HIS GAME

8.4K 126 0
                                        

Sophie's POV

"What took you so long?" laking-gulat ko nang makita ko na lamang si Vincent na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko. 

"A..Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.

Malamig siyang tumingin sa akin. "Did you go somewhere else?"

"S..Sorry. Nakipag-usap lang ako sa isang kaibigan sandali."

"Sophie. You are not here to have a life of a princess. I didn't marry you just so you could live the way you want and disobey my orders."

"I..I'm sorry. H..Hindi na mauulit.."

"That would never really happen again because if you repeat that, I will no longer allow you to study or work. You'll just stay inside this mansion forever."

"A..Ano?! Hindi! Huwag, Vincent! Please!"

"Wash your body and proceed to my room."

"H..Huh?"

"Don't worry, I won't do anything shady." dagdag niya bago tuluyang umalis.

Bakit gusto niya akong pumunta sa kwarto niya?

***

Gaya ng sinabi niya, nag-half bath na muna ako saka nagpalit ng damit pantulog. Sinadya ko talagang suotin ang pajamas ko dahil alam kong kapag nakita niya akong nakasuot ng manipis o sleeveless na damit, iba na naman ang papasok sa isipan niya. 

Kailangan ko ba talagang magpunta sa kwarto niya?

Paano kung pilitin niya akong gawin na iyong gusto niyang mangyari?

Pero sinabi niya naman na wala siyang masamang gagawin sa akin. Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan?

Bumuntong-hininga ako. "Kungsabagay, para namang may choice ako. Pag-aari niya ang mansiyon na ito. At nang pakasalan ko siya, naging isa na rin ako sa mga pag-aari niya."

Isang beses lamang akong kumatok sa pinto niya at kaagad niya nang binuksan ito. Suot niya ang isang pares ng itim na pajamas. Hawak niya rin ang isang black towel kaya malamang sa malamang ay katatapos niya lang din maligo. "Come in."

"O..Okay.."

Kaagad niyang sinara ang pinto nang makapasok na ako sa loob. Inilibot ko ang paningin ko sa loob niyon at nalaman kong kasing-laki iyon ang kwarto ko. Maliban nga lang sa napakaraming pinto sa bawat gilid. Ano naman kaya ang nasa loob ng mga pintong iyon?

Tanging gray at black lamang ang kulay na makikita sa kwarto niya. Bawat furniture ay maayos ang pagkaka-organize. Para bang iyong mga kwarto na nakikita sa mga magazine.

"P..Pwede ko bang itanong kong bakit mo ako pinapunta rito?" tanong ko sa kanya.

"To play." mabilis niyang tugon saka naglakad patungo sa isang malaking cabinet at doon kinuha ang sang chess board. 

"M..Maglalaro? M..Maglalaro tayo ng chess?"

Tumingin siya sa akin saka naupo sa couch katapat ko. "That's right. We'll play chess. Do you know how to do it?"

"N..Naglalaro ako paminsan-minsan noong bata pa ako. Pero hindi ko alam kung alam ko pa ba siyang laruin hanggang ngayon."

"Then, bad for you."

"Makikipaglaro ka ba talaga ng chess sa akin?" tanong kong muli.

Sumandal siya sa couch at ipinagkrus ang mga braso niya saka tumingin sa akin nang diretso. "But we're not just going to play an ordinary chess."

"A..Anong ibig mong sabihin?"

"We'll play chess just like how people usually play them, the only difference is that we'll have a punishment for the loser."

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niyang iyon. "P..Punishment?"

"Everytime you lose, I'll conquer a part of your body."

Nanlaki ang mga mata ko. "A..Ano?!"

"I will choose a part of your body and I can do whatever I want with it and you are not allowed to complain." pagpapaliwanag naman niya.

"A..Anong tingin mo sa akin, mapa ng Pilipinas?!"

"You can't do anything about it, Sophie. What do you want me to do, force you to have sex with me tonight or play a chess with you?" taas-kilay niyang tanong.

Ano bang klaseng kondisyon 'yon?! At bakit ganoon nalang kadali sa kanyang sabihin ang salitang iyon?!

Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Ang kailangan ko lang namang gawin ay ang talunin ka, hindi ba?"

"Uh-huh."

"P...Paano kung manalo ako?"

"Then you can ask me anything."

"K..Kahit na ano? As in, kahit na ano?"

Tumango siya. "Right. You can ask me anything except a divorce."

Ah! Alam niya talaga kung ano ang unang-una kong hihilingin mula sa kanya.

Sabagay, wala rin naman akong choice. At least kapag naglaro kami ng chess, mao-occupy nito ang isipan niya at hindi na niya maiisip na gumawa ng kamanyakan. "Deal."

Isang smirk ang gumuhit sa mukha niya. Isang ngiting kaagad na nagpanginig ng buong katawan ko. 

"Alright then, let's start now."

"Okay."

Inilapag niya ang chess sa may center table saka kami nagsimulang maglaro. Sana lang talaga hindi niya pa master ang larong ito dahil patay talaga ako. Anyway, sigurado namang wala siyang panahon para maglaro ng chess dahil malamang sa malamang ay parati siyang busy sa business at sa mga gawain niya bilang isang mafia boss.

Kaya mo iyan, Sophie!








/

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon