Sophie's POV
"You did really great, Sophie. I was really impressed!" puri sa akin ni Miss Felestine habang naglalakad kami papunta sa company lounge area.
"Kinakabahan nga po ako kanina. Buong akala ko tuluy-tuloy na akong mabubulol habang nagp-present."
Naupo kami sa isang couch. "Ni hindi ko nga nakitang kinakabahan ka. You looked sp confident, Sweetheart."
"Masyado niyo po akong pinupuri, Miss Felestine..."
Umiling siya. "No, honey. Sinasabi ko lang ang totoo. You really did great and I am so proud of you."
"Thank you po.."
"By the way, nakita ko iyong gwapong binatang naghatid sa'yo kaninang umaga. Boyfriend mo ba siya?"
"Huh? Naku, hindi po. Malapit na kaibigan lang po."
"Really? Pero bagay kayong dalawa. I think you'll make a great couple."
Ngumiti lamang ako sa kanya.
"Sophie, can we go for a dinner next week? Gusto ko lang sana na mas makilala ka pa." nakangiti ring sabi sa akin ni Miss Felestine.
"Dinner next week? Sure, Miss Felestine. Gusto ko po iyon."
Tumayo siya kaya tumayo na rin ako. "Please bring your parents with you, too. Gusto ko rin silang makilala."
"Sure po akong magugustuhan ni daddy 'yon. Tatawagan ko po siya mamaya at sasabihin ko iyon."
"Alright, sweetheart. I'm already excited about that dinner."
"Ako rin po..."
Alright then I'll just see you guys there, okay? I'll be leaving now since I still have an important meeting with someone."
Niyakap namin ang sa't isa bago siya tuluyang umalis.
Napangiti ako.
Natutuwa talaga ako dahil nakilala ko siya. Napakabait niya sa akin at parang tunay ko na talaga siyang mommy. Napaka-swerte ko dahil siya ang CEO ng kompanyang pinagt-trabahuhan ko.
Kinuha ko ang phone mula sa bag ko saka idinial ang number ni daddy.
"Sophie?"
"Dad, naaalala niyo pa po ba iyong babaeng tumulong sa akin noong trainee pa lang ako? Sinabi niya po sa akin na gusto niya tayong mag-dinner next week. Gusto niya pong sumama kayo sa akin."
"Talaga? Bakit? Bakit gusto niya akong makita?"
"Gusto niya raw po kasi akong mas makilala pa. Gusto niya raw po malaman kung anong klase kayong tatay at anong klase akong anak sa inyo."
"Alright, alright. Pupunta ako."
"Thanks, Dad!"
***
Tatawag na sana ako ng taxi nang bigla na lamang mag-ring ang phone ko mula sa bag ko. Kaagad ko iyong kinuha.
Unknown ang number na tumatawag sa akin.
"Hello? Sino po--
"Meet me at Adeline Coffee Shop."
"Huh? Excuse me? Pwede ko pang malaman kung--
"I'm the mother of Vincent and Lance."
Nanlaki ang mga mata ko. "M..Mrs. Hastings?"
"I will wait for you here."
Magsasalita na sana ako ulit pero ibinaba niya na ang tawag.
Bakit niya ako gustong makita?
Huminga ako nang malalim saka pumara ng taxi. Sobra akong kinakabahan sa biyahe hanggang sa huminto na iyon sa tapat ng Adeline Coffee Shop.
Sinigurado kong maayos na ang hitsura ko bago pumasok sa loob. Malaki ang coffee shop kaya hindi ko kaagad na nakita si Mrs. Hastings. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng coffee shop hanggang sa makita ko ang isang magandang babae na nakaupo malapit sa salamin na dingding ng coffee shop.
Naglakad ako palapit sa kinaroroonan niya. Kaagad naman siyang tumingin sa akin nang marinig niya ang boses ko. "G..Goodafternoon, Mrs. Hastings. Ako po si Sophie Laurens."
"I know, we already met before so you no longer have to introduce yourself to me. Please take a seat."
"Salamat po." sabi ko saka naupo.
Umayos siya ng pagkakaupo saka tumingin sa akin. "I've heard that you're the new brand ambassador of Felestine company. I also saw your face in some magazines. Looks like you finally found something that would give you enough money. Is that the reason why you left my son Vincent already?"
"M...Ma'am?"
"You already left Vincent, right? Did you leave him because you realized that his life is so complicated? And now you're going out with my other son because you know that he's the one who's going to inherit their dad's company?"
Napakunot siya ng noo. "Mrs. Hasting, hindi po iyan totoo. Hindi po ako nakikipag-date kay Lance. Magkaibigan lang kaming dalawa."
Sarkastiko siyang tumawa. "I know exactly what kind of woman you are, Sophie. As far as I know, Lance was the one who helped you to get into Miss Felestine's company. That only means that you really used him in order for you to gain success. You are using both of them because you want them to fight against one another!"
"Hindi po totoo 'yan. Wala po akong ginagamit sa kanilang dalawa. Opo, si Lance ang tumulong sa akin at thankful ako roon. Pero hindi ko po siya ginamit at hinding-hindi ko siya gagamitin dahil masyado siyang mabait sa akin."
"And do you think I will believe you? You're going to file a divorce against Vincent then you'll get married to Lance, that's your next plan, am I right?"
Umiling ako. "Hindi, wala po akong plano na kung anoman. Gusto ko lang po ng tahimik na buhay. Wala akong kahit na anumang plano."
"You don't really love Vincent, do you? I'm sure you just used him in order for you to get rich and even married him even though you know that he's a mafia boss. Is that how low you are, Sophie?"
"Mrs. Hastings, tingin ko po wala kayong karapatan na sabihin ang mga bagay na iyan sa akin. Hindi niyo naman po alam ang buong kwento. Wala po akong ginamit na tao, at wala po akong gagamiting tao para lang maabot ang mga pangarap ko at--
Nagulat ako nang bigla niya na lamang akong sampalin. "Liar! You used him and you are going to use Lance too! This is what you should remember, you slut. Once I figure out that you are dating Lance, I will surely make your life miserable. Don't ever dare seeing him again. He doesn't deserve a woman like you."
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...