MY FIRST LOVE

8.9K 132 1
                                        

Sophie's POV

Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko habang pinagmamasdan ko si Mr. Jacobs na nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng infirmary. Matagal ko na siyang pinagmamasdan. Matagal ko na siyang minamahal, to the point na akala ko pwede ko siyang pakasalan balang araw at bumuo ng pamilya kasama siya, pero pangarap ko lang pala ang lahat ng iyon. Isang pangarap na hindi na matutupad pa. "Sophie?"

Nabigla ako nang bigla na lamang siyang lumingon sa direksiyon ko. Sobrang lakas na kaagad ng tibok ng puso ko tawagin pa lamang niya ang pangalan ko. "M..Mr. Jacobs.."

"May kailangan ka ba?" tanong niya sa akin saka tumayo. Naglakad siya palapit sa akin habang may matamis na ngiti sa mga labi.

"W..Wala naman. M..May gusto lang sana akong ibigay sa'yo.."

Bahagya niyang itinagilid ang ulo niya. Hindi niya lang talaga alam kung gaano siya ka-cute sa tuwing ginagawa niya iyon. 

"May ibibigay ka sa akin? Ano 'yon, Sophie?"

Ipinakita ko sa kanya ang iced coffee na binili ko pa sa malapit na vending machine. "I..Ito."

Tumawa naman siya nang makita niya ang itinatago kong iyon mula sa likuran ko. Nakita ko ang dimples niya at muntik na akong mamatay nang dahil doon. "Ang coffee na 'yan. Alam mo talaga kung ano ang paborito ko, Sophie."

"Siyempre naman. Hinding-hindi ko makakalimutan iyon." nakangiti kong sabi sa kanya.

"By the way, tapos na ang duty ko. Gusto mo bang maglakad-lakad sa park sandali?"

"H..Huh? O..Oo naman."

"Alright. Pwede mo ba akong hintayin sa labas? Magpapalit lang ako ng damit, tapos susunod ako sa'yo." 

"Okay."

Naglakad ako palabas saka naupo sa isang bench nang bigla na lamang lumapit sa akin si Venom. "Miss Sophie. Tapos na po ang klase ninyo, hindi ba? Kailangan na po nating umuwi, gaya ng bilin ni Boss."

"Venom. Gusto ko lang muna magkape kasama ang kaibigan ko sandali. Thirty minutes lang. Pwede bang hintayin mo nalang ako? Promise, thirty minutes lang ito."

"Pero Miss Sophie--

"Please, Venom. Tingin ko maiintindihan naman ni Vincent. Atsaka, maaga pa naman, e."

Bumuntong-hininga lamang siya. "Babantayan na lamang kita mula sa malayo, Miss Sophie. Please, huwag po kayong lalagpas sa thirty minutes sa pakikipag-usap sa kaibigan ninyo."

"Naiintindihan ko. Salamat, Venom."

Matapos iyon ay umalis na rin si Venom. Saktong paglabas naman ni Mr. Jacobs mula sa infirmary. "Tara?"

"Okay!"

***

"Naaalala mo pa ba noong unang beses tayong nagkakilala, Sophie?" tanong sa akin ni Mr. Jacobs habang nakaupo kami sa isa sa mga bench sa may park. Nakaupo lamang si Venom sa isa ring bench na medyo malayo sa amin at kunwaring nagbabasa ng diyaryo.

Uminom muna ako ng kape ko bago ngumiti. "Oo naman. Hinding-hindi ko makakalimutan iyon dahil iyon ang unang beses na nakita kita. Muntik na akong maligaw niyon sa paghahanap sa building ko, pero bigla ka na lamang sumulpot. Buong akala ko pa nga estudyante ka rin."

"Nakita kasi kitang palinga-linga na para bang may hinahanap. Mukha ring iiyak ka rin niyon although,  tingin ko ang cute mo ng mga oras na iyon. Kaya naman naglakad ako palapit sa'yo. Tandang-tanda ko pa nga kung gaano ka kasaya noong makita na natin ang room mo." nakangiti niyang pagk-kuwento kaya naman hindi ko na rin naiwasan ang mapangiti habang nakatingin sa kanya.

"Alam ko nakakahiya ang hitsura ko noong mga panahong iyon, pero salamat dahil tinulungan mo ako. Kung hindi mo ako tinulungan, malamang sa malamang na-late na ako at pinagalitan na rin ako ng professor ko."

Sabay kaming tumawa. 

"Huwag kang mag-alala, Sophie. Hindi naman nakakahiya ang hitsura mo, tingin ko nga ang cute mo noon."

Naramdaman ko naman ang pag-init ng magkabilang-pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon. "P..Pero hindi naman ako puppy para maging cute..."

Tumingin siya sa akin na para bang tinitignan kung na-offend ako sa sinabi niya. "I'm sorry, Sophie. Hindi ko na dapat sinabi pa iyon."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Na-offend ka ba? I mean, dahil tinawag kitang cute?"

"A..Ano? Siyempre naman hindi. Pasensiya ka na, masyado lang akong nag-over react."

Umiling-iling siya. "Mabuti naman kung ganoon. Akala ko kasi nagalit ka sa akin."

"Hinding-hindin mangyayari iyon, Mr. Jacobs. Ang magalit sa'yo ang huling gagawin ko. Hinding-hindi ko magagawang magalit sa taong naging mabuti sa akin mula pa man noong umpisa."

"Hindi ako kasing-bait ng iniisip mo. I can be selfish sometimes. And I like it when things go my way. Kapag may isang bagay akong gusto, kinukuha ko iyon." sabi niya kaya naman hindi ko naiwasang mabigla. Ngayon ko lamang siya nakitang magsalita nang ganoon kaseryoso. "Oh, sorry. Nagulat na naman ba kita? Hahaha!"

"H...Hindi naman. Nagulat lang talaga ako kasi ngayon lang kita narinig na magsalita nang ganyan kaseryoso."

Ngumiti siya sa akin. "Dahil ba parati akong nakangiti?"

"Oo. Oo nga pala, Mr. Jacobs. Pwede ba akong magtanong sa'yo?"

"Huh? Ano 'yon?"

Sandali muna akong nag-iwas ng tingin mula sa kanya upang huminga nang malalim bago ko muli siyang harapin. "M..May tao ka na bang nagugustuhan, Mr. Jacobs?"

Uminom muna siya ng kape niya bago tuluyang tumingin din sa akin. "Meron." sumandal siya sa may bench saka tumingala sa kalangitan habang ako naman ay nakatitig lamang sa kanya. Hindi ko nga rin alam kung bakit pero bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba habang hinihintay kung ano ang susunod niyang sasabihin. "Na-inlove na kaagad ako sa kanya mula nang una ko pa lamang siyang makita. She's beautiful, smart, and a kind woman. She's everything a man could ever ask for."

"G..Ganoon ba." pagpuputol ko sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin bago tuluyang tumayo. "By the way, kailangan ko na rin palang umuwi. Sigurado akong hinahanap na ako ni Daddy."

Tumayo rin siya kasunod ko. "Naiintindihan ko. Gusto mo bang ihatid na kita pauwi?"

"H..Hindi na. Meron din namang susundo sa akin."

"Mabuti kung ganoon. So, magkita nalang ulit tayo bukas?"

Tumango naman ako. "Okay."

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon