Sophie's POV
"Sigurado ka na ba talaga rito, Sophie?" tanong sa akin ni Lance.
Ngumiti ako sa kanya saka tumango. "Oo, ito na ang una kong hakbang, Lance. Salamat dahil pinatuloy mo kaming dalawa ni Venom dito. Utang na loob namin lahat sa'yo. Maraming salamat."
"Hindi rin ako magsasawang sabihin ito sa'yo dahil hindi ka nagsasawang magpasalamat sa akin. Hindi mo na ako kailangan pang pasalamatan pa, Sophie. Lagi lang akong nandito para sa'yo kahit na ano pa man ang mangyari. At ngayon na aalis ka na, gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako parati sa tabi mo at sobrang proud ako sa'yo."
Pinunasan ko ang luha mula sa mga mata ko saka ko siya mahigpit na niyakap. "Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung hindi dahil sa'yo, Lance...."
Tinapik-tapik lamang niya ako sa balikat saka kami humiwalay mula sa isa't isa. "Ano, tara na sa bago mong bahay?"
"Tara!"
Bumili ako ng unit sa isang condominium malapit sa kompanyang pinagt-trabahuhan ko. Nagpupunta pa rin naman ako sa university pero binibigyan na lamang nila ako ng worksheets para sagutan at ipinapasa ko ang mga iyon every weekend. Si Venom naman pumapasok pa rin. Para na talaga siyang kapatid ko. Ate, dahil mas matanda siya sa akin ng dalawang taon.
"Napakaganda at napakalaki nito, Sophie!" sabi ni Lance nang makita niya ang loob ng unit.
"Pinili ko talaga ito dahil sa view niya. " sabi ko saka hinawi ang mga kurtina para makita ang view ng city at ng lake.
Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Lance habang nakatingin doon. "Napakaganda nito, Sophie. Ang galing mong mamili."
"Salamat! Hahaha"
Umupo siya sa isa sa mga bucket chairs. "Nakita mo na ba si Miss Felestine? Nagawa mo na bang makipag-usap sa kanya?"
Nagtimpla ako ng kape para sa aminig dalawa ni Lance saka ko iyon inilapag sa may center table sa harap niya. "Oo. Nakausap ko na siya nang maraming beses noon. Napakabait niya. At alam mo ba, hindi ko pa nga alam noong una na siya ang CEO ng Felestine. Napaka-engot ko talaga noon, tapos inakala ko pang model din siya gaya ko."
Tumawa naman si Lance saka humigop ng kape niya. "Balia ko mag-isa lang siya. Wala siyang anak o asawa. Although narinig ko rin na hinahanap niya ang anak niya. Hindi ko alam ang buong istorya, iyon lang ang alam ko."
"Talaga? Ibig sabihin ang lungkot pala ng buhay niya. Napakabait niya sa akin, hindi ko tuloy maiwasang maawa sa kanya. By the way, speaking of Miss Felestine, may meeting kami mamaya after lunch."
"That's good. Atleast mas makikilala mo pa siya. Tingin ko mas magiging madali para sa'yo na pakisamahan siya. Magt-trabaho ka para sa kanya kaya kailangan mong magkaroon ng magandang relasyon sa kanya."
Tumango. "At bukod pa ron, curious din ako sa kanya. Para bang gusto ko siyang makilala pa."
***
Nag-volunteer si Lance na ihatid ako bago siya dumiretso sa university.
"Miss Sophie,please kindly follow me." sabi ni Bea, isa sa mga trainee ng kompanya.
Ngumiti ako sa kanya. "Okay."
Sinundan ko lamang siya hanggang sa makasakay kami sa loob ng elevator. May meetig kaming dalawa ni Miss Felestine kaya hindi ko maiwasang kabahan. Sobrang komportable ako sa kanya noon, pero noong malaman kong siya pala ang CEO ng kompanya, bigla na lamang akong nahiya.
Huminto si Bea sa tapat ng isang malaking pinto kung saan may nakalagay na 'THE CEO'
"Nandito na po tayo, Miss Sophie."
"O..Okay."
Kumatok siya sa may pinto at maya-maya ay dalawang lalaki ang nagbukas niyon. Tumingin siya sa akin saka ako sinabihang pumasok na.
Habang nanginginig ang mga kamay ay dahan-dahan akong pumasok sa office niya. Nang sumara ang pinto ay kaagad kong naamoy ang napakabangong amoy ng perfume niya.
Inangat ko ang tingin ko saka inilibot sa kabuuan ng peach-colored office niya. Napakalinis niyon at napaka-girly. Para bang nasa loob ako ng bahay.
Sa isang banda ng office na iyon ay isang desk na gawa sa oak. Doon ay nakaupo ang isang magandang babae suot ang isang white formal dress. Nakatanaw siya sa may labas ng bintana niya na para bang napakalalim ng iniisip.
"M...Miss Felestine..." halos pabulong kong tawag sa kanya.
Halata namang nagulat siya nang marinig ang boses ko. Lumingon siya sa akin at kaagad na ngumiti.
Sa sandaling iyon ay para bang may nakita akong pamilyar na mukha. Ang ngiti na iyon, ang ngiting matagal ko nang hindi nakita...
Ang mommy ko...
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)