MEETING MISS FELESTINE

4K 67 0
                                    

Sophie's POV

"Can you turn around?" sabi sa akin ni Miss Thea habang suot ko ang dress na ipinasuot niya sa akin.

"O..Of course." tugon ko saka umikot.

Tumango naman siya. "That dress suits you well. Now, I would like you to meet Denee, she will be the one to train you until you become a good Felestine Model."

Ipinakilala niya sas akin ang isang nakasalaming babae na may maiksing buhok. 

"Hello, ako po si Sophie Laurens. It's so nice to meet you, Miss Denee." pagpapakilala ko nang may malaking ngiti sa mga labi. 

Tinaasan niya lamang ako ng kilay. "Ako si Denee Peterson. Mukha lang akong mabait, pero gusto kong malaman mo na I won't go easy on you. Hindi porket ni-recommend ka ni Lance Jacobs, ibig sabihin papaboran na rin kita."

"N..Naiintidihan ko po..."

Buong akala ko pa naman makakasundo ko siya since mukhang malapit lang ang edad namin...

"Okay, now follow me and we will go to where I am going to train you."

Tumango lamang ako habang ang mga kamay ko ay nanginginig na sa kaba. "Okay..."

Bakit ba parang pakiramdam ko papatayin niya ako? 

Sinundan ko lamang si Miss Denee hanggang sa pumasok kami sa isang room kung saan maraming trainee na gaya ko. Puno iyon ng salamin, para siguro makita namin ang mga sarili namin habang nagm-model.

"Everyone, I would like you to meet our new member, Sophie Laurens.She will be training here with you so please be nice to her." ipinakilala ako ni Miss Denee sa kanilang lahat.

 "Hi, I'm Sophie Laurens. It's so nice meeting all of you here."

'Hello, Sophie!'

'You are so beautiful!'

'It's so nice meeting you, Sophie!'

Sinimulan nila akong batiin kaya naman hindi ko na naiwasan pa ang mapangiti. Atleast ngayon alam ko na na mababait sila. Sana maging kaibigan ko sila. 

Bigla na lamang pumalakpak si Miss Denee na nagpahinto ng usapan naming lahat. "Tama na ang pag-uusap at luminya kayong lahat! Magsisimula na tayo!"

Kaagad naman kaming luminya paharap kay Miss Denee.

"Alright. One by one please walk from that corner until you finally reached this corner. Then watch yourself as you turn too. This training is for runways. You have to remember that your hands should always act as if they don't exist when you are walking. You have to just let them move on their own way and you should also wear a poker face all the time when walking."

Panay lamang ang tango namin habang nakikinig sa kanya. Tingin ko strikto talaga si Miss Denee, pero tingin ko marami rin akong matututunan mula sa kanya. 

***

Matapos ang nakakapagod na training ni Miss Denee, hinayaan niya kaming mag-break. Masyado nga siyang strikta at panay din ang sigaw niya sa amin sa tuwing nagkakamali kami. Pinakamaraming beses niya akong sinigawan dahil ako lang naman sa amin ang walang background pagdating sa modelling. 

Ngayon nandito ako sa may lounge area, nakaupo sa isang couch habang tinitignan ang paa ko na napuno ng paltos dahil sa kasusuot ng high heels buong araw. 

"So, ganito pala ang modelling. Never ko na-imagine na ganito pala ka-hirap..." bulong ko sa sarili ko. 

"Modelling is really hard, right?"

Halos mapatalon na ako mula sa kinauupuan ko nang may bigla na lamang umupo sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya at laking-gulat ko nang makita ko ang magandang babae na nakita ko sa restroom ng coffee shop na pinuntahan namin ni Lance noon. 

"E..Excuse me, ma'am?"

Ngumiti siya. "Mahirap lang talaga siya sa umpisa, pero kapag nasanay ka na, matututunan mo ring magkaroon ng disiplina at tiisin ang mga bagay. You know what, noong nagsisimula pa lang din ako bilang model, parati rin akong nagc-complain and I almost gave up. But then my situation always reminds me that I have to strive hard.Because I wanted to prove to myself that I can do it, that I can riseagain."

"Parati po kayong dumarating para bigyan ako ng advice, ma'am. Pwede ko po bang malaman ang pangalan ninyo? By the way, ako po si Sophie Laurens."

"S..Sophie?" tila gulat niyang tanong.

Tumango naman ako. "Opo. Kayo po ba?"

"Sophie, I'm Felestine."

"Natutuwa akong makilala ka, Miss Felestine. Gaya po ng iniisip ninyo, bagong model langako rito. Pwede ko po bang malaman kung ano ang trabaho ninyo rito? Model din po ba kayo?"

Tumawa siya dahil sa sinabi ko. 

Kahit ang pagtawa niya ay napakaganda.

"Masyado na akong matanda para gawin 'yon. By the way, I have to go now Sophie." tumayo siya kaya sumunod din ako sa kanya. "I'll just see you around, okay?"

"Okay. See you around, Miss Felestine." sabi ko habang nakangiti sa kanya. 

Kumaway pa siya sa akin bago tuluyang umalis. 

Ang ganda niya talaga. Ni hindi nga siya mukhang matanda at gaya ng sinabi ko kanina, mukha ri siyang model. 

"Sophie!"

Kaagad akong lumingon at nakita si Eris, isa sa mga co-trainees ko. Kasama niya si Stacey, kasamahan din namin. 

"Uy."

"Anong ginagawa mo mag-isa rito? Kain na tayo ng lunch!"

Ngumiti naman ako sa kanila. "Talaga? Pwede akong sumabay sa inyo?"

"Oo naman. Friends na tayo, 'diba?"

"Oo naman! Ano, punta na tayo sa cafeteria?"

"Let's go!"

Natutuwa ako at may mga bago na akong kaibigan sa unang araw ko bilang trainee. 

Mommy, sinisimulan ko na ang bago kong buhay. Nakahanap na rin po ako ng mga bagong kaibigan.

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon