Sophie's POV
"I'm so sorry kung na-late ako, Sophie. May maingay kasing babae kanina habang papunta ako rito." sabi sa akin ni Lance bago siya naupo sa katapat kong upuan.
"Maingay na babae?"
"Oo. Ayaw kong pag-usapan pa ang babaeng iyon. Wait, umiyak ka ba?"
Kaagad kong pinunasan ang luha mula sa mga mata ko. "Umiyak ako dahil sobrang saya ko."
"Pwede ko bang malaman ang dahilan? Dahil ba next week na ang wedding ninyo?"
"Isa na iyon. Pero kasasabi lang din kasi sa akin ni Vincent na a-attend sa kasal namin ang tatay niya." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Talaga? Cool kung ganoon! Siguradong matutuwa si V."
"Sigurado ako. Sigurado akong nagulat din siya, pero sobrang happy niya ngayon. Lalo na't nahanap niya na ang totoo niyang ama."
"That's right. I'm so happy for him, too."
Nag-usap lamang kaming dalawa ni Lance tungkol sa kung anu-ano habang kumakain hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras.
"Salamat sa paghatid sa akin pauwi, Lance." sabi ko sa kanya habang nakatayo kami sa labas ng bahay ni mommy.
"No worries."
Ngumiti ako sa kanya. "Bye, mag-iingat ka."
"Sophie."
"Huh?"
Nakatingin lamang ako sa kanya. Hinihintay na magsalita siya nang bigla na lamang siyang lumapit sa akin saka ako niyakap.
"Lance..."
"I just want to say goodbye to my longest unrequited love. Thankyou for everything and I promise to be the best brother-in-law for you." humiwalay siya mula sa akin saka inilagay ang mga kamay niya sa balikat ko. "From now on, ituturing na kita bilang younger sister ko."
Ngumiti ako sa kanya. "Maraming salamat din sa lahat, Lance. Maraming salamat dahil lagi kang nariyan para sa amin ni Vincent."
"Okay, kailangan mo nang pumasok sa loob. Siguradong sasapakin ako ng asawa mo kapag nalaman niyang late na kitang naihatid pauwi."
"Take care, Lance."
"I will. Huwag mong kalimutang tawagan ang asawa mo bago matulog."
Tumango ako saka ngumiti. Hinintay kong tuluyang makaalis si Lance bago ako tuluyang pumasok sa loob ng mansion. Tulog na si mommy, kaya naman pumasok lamang ako sa kwarto niya saka hinalikan siya sa noo. Tapos ay nagtungo na ako sa kwarto ko kung saan nakahiga si Venom habang nagbabasa ng libro.
"Bakit gising ka pa?" tanong ko sa kanya saka ako naupo sa kama.
"Hinihintay kita, Miss Sophie."
"Hindi mo na kailangang gawin iyon, Venom."
Umiling-iling siya. "Gusto ko. Magpapakasal ka na kay boss next week, kaya ibig sabihin niyon ay hindi na kita makakasamang matulog. Gusto ko lang i-cherish ang pagkakataon na ito na kasama pa kita."
"Naku, Venom. Ikaw talaga ang pinaka-sweet na kapatid. Salamat sa pag-stay sa akin, Venom. Mam-miss ko talaga ang late night talks natin. Pero alam mo, sinabi na sa akin ni mommy na mananatili ka sa poder niya hanggang sa ikasal ka na rin. Atsaka, pwede ka namang magpunta sa bahay namin ni Vincent kahit pa kasal na kami. Ikaw pa rin ang ate ko."
"Masaya ako para sa'yo, Miss Sophie. Deserve mo ang lahat ng mga bagay na meron ka ngayon. Marami ka nang pinagdaanan at masaya ako dahil nalagpasan mo anglahat ng iyon."
Ngumiti ako sa kanya saka kami nagyakap na dalawa. Nag-usap pa kami tungkol sa mga kung anu-ano bago natulog.
Hindi pa rin ako makapaniwala na next week ay ikakasal na kami ni Vincent.
Ang dami naming pinagdaaanan, muntik na nga rin kaming mag-divorce. Pero sa huli, siya pa rin ang lalaking mahal ko.
Nakipag-usap din ako kay Monica kaninang umaga. Sinabi niyang a-attend siya sa kasal.
Hindi na ako makapaghintay na pakasalan si Vincent ulit. Hindi ako makapaghintay na bumuo ng pamilya at tumanda kasama siya.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)