Sophie's POV
"Marry me again, Sophie."
Nanlaki ang mga mata ko. "A...Ano?"
Diretso siyang tumingin sa akin. "Marry me again."
"Vincent, seryoso ka ba? Kasal pa rin naman tayo. Hindi ka pa nagf-file ng divorce, hindi ba?"
"That marriage was fake. I only married you because I wantedsomeone to entertain me, but this time, I want it to be a real marriage. I wantus to start all over again. I want you to marry me again, Sophie. I want you tospend the rest of your life by my side. Will you marry me?" nakatitig lamang siya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga bagay na iyon. Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya.
Napakalakas ng tibok ng puso ko at bigla ko na lamang naramdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko lahat sa paligid namin ay bigla na lamang naglaho.
"S...Siyempre naman, pakakasalan kita. Alam mo naman kung gaano kita kamahal. Alam mo naman kung gaano ako ka-willing na makasama ka kahit na ilang beses mo na akong nasaktan. Mananatili ako sa tabi mo kahit na ano pa man ang mangyari."
Bigla-bigla ay tumayo si Vincent saka hinawakan ang kamay ko saka ako pinatayo na rin. Pinunasan niya ang luha mula sa mga mata ko saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko bago ako siniil ng halik sa mga labi.
Ang mga labi niyang sobra kong na-miss halikan. Ang mga haplos niyang laging nagpapakalma sa akin.
Pipiliin ko siya. Alam ng diyos kung gaano ko kamahal ang lalaking ito. At alam kong marami pang naghihintay sa amin pagkatapos nito, pero ayaw ko na munang isipin iyon. Ang gusto ko lang ay i-enjoy ang moment na ito kasama ang lalaking pinili ko, at pipiliin ko kahit na ilang beses pa.
Nang humiwalay sa akin si Vincent ay kinuha niya ang isang maliit na box mula sa bulsa niya saka ipinakita sa akin ang isang silver ring.
"I love you so much, Sophie.." bulong niya sa akin habang isinusuot ang singsing sa daliri ko.
"I love you so much, too... so much..."
***
"Anong gagawin mo?" tanong ko kay Vincent nang makita ko siyang nakahiga na sa kama.
Tumingin siya sa akin. "Waiting for you."
"Hinihintay ako para?"
"For you to lay here beside me."
"At sino naman ang nagsabing hihiga tayo sa iisang kama?" taas-kilay kong tanong sa kanya.
"Me?"
"Hindi tayo magtatabi sa iisang kama."
"We are going to share the same bed, Honey. Whether you like it or not. There's no other bed here."
"Well, pwede ka namang matulog sa couch." sabi ko.
Bumangon siya mula sa kama saka tumitig sa akin. "We're married, Sophie. And we're going to get married very soon again. What's the problem about sharing the same bed?"
"Hindi tayo pwedeng magtabi sa kama hangga't hindi pa tayo ulit nagpapakasal."
"We can."
"Hindi."
"Yes, we can."
Nagulat ako nang bigla na lamang siyang tumayo at naglakad palapit sa akin. Binuhat nya ako saka ipinahiga sa kama saka siya umibabaw sa akin.
"A..Anong gagawin mo? Sinabi ko nang hindi tayo pwedeg magtabi!"
Ngumisi siya. "Do you want to play with me?"
"Ano?"
"Let's play chess. Like what we used to do. But this time, thiswould only be one game. If I win, I'll ask you to do anything that I want youto do. Same thing goes for you. You can ask me to do anything you want me todo too." sabi niya saka ako binigyan ng mabilis na halik sa labi. Hindi pa nga siya nanalo pero hinalikan niya na ako.
"Deal! Kapag nanalo ako, matutulog ka sa couch."
"Deal."
Hay, ang ngiti niyang iyan. Iniisip niya talagang hindi ko siya kayang talunin.
At tama siya. Nanalo nga siya. As always.
"Oh, looks like someone has to obey my orders." sabi ni Vincent habang nakakalokong nakatingin sa akin.
"Ang unfair. Alam mo namang hindi ako mananalo sa'yo." sabi ko habang naka-pout.
"Kiss me. Kiss me for five minutes." bigla niyang utos sa akin.
Nakakunot ang noo akong tumingin sa kanya. "N..Nababaliw ka na ba? Masyadong mahaba iyon! Gusto mo na ba akong mamatay?"
"Sophie, it's not as if you're not going to breath. You just have to kiss me for five minutes."
"Hindi."
"We just had a deal."
"Vincent, seryoso ka ba talaga?"
Tumangu-tango siya. "I am. So do it now. I still have some things to ask you to do."
"P..Pero sobrang haba no'n... I mean--
"Then just take off your clothes and dance in front of me." seryoso niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko. "A..Ano? At bakit ko naman gagawin 'yon?!"
"Because I said so. You can't complain to me, remember?"
Seryosong-seryoso ang mukha niya habang nagsasalita kaya hindi ko maiwasan ang kabahan. Muntik ko na malimutang mafia boss siya. Gusto talaga niyang masunod ang lahat ng gusto niya.
"F..Fine. Gagawin ko iyong una."
"Then do it now."
Wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko nang nakaupo na ako malapit sa kanya. Isang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa. Malalim ang pagkakatitig sa akin ni Vincent na para bang nakikita niya pati ang kaluluwa ko.
"Go on." muli niyang utos.
Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi saka ko unti-unting inilapit ang mukha ko sa kanya. Nag-dikit ang ang tungkil ng mga ilong namin saka ko tuluyang idinampi ang mga labi ko sa kanya.
Hindi siya tumutugon sa halik ko noong una, pero maya-maya lamang ay siya na ang humalik sa akin.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...