LEAVE

5.6K 86 0
                                        

Sophie's POV

Tinulungan ako ni Lance na kunin ang lahat ng gamit ko sa loob ng kwarto ko saka iyon inilagay sa maleta. Matapos niyon ay kaagad na rin kaming bumaba at inilagay iyon sa trunk ng kotse niya. 

"Miss Sophie." bigla ko na lamang narinig ang boses ni Venom mula sa likuran ko. 

"Venom. Ano 'yon?"

"Pwede ba akong sumama sa'yo, Miss Sophie?"

"Huh?"

Kinagat niya ang ibabang labi niya. "Malaki ang utang na loob ko kay boss, pero pakiramdam ko kasi responsibilidad na kita ngayon at tungkulin kong alagaan ka  kahit saan ka pa magpunta. Please, hayaan mo akong sumama sa'yo."

Tumingin naman ako kay Lance. "Lance, pwede ba naming isama si Venom sa atin? Sa totoo lang, ayaw ko rin siyang iwanan dito nang mag-isa."

"Siyempre naman, sasama siya sa atin."

"Salamat talaga, Lance."

Niyakap namin ni Venom ang isa't isa. Itinuring ko na rin talaga siya bilang kapatid ko kaya hindi ko rin kaya na iwanan na lamang siya nang basta basta. 

Palapit na sanang muli kami sa kotse ni Lance nang bigla na lamang dumating si Vincent sakay ng kotse niya. Ni-park niya iyon sa harapan namin kaya naman kaagad akong nagtago sa likuran ni Lance. 

"What are you doing? Where are you going, Sophie?" kaagad na tanong ni Vincent pagkalabas niya pa lamang ng kotse niya. 

Nag-iwas ako ngtingin mula sa kanya.

"Sophie is coming with me, V." sagot naman ni Lance.

"Coming with you? To where? Why?"

"Tara na, Lance...." bulong ko saka humawak sa braso niya, pero bigla na lamang akong hinila ni Vincent palapit sa kanya.

"You're not going anywhere, Sophie."

"Bitiwan mo ako!" sigaw ko habang sinusubukan siyang itulak palayo. "Lance, tulungan mo ako!"

"V, let her go! Sophie will go with me!"

Hindi ako binitawan ni Vincent. "Just tell me where you would go and why the hell are you taking my wife?"

Dahil sa sinabi iyang iyon ay bigla na lamang kumulo ang dugo ko. "Wife? Talaga? Asawa pala ang turing mo sa akin? Tinatawag mo akong asawa mo dahil lang sa pinilit mo akong magpakasal sa'yo kahit na hindi ka pa naman nakakamove-on mula sa ex mo?!"

Nagtataka siyang tumingin sa akin. "What the hell are you talking about? Are you still with that issue about Monica?"

"Pwede bang tigilan mo na 'yang pagpapanggap na parang hindi mo alam?! Tinext mo ako at sinabihang magpunta sa garden para lang makita ko kayong dalawa ni Monica?!"

Sunud-sunod ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ko. 

"W..What are you--

"I really hate you, Vincent! Pinagsisisihan kong minahal pa kita! I really hate you!" sigaw ko saka ko siya itinulak palayo at tumakbo palapit kay Lance.

"Venom, isakay mo na si Sophie sa loob ng kotse." utos ni Lance.

"Sophie!" tawag sa akin ni Vincent. 

Sumakay na kaming  dalawa ni Venom sa loob ng sasakyan habang si Lance naman ay naiwan sa may labas para makipag-usap kay Vincent. 

Lance's POV

"Where the hell are you taking her, Lance?" tanong sa akin ni V nang makasakay na sina Sophie at Venom sa loob ng kotse ko. 

Nilingon ko siya. "Sa pad ko na muna mags-stay si Sophie hanggang sa maging okay na siya."

 "Feel better? Why, is she sick?"

"Kailangan mong pag-isipan ang lahat ng ginawa mo, V. Asawa mo si Sophie, dapat sa kanya ka lang mag-focus at hindi sa ibang babae."

"Look, Lance, I don't even know what the hell—

"Nakita niya kayong naghahalikan ni Monica sa garden ng hotel noong debut niya. Ano sa tingin mo ang dapat niyang maramdaman?"

Bumuntong-hininga siya. Lance, I didn't even intend to do that. I was just---

"Hayaan mo lang muna na makapagpahinga si Sophie. Pwede kayong mag-usap, pwede kang magpaliwanag sa kanya kapag okay  na siya. Pero sa ngayon, hayaan mo lang muna siya na magpahiga, okay?"

"I'm going to get her next week."

"Gusto ko lang ipaalala sa'yo, Vincent. Asawa mo si Sophie, kailangan mo siyang alagaan at hindi saktan. Kung mahal mo pa si Monica, then sabihin mo sa kanya at mag-file ka ng divorce. Basta huwag mo lang siyang saktan nang ganito."

Hindi siya kaagad na nagsalita.

"Tingin ko kailangan mong ayusin na muna ang sarili mo. Kailangan mong gumawa ng klarong desisyon bago ka gumawa ng susunod mong hakbang. At kapag nasa tama kanang pag-iisip, doon lang kita papayagang makipag-usap kay Sophie."

Sumakay na rin ako sa kotse ko saka siya iniwang nakatayo roon. Nakita kong umiiyak pa rin si Sophie sa may backseat kaya hindi ko naiwasang mainis sa ginawa ng kapatid ko. Hindi ko rin alam kung tama ba itong ginawa ko, pero hindi ko rin pwedeng hayaan si Sophie sa mansiyon niya.




Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon