Sophie's POV
"Pwede ko bang malaman kung saan ka pupunta, Miss Sophie?" tanong sa akin ni Venom nang makita niya akong nag-aayos.
Nagsuot lamang ako ng simpleng yellow chiffon dress at itinali ang buhok ko ng pa-puson. Simple lang din ang make up na in-apply ko. "Magd-dinner lang kaming dalawa ni Lance."
"T...Talaga?"
"Oo. May sasabihin daw siyang importante sa akin."
Tumango naman siya. "Natutuwa ako dahil may lakas ka nang magsimula ulit, Miss Sophie."
"Ano? Venom, magkaibigan lang kaming dalawa ni Lance."
"Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi na kayo pwedeng magkaroon ng relasyon na higit pa roon." panunukso pa niya.
Umiling-iling na lamang ako habang nakangiti nang bigla na lamang mag-ring ang phone ko.
"Hello, Lance?"
"Nasa labas na ako. Ready ka na?"
"Oo. Bababa na lang ako, hintayin mo ako."
"Okay."
Matapos kong ibinaba ang tawag ay nakangiti akong tumingin kay Venom. "Aalis na ako, ha?"
"Sige, Miss Sophie. Magiingat ka."
"See you later."
Matapos na iyon ay lumabas na rin ako. Pagkalabas ko ng building ay kaagad kong nakita si Lance na naghihintay sa akin habang nakatingin sa orasan niya. Suot niya ang isang blue long sleeves shirt at black na pantalon. Mukha talaga siyang doktor. Mukha talaga siyang respetado habang si Vincent naman ay mukhang dominante at dark.
"Sophie!" ngumiti siya nang makita ako.
"Hi. Kanina ka pa ba naghihintay dito?"
Umiling siya. "Ayos lang sa akin ang mag-hintay basta para sa'yo."
"Lance, tingin ko masyado kang nagpapanuod ng mga romantic movies nitong mga nakaraang araw. Doon mo ba nakukuha ang mga pick-up line mo?"
"Hahaha! Siguro nga."
Nagtawanan lamang kami saka sumakay sa kotse niya.
"How's your day?" tanong niya.
Inilapag ko ang bag ko sa kandungan ko. "Nakakapagod pero masayang araw. Nagpunta kaming dalawa ni Miss Felestine sa iba't ibang kompanya. Bukod pa ron dinala rin niya ako sa bahay niya. Pinakita niya sa akin ang mga litrato niya noon... Nag-iyakan kami pero nagtawanan din maya-maya. Napakasayang araw..."
"Natutuwa akong marinig iyan, Sophie."
"Oo..."
Kaunti lamang ang tao sa loob ng restaurant nang dumating kami. Ipinaghila pa ako ni Lance ng upuan.
"Salamat."
Naupo na rin siya saka tinawag ang isa sa mga server para mag-order ng pagkain namin. Nag-kwentuhan lamang kami ng tungkol sa kung anu-ano habang kumakain.
"Masaya ka ba ngayon na nahanap mo na ang mommy mo?" bigla niyang tanong sa akin.
"Sobra. Sobrang saya ko dahil nahanap ko na rin siya. At least ngayon ramdam ko na na hindi ako mag-isa. Nahanap ko na ang taong gagabay sa akin sa mga desisyon na gagawin ko. Nakakatuwa dahil magkasama kaming nagt-trabaho."
Tumangu-tango lamang si Lance habang nakangiti. "Actually, Sophie... Ang dahilan kung bakit inaya kitang mag-dinner ay dahil may gusto akong sabihin sa'yo. I mean, may gusto pala akong itanong sa'yo."
Ibinaba ko ang mga kubyertos ko saka tumingin sa kanya. "Ano 'yon?"
Huminga muna siya nang malalim bago umayos ng pagkakaupo. Diretso siyang tumingin sa mga mata ko saka nagsalita. "Sophie, I'm so happy that you finally able to find a job that you love, I am so happy that you were also able to finally know the truth about your real mom. I could see that slowly, your whole identity is being completed. And I want to be a part of your journey. I want to stay beside you no matter what happens."
Nakikinig lamang ako sa kanya. Kita ang sinseridad sa mga mata niya habangnagsasalita.
"Lance..."
"Sophie, can I be a part of your life? Can you be mygirlfriend?" tanong niya habang nakatitig sa akin.
Alam kong ito na ang pupuntahan nito pero nabigla pa rin ako.
"L..Lance..."
Bigla niyang inabot ang kamay ko. "Sophie, all my life I've always been ignoring my feelings for the person I love just so I could save my younger brother. All my life, I didn't have the bravery to confess my real feelings. But this time, it's different. I don't want to be a coward anymore, I love you, Sophie. I've always loved you. Ever since the day that we met, I already fell in love with you."
Bigla na lamang namuo ang luha sa mga mata ko.
"Please, Sophie. Give me a chance and I will prove to you how much I love you. I will prove that I am deserving for your love. Just give me a chance..."

BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...