MONICA

4.3K 81 0
                                    

Sophie's POV

"Miss Sophie, nakaalis na si Sir Lance." sabi sa akin ni Venom nang buksan niya ang pinto ng kwarto ko.

Hindi ko inalis ang kumot na naka-taklob sa akin. "Okay..."

"Aalis na ako, Miss Sophie.."

"Okay..."

Hindi ko rin alam pero parang bigla nalang ding sumama ang pakiramdam ko matapos ng mangyari. Alam na ni Lance ang tungkol sa kasal namin ni Vincent, ibig sabihin madalang na lamang din kaming magkakasama. Paniguradong iiwasan niya na ako ngayong nalaman niya na asawa ko ang kapatid niya.

Ayaw ko siyang lumayo sa akin...

Ngayong alam niya na na kasal na ako, mas pinatutunayan lang niyon na wala na talaga kaming chance na dalawa. Alam ko namang mali itong nararamdaman ko, pero nalulungkot talaga ako at nasasaktan. 

Si Lance ang first love ko at ang tanging mahal ko hanggang ngayon. Ayaw kong malayo sa kanya, gusto kopa siyang makasama nang mas matagal, pero tingin ko ay hindi na mangyayari iyon. 

Maya-maya ay may narinig na lamang akong kumakatok mula sa labas ng kwarto ko. Kaagad kong pinunasan ang luha mula sa mga mata ko saka tumayo at naglakad papunta sa pinto. Nakalimutan ko rin palang sabihin kay Venom na samahan ako sa mall bukas. 

Laking-gulat ko na lamang nang si Vincent ang nakita ko pagbukas ng pinto. May hawak siyang isang bote ng whiskey sa kanan niyang kamay. Suot niya pa ang white longsleeves niya, pero unbuttoned na ang tatlong unang butones niyon. Ang kulot niyang buhok ay magulo rin, pero nagawa pa rin niyang maging sobrang gwapo. 

"A..Anong ginagawa mo rito?"

"Let's play chess." tugon niya.

Kunot ang noo akong tumingin sa kanya. "A..Ano?"

"I want to play chess with you, Sophie."

"Tingin ko lasing ka. Isa pa, wala rin ako sa mood para makipaglaro ng chess sa'yo. Matulog na tayo, okay? Pagod na ako." sabi ko saka isasara na sana ang pinto pero bigla niya na lamang akong hinawakan sa kamay. 

"Please, Sophie. Let's play chess." tila bata niyang pagmamakaawa sa akin. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito.

"Pero Vin---

"Please."

Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko. Mukha siyang miserable, pagod, at malungkot. 

Malungkot?

At bakit naman siya malulungkot?

Huminga muna ako nang malalim. "Sige na nga. Pero isang laro lang, okay?"

"Let's go." sabi niya saka ako hinila papunta sa kwarto niya. 

***

Napairap ako saka uminom ng whiskey nang matapos na ang laro namin. As usual, nanalo na naman ang chess master. "Ang pait." saad ko pagkainom ng whiskey.

"But it tastes delicious, right?"

"Oo."

Uminom pa ako ng isang glass niyon. Iinom pa sana ako ulit matapos niyon, pero bigla kong na-realized na wala na palang laman ang bote kaya kaagad akong napasimangot. "Wala nang laman..."

"Sophie."

"Hmm?" tanong ko habang dinidilaan ang rim ng glass ko.

"You like my brother, right?"

Tumingin ako sa kanya saka ko inilagay ang bote sa may center table. "Sobra. Mahal na mahal ko siya. Siyang first love ko, at ang tangi kong mamahalin."

"I knew it." sarkastiko siyang tumawa. "That's why you looked so ashamed when he found out about us."

"Hindi naman ako nahiya. Nalungkot lang ako kasi napatunayan lang niyon na walasiyang pakialam sa akin. Wala siyang pakialam kahit na may iba akong gusto o magpakasal ako sa ibang lalaki. Sabagay, never niya naman akong minahal. One-sided love lang naman ang lahat noon pa man."

Sunud-sunod na pumatak ang luha mula sa mga mata ko habang inaalala ang magandang pag-trato sa akin ni Lance noon. Ang dahilan kunug bakit nagustuhan kosiya. 

Sandaling hindi nagsalita si Vincent. Nagpatuloy lamang siya sa pag-inom ng whiskey na nasa baso niya hanggang sa maubos niya rin iyon. "One-sided love, huh?"

"Tingin ko pareho tayong lasing na." sabi ko.

"Being in a one-sided love is so stupid, right?"

"Tama."

Inilagay niya ang glass niya sa center table saka tumingin sa akin. "Sophie."

"Ano?"

"Do you want me to erase your sadness?"

Tumawa ako. "Talaga? Kaya mong gawin 'yon?"

"Of course. And I also forgot to tell you the part of you that I want to conquer tonight."

"Tingin ko alam ko na."

Nakatitig lamang ako sa mukha niya habang unti-unti siyang lumalapit sa akin. Nakatitig siya sa mga labi ko. Alam ko na ang gagawin niya, pero nanatili lamang akong nakaupo roon hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa mga labi ko.

It was slow, yet passionate. Nalasahan ko ang whiskey mula sa bibig niya habang hinahalikan niya ako. He bit my lower lip and I opened it for his tongue. He sucked my tongue as his hand traveled down to my thighs, slowly massaging them.

I put my arms around his shoulders and kissed him back. 

We just found ourselves lying on the couch while our lips were still playing with each other. I could feel the heat all over my body and I know he feels the same way too.

"Monica..." dinig kong bulong niya.


Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon