I'M DEAD

3.4K 62 0
                                    

Sophie's POV

"Ano?! Si Vincent at Dylan ay iisa?! At anong ginawa niya? Sinubukan ka niyang halikan?!" sabi ni Sabrina nang sabihin ko sa kanya ang lahat ng nangyari kahapon. 

Hindi ko nagawang makipag-usap kay Sabrina dahil umalis din siya ng bansa noong nakaraan. 

"O..Oo. Noong dinala ko siya sa may stock room, s..sinubukan niya akong halikan..." hindi ko nakatinging sabi sa kanya. 

"Sinubukan niya, o hinayaan mo siyang halikan ka?" pang-aasar naman niya sa akin. 

Napakagat ako sa ibabang labi ko. "B..Bigla niya akong hinalikan! H..Hindi ko naman siya magawang itulak palayo, ano!"

Umiling-iling siya. "Ay naku, Sophie. Kilalang-kilala na talaga. At for sure, tumugon ka sa mga halik niya, tama? At may nangyari pa bang higit doon?"

"A..Ano?! H..Hindi, ano! W..Wala nang nangyari pa pagkatapos niyon dahil sinipa ko ang pinakaiingatan niya."

"Ouch! Sobrang sakit no'n, Sophie! Baliw ka! Hahaha!"

"Deserve niya naman iyon. At sa susunod na subukan niyang lumapit ulit sa akin, hindi ako mag-aalinlangan na ulit-ulitin iyon hanggang sa maging impotent siya!"

"Pero kapag nangyari iyon, hindi mo na rin mae-experience ang best sex of your life." pang-aasar niya pa.

Masama akong tumingin sa kanya. "Sabrina!"

"Just kidding hehehe..."

Bigla na lamang nag-ring ang phone ko. 

Sandali muna akong lumayo mula kay Sabrina para sagutin ang tawag ni Miss Felestine. 

"Hello?"

"Sophie, can you go to my office now?"

"H..Huh? Opo. Pupunta na po ako riyang ngayon, Miss Felestine."

"Okay, we'll wait for you here."

"Okay."

Matapos niyon ay ibinaba na rin niya ang tawag. 

Tumingin ako kay Sabrina.

"Pinapapunta ako ni Miss Felestine sa office niya."

"Iyong mommy mo?"

"O..Oo."

"Sophie, ayaw mo bang tawagin siyang mom or mommy? I mean, ang tagal mo nang hinintay ang pagkakataon na iyon, hindi ba? Sinabi mo pa sa akin noon kung gaano mo kagustong matawag na mommy ang mommy mo ulit."

Bumuntong-hininga. "Hindi ko alam... siguro hindi lang talaga ako komportable sa kanya.. By the way, kailangan ko nang umalis. Bye, Sab!"

"Alright, bye Sophie!"

***

Nabigla ako nang tuluyan na akong makapasok sa office ni Miss Felestine. Nakaupo siya sa swivel chair niya habang nakikipag-usap kay Vincent na nakaupo naman sa may couch habang magkakrus ang mga braso. 

Pareho silang lumingon sa akin.

"Sophie, you finally arrived." sabi sa akin ni Miss Felestine.

"I'm sorry I'm late, Miss Felestine."

Tumango siya. "It's alright, honey. Please have a seat."

"T..Thank you."

Masama akong tumingin kay Vincent na nakangiti naman habang nakatitig sa akin. Naupo rin ako sa may couch, pero sinadya kong malayo sa kanya. 

"Sophie, why are you so far away from Dylan?"

"H..Huh? W...Wala po..."

"You can sit next to him."

Pasimple akong sumimangot saka umurong palapit kay Vincent. 

"So, I have heard that you left Mr. Jacobs at one of our branchesyesterday when you were supposed to tour him around. Why did you do that to ourgreatest investor, Sophie?" tanong sa akin ni Miss Felestine.

 Muli akong masamang tumingin kay Vincent bago tumingin kay Miss Felestine. 

Sinong hindi tatakbo paalis kapag may manyakis na sinubukang mang-rape sa'yo?! At talagang may lakas-loob ang manyak na 'to na mag-sumbong kay Miss Felestine?! Pinalabas niya pa talaga na ako ang may kasalanan?!

"A-Actually Miss Felestine, hindi ko naman po talaga ginustong iwan siya roon. Lumabas lang po talaga ako sandali dahil medyo masama ang pakiramdam ko. Nakalimutan ko lang po na sabihin sa kanya..."

"But still Sophie, you shouldn't have left him there. He said that he waited for you to come back."

Nanatili lamang akong nakayuko. 

"Sophie, you should apologize to him."

"Pero--

"Mr. Jacobs is one of the most important investors that our company has. We shouldn't give him a bad impression especially since he just agreed on dealing with us."

"It's alright, I understand Miss Sophie. Maybe she was just not feeling really well yesterday that's why she left me there."

"But still, should've informed you about that. Sophie, you should apologize to Dylan."

Bumuntong-hininga na lamang ako. 

Iniangat ko ang tingin ko kay Vincent. "I'm sorry, Mr. Dylan. It was so disrespectful of me to leave you there just because I wasn'tfeeling well."  

Bigla na lamang niyang inabot ang kamay ko. "It's alright, Miss Sophie. I think you don't feel comfortable with me yet. I would like to invite you for a dinner later so that we could get to know each other more."

"That's a good idea! You should have dinner together!" bulalas ni Miss Felestine.

Kaagad kong inalis ang pagkakahawak ni Vincent sa kamay ko saka pilit na tumawa. "I'm so sorry Mr. Dylan but I don't think I can go on a dinner with you. I have so many things to do later so---

"I can reschedule your meetings with our investors. You don't have to worry about anything, Sophie."

"Hindi, Miss Felestine. Hindi niyo na po kailangang i-reschedule ang mga metting ko. Hindi po natin iyon dapat gaawin sa kanila."

"We can, as long as it's for our biggest investor."

"Pero---

"Oh, and by the way Mr. Dylan, we would like to invite you to our ball next week. We'll be having an important announcement there including our partnership with you."

Tumango naman si Vincent. "I'll go."

"Thank you so much, Mr. Dylan."

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon