LEARNING CHESS

7.9K 109 0
                                        

Sophie's POV

"Sab."

Tumingin siya sa akin habang ang bibig niya ay puno pa ng sandwich na kinakain niya kanina. "Huh?"

"Alam mo ba kung paano maglaro ng chess?"

"Chess?"

"Oo."

Uminom na muna siya ng juice bago muling nagsalita. "Sophie, ni hindi nga ako interesadong mag-aral, maglaro pa kaya ng chess?"

Bumuntong-hininga na lamang ako. 

"Bakit? Anong mayroon sa chess na nagpapa-stress sa'yo?"

"Vincent."

"Nakikipaglaro ka ng chess sa mafia boss na 'yon?"

"Oo."

Malakas na halakhak ang pinakawalan niya. "Oh my God, Sophie! Seryoso ka? Alam niya kung paano maglaro ng chess?"

"Gold medalist siya noong second grade."

"Ano?! So magaling nga siya roon?!"

Tumango naman ako. "Parati niya nga akong natatalo. Ni hindi ko magawang manalo laban sa kanya."

"E bakit mo naman gustong manalo sa kanya?"

"Dahil ang sabi niya tutuparin niya ano man ang hilingin ko kapag natalo ko siya."

"Talaga. Ano namang hihilingin mo sa kanya kapag nanalo ka?" taas-kilay niyang tanong sa akin.

"Hihingi ako ng freedom mula sa kanya. I mean, kalayaang umuwi sa bahay kung kailan ko gusto, kalayaan na pumunta kung saan ko man gustuhin."

"Bakit hindi nalang divorce ang hingin mo sa kanya?"

"Dahil ang sabi niya, pwede kong hilingin ang kahit na ano maliban sa divorce."

"Wais talaga ang asawa mo, ano? E ano naman ang nakukuha niya kapag nananalo siya? I mean, ikaw kasi may makukuha ka kapag nanalo ka, e paano naman siya? Anong nakukuha niya?"

Kaagad kong naramdaman ang pag-init ng magkabilang pisngi ko nang maalala ko ang ginawa ni Vincent sa tainga noong huli kaming naglaro. "W...Well, pumipili lang siya ng part ng katawan ko na gusto niyang angkinin." humigop ako sa lemon tea ko, kunwaring hindi nab-bother pinagsasabi ko.

Nanlaki ang mga mata ni Sabrina dahil sa sinabi kong iyon. "What the heck?! So, ang ibig mong sabihin hindi ka na virgin?!"

"A..Ano?! Siyempre naman virgin pa ako, ano!"

"Ano bang pinili niya?"

Iniwas ko ang tingin ko mula sa kanya bago sumagot. "A..Ang tenga at leeg ko..."

"Tenga at--hahaha! So that means hindi na virgin ang tenga at leeg mo!"

"S...Sab, huwag ka ngang maingay diyan..."

"Sorry, sorry hahaha! Hindi ko lang talaga kasi maiwasang matawa, e! Talagang mapanukso siya, ano? Bakit hindi niya nalang pinili ang lips mo o kaya iyong---

"Sab!"

"Joke lang! Pero paano nga kung piliin niya nalang bigla ang mga iyon sa susunod?"

"Kaya nga kailangan ko nang pag-aralan kung paano mag-chess. Kailangan ko ng taong magaling sa chess para magturo sa akin."

Tumangu-tango siya. "Naiintindihan ko. Pero wala talaga kasi akong kakilala na magaling maglaro ng chess. Teka, may kilala pala ako!"

"S..Sino?"

Tumitig na muna sa akin si Sabrina bago may gumuhit na malaking ngiti sa mukha niya. "Mr. Jacobs. Naaalala mo pa noong sinabi niya sa atin na mahilig siyang maglaro ng chess noong bata pa lamang siya?"

"P..Pero..."

"Huh? Anong pero?"

Napakagat ako sa ibabang labi. 

Sinusubukan ko nang layuan si Mr. Jacobs hangga't makakaya ko matapos ng mangyari noong huli kaming magkita. Mayroon na siyang ibang gusto kaya ano pang point para maghabol ako sa kanya? Siguro nga, ang tingin niya lang sa akin ay isang estudyante na parati na lamang nanggugulo at nangungulit sa kanya. 

"Tatanungin ko nalang siguro si Venom kung magaling siya sa chess."

"Bakit? Pwede mo namang tanungin si Mr. Jacobs. Sigurado naman akong tutulungan ka niya."

"Pero ayaw ko kasi siyang distorbohin. Sigurado akong marami pa siyang kailangang gawin na mas importante kaysa sa pakikipaglaro ng chess sa akin."

"Speaking of. Hayun siya! Mr.Jacobs! Mr. Jacobs!"

Nanlaki ang mga mata ko nang tawagin niya si Mr. Jacobs na kakapasok lamang ng cafeteria. "S..Sab!"

"Mr. Jacobs! Dito po!"

Pipigilan ko pa sana siyang tawagin si Mr. Jacobs, pero huli na pala dahil nakita niya na kami. Ngumiti siya at naglakad palapit sa mesa namin. Kaagad ko namang iniyuko ang ulo ko nang tuluyan na siyang makalapit. Sobra akong kinakabahan at hindi ko rin alam kung bakit. 

"Hi, Mr. Jacobs!" bati ni Sabrina sa kanya.

"Hi girls. Kamusta kayo?"

"Well, ayos na ayos pa rin. Ikaw, Mr. Jacobs, busy ka ba?"

"Huh? Oo. Parati naman akong busy kaya wala nang bago." mahina niyang tawa.

Masama aakong tumingin kay Sabrina. "Sabi ko sa'yo, e."

"Huh? Ano 'yon? May kailangan ba kayo sa akin?" tanong ni Mr. Jacobs sabay tingin sa akin.

"Uh.. H..Hindi--

"Hindi ba magaling kang maglaro ng chess?" singit ni Sabrina.

"Hmm. Magaling ako dati, pero hindi ako sure kung ganoon pa rin hanggang ngayon. Pero alam ko pa rin naman kung paano maglaro. Naglalaro kasi kami ng kapatid ko noon kapag may oras. Bakit niyo naitanong?"

Kumindat naman sa akin si Sabrina. "Si Sophie po kasi, gusto sanang magpaturo kung paano maglaro ng chess."

"Gustong matuto ni Sophie?" nakangiti na siya sa akin at ramdam ko na rin ang kaba dahil doon. "Balak mo bang sumali sa isa sa mga competition ng university?"

"H..Hindi... g-gusto ko lang talaga matuto.." bulong ko.

"Sure, tuturuan kita. Kailan mo nga pala gustong mag-umpisa?"

Nanlaki ang mga mata ko. "H-Huh? Pero hindi ba't busy ka? H..Hindi mo na kailangang ipilit. H..Hindi naman importante ito, e..."

"Ayos lang, Sophie. Willing naman akong turuan ka, e."

"P..Pero--

"Sige na, Sophie! Kaya mo 'yan! Ang sabi niya mamayang uwian nalang daw po, Mr. Jacobs."

Ngumiting muli si Mr. Jacobs. "See you."

Wala naman akong nagawa kundi ang tumango na lamang. "S..Salamat.."

Nang naglakad na paalis si Mr. Jacobs ay kaagad akong masamang tumingin kay Sabrina. Siya naman ay nakatingin lamang din sa akin, wari'y walang ginawa. "Bakit? May ginawa ba ako? Halata namang willing na willing siyang turuan ka, ano."

"Pero dahil masyadoo siyang mabait. Hindi naman niya kayang humindi sa kahit na sino, e."

"Talaga ba? Tingin ko hindi naman gano'n. Hindi niya kayang humindi sa'yo, kamo."

Nag-init ang magkabila kong pisngi. "A..Anong sinasabi mo? I..Imposible 'yon..."

"Hindi imposible 'yon, Sophie. Napaka-swerte mo talaga, dalawang nagggwapuhang lalaki ang baliw na baliw sa'yo."

Umiling-iling ako. "Mabuti pa bumalik na tayo sa klase."


Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon