang personal choice mo?"

Umiling-iling siya. "Noong una napilitan lang din talaga akong gawin iyon kahit na gusto ko talagang maging isang pilot, pero habang tumatagal at mas marami akong nalalaman tungkol sa medicine, minahal ko na rin ito. Gusto ni mommy na mag-doctor kami, o hindi naman kaya ay maging businessman dahil iyon ang trabaho ng grandparents namin. Gusto niyang ipagpatuloy namin ang nasimulan nila."

"Kaya kahit na hindi mo talaga gustong gawin, mapipilitan ka na lamang dahil gusto mo iyong gawin para sa kanila."

"Ako ang mas matanda, that's why I wanted to succeed our family." 

Sandali akong napatitig sa kanya. Medyo matagal ko nang kilala si Lance, pero ngayon ko pa lamang na-realized na marami pa pala akong hindi alam tungkol sa kanya. 

"Oo nga pala, Sophie. Pwede ko bang malaman kung bakit ka umalis sa infirmary? Ang sabi mo, hindi maganda ang pakiramdam mo, kaya nagulat ako nang hindi na kita nakita roon pagbalik ko."

"Uh... Naging okay na naman 'yong pakiramdam ko nang makapagpahinga ako, kaya napagdesisyunan ko nang umalis. Nakalimutan ko lang na sabihin sa'yo..."

Tumango siya. "Ganoon ba? Buong akala ko kasi nagalit ka sa akin. Para kasing iniiwasan mo ako noong dinala mo iyong mga papel sa infirmary."

"H..Hindi, hindi ako galit sa'yo... Sorry kung ganoon ang naramdaman mo..."

"Hindi mo kailangang mag-sorry. Basta't malaman ko lang na hindi ka galit sa akin ay ayos na ako." tugon niya saka ngumiti.

Bakit kailangang siya pa ang maging kapatid ni Vincent? Sa lahat ng tao?

"Hinding-hindi ako magagalit sa'yo, Lance."

"Thank you, Sophie."

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya nang makarating na kami sa tapat ng gate ng mansiyon ni Vincent. Hindi niya naman alam na rito nakatira si Vincent, kaya ayos lang. Kailangan ko lang makatiyak na hindi sila magkikitang dalawa.

"Papasok na ako sa loob..."

"Okay. See you tomorrow, Sophie."

"See you tomorrow." saad ko saka papasok na sana sa loob ng gate, pero bigla niya ulit akong tinawag. 

Halatang nag-aalangan pa siyang sabihin noong una, pero nagsalita rin siya matapos iyon. "Pwede ba kita ayaing sumama sa akin bukas?"

Nanlalaki ang mga mata akong tumingin sa kanya.  "Huh?"

"Tingin ko kasi... medyo matagal na rin mula noong huli tayong lumabas na dalawa. Pwede mo ring isama si Sabrina kung gusto mo."

"S..Sure."

"Thanks.. uh... goodnight."

Ngumiti ako sa kanya. "Goodnight."

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon