Sophie's POV
"Sophie, pwede mo ba akong samahan sa mall sa Sunday? May dress kasi akong gustung-gusto kong bilhin since last month pa, kaya lang si mommy gustong parati akong nakikitang nag-aaral kahit na hindi ko naman maiintindihan ang pinag-aaralan ko." Naka-pout na sabi ni Sabrina habang naglalakad kami papunta sa school cafeteria.
"Hindi ako sure, e. Sasabihin ko muna kay Vincent."
Nang-aasar naman siyang tumingin sa akin. "Ang hirap magkaroon ng asawa, ano? Kailangan mong sabihin sa kanya kung anong gusto mong gawin at saan ka pupunta."
"Hindi naman ito dahil asawa ko siya, ito kasi ang napagkasunduan naming dalawa nang kunin niya ako mula kina Daddy."
"Ah, naiintindihan ko na."
"Speaking of Daddy. Kamusta na kaya siya ngayon."
"Well, for sure nagpapakasaya na sila ngayon dahil wala na silang utang kay Vincent na kailangan nilang bayaran."
Napayuko ako.
Siguro nga aytama si Sabrina. Ipinangako sa akin ni Daddy noon na babawiin niya ako mula kay Vincent, pero tingin ko naman ay wala na siyang balak pa na gawin iyon.
"Sophie! Sabrina!"
Kaagad kaming lumingon ni Sabrina nang marinig namin na may tumawag sa pangalan namin. At nang malaman ko kung sino iyon ay kaagad akong tumalikod muli. "Sab, balik na ako sa klase natin."
"H..Huh? Bakit? Tinatawag tayo ni Mr. Jacobs."
"May gagawin pa ako."
"O...Okay."
Nagsimula na akong maglakad saka ko sila iniwang dalawa.
Hindi pa ako handang makita siya. Kung kailangan ko siyang iwasan at gawin ang lahat para hindi siya makita, gagawin ko. Pipilitin kong iwasan na muna siya hanggang sa mkumbinsi ko ang sarili ko na hinding-hindi niya na ako magugustuhan pa.
***
"Bye, Sab."
"Bye, Sophie. Ingat!"
Nguimiti lamangako sa kanya saka ako tumingin kay Venom na kaagad na binuksan ang pinto ng limousine para sa akin. Sasakay na sana ako sa limousine na iyon nang bigla na lamang may humawak sa braso ko. Pareho kami ni Venom na napatingin at nakita namin ang isang lalaking nakasuot ng black suit. "Miss Sophie."
"S...Sino ka?" tanong ko sa kanya.
"Gusto po kayong makita nina Mr. and Mrs. Hastings."
"M...Mr. and Mrs.---ibig mong sabihin, ang mga magulang ni Vincent?"
Tumango naman siya kaya tumingin muna ako kay Venom para ma-confirm kung totoo nga iyon at tumango rin siya. Nagdalawang-isip pa akong sumama sa kanila noong una, pero si Venom na mismo ang nagsabi sa akin na sila nga ang mga tauhan ng mga magulang ni Vincent. Sumakay lamang kami ni Venom sa loob ng limousine saka sinundan ang kotse nila hanggang sa makarating kami sa isang napakalaking mansiyon.
Ano naman kaya ang kailangan sa akin ng mga magulang ni Vincent?
As expected, ang bahay nla ay di hamak na mas malaki sa bahay ni Vincent. Mas marami ring butlers kaysa servers ang bumati sa amin nang makapasok na kami sa loob.
"Miss Sophie, sinabi po sa amin ni Madame na sa office niya kayo mag-uusap. Sa itaas." sabi ng butler na may pangalang Albert.
"Naiintindihan ko." sagot ko habang sinusundan siya paakyat. Ang mga hagdan nila ay gawa sa salamin kaya naman hindi ko maiwasang kabahan dahil baka mamaya ay bigla na lamang akong madulas o bigla na lamang itong mabasag.
Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong hagdan sa buong buhay ko. Ngayong nakita ko ang bahay nila, na-realized ko na simple lang si Vincent dahil mas simple ang bahay niya. O dahil din siguro lalaki siya.
Huminto kami sa harap ng isang malaking oakwood double door. "Ito po ang office niya, Miss Sophie." sabi ni Albert saka binuksan ang pinto na iyon para sa akin.
Tumingin muna ako kay Venom. "Hihintayin nalang kita rito sa labas, Miss Sophie."
Gusto ko sana siyang sumama sa akin sa loob pero tingin ko hindi niya rin gusto ang ideya na iyon. Nakita ko na ang mommy ni Vincent nang magpunta sila sa mansiyon para pagalitan siya. Tumingin pa nga siya sa akin noon na parang basura lang ako.
Isang maaliwalas at pastel-painted na kwarto ang nakita ko nang bumukas ang pinto. Lahat ng furniture sa loob niyon ay kulay pastel. May malalaking paintings din sa pader. Katapat ko ay isang desk na gawa sa oak.
"Would you like to take a seat?"
Nagulat ako nang bigla na lamang may nagsalita. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang mommy ni Vincent na nakatayo sa tapat ng desk niya habang diretsong nakatingin sa akin. Suot niya ang isang pink na sheath dress habang ang buhok niya naman ay nakapuson. Lalo tuloy siyang nagmukhang strikto. Actually, pareho sila ni Vincent. Intimidating.
"T..Thank you po." sabi ko saka umupo sa isang pastel couch katapat ng desk niya.
Naglakad naman siya sa direksiyon ko saka naupo sa katapat kong couch. "Sigurado akong iniisip mo ngayon kung bakit gusto kitang makita."
"Opo." diretso kong sabi na siya namang nagpataas ng kilay niya sa akin.
"May I know your name first?"
"Sophie Laurens po."
Tumango siya. Maya-maya ay isang babae ang pumasok saka kami dinalhan ng coffee and cake.
"So, Sophie. I've heard that you got married to my son, Vincent."
"O...Opo."
"Gaano katagal na kayong magkakilala? Magkaibigan ba kayo? Oh, duda ako ron. Hindi naman kasi nagkaroon si Vincent ng kahit na isang kaibigan."
Tumingin ako sa kanya. "Actually---
"O baka naman pinilit ka lang niya na magpakasal sa kanya. Tama ba ako?"
"Uh.."
"Tama nga ako." sabi niya saka uminom ng kape niya. "Sino nga naman ba ang magkakagusto sa lalaking kagaya niya. Well, may magkakagusto naman sa kanya dahil kahit na pangit ang ugali niya, mayaman naman siya at gwapo. Kahit na sigurado namang hindi sa tamang paraan galing ang kayamanan niya."
Napakunot ako ng noo. "Excuse me. Pwede ko po bang malaman ang dahilan kung bakit niyo ako pinapunta rito?"
Huminto siya sa pagsasalita saka diretsong tumingin sa mga mata ko.
"I want you to file a divorce."
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...