WE DID IT

5.1K 86 1
                                    

Sophie's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na dumarampi sa pisngi ko. Hindi ko rin alam, pero para bang sobrang gaan ng pakiramdam ko pagkamulat ko ng mga mata ko. 

"Good morning, mommy." bulong ko habang nakatitig sas ceiling ng kwarto ko. 

Tumagilid ako para sana yakapin si Vincent, pero na-realized ko na mag-isa lang pala ako. Napakunot ako ng noo. "Nasaan siya?"

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto ko saka ako naupo sa kama. 

Pero... ang nangyari sa pagitan naming dalawa kagabi...

Inalis ko ang kumot na nakatakip sa katawan ko at kaagad akong napasigaw nang malaman kong hubo't hubad pa rin ako. 

So, nangyari nga talaga...

Malamang, nangyari talaga iyon. Dahil kung hindi, hindi naman mamamanhid nang ganito ang mga hita ko. 

Ginawa talaga ni Vincent ang sinabi niya, tatlong oras namin iyong ginawa kaya naman ramadam ko ang tila pamamaga ng pagkababae ko.  Napaka-agresibo niya kagabi, pero sinigurado niya rin namang hindi ako gaanong masasaktan...

Hindi ko naiwasan ang mapangiti habang inaalala ang nangyari kagabi. 

Iyon ang first time ko...

Nahiga akong muli sa kama ko saka inabot ang isa sa mga unan upang takpan ang namumula kong mukha saka ako nagsimulang magsisisigaw. Titili pa sana ako pero bigla na lamang may kumatok sa pinto ko. 

Kaagad akong naupo sa kama ko saka ibinalot ang kumot sa katawan ko. "S..Sino 'yan?"

"Si Venom ito, Miss Sophie."

"A..Ano 'yon?"

"Kailangan mo nang maghanda, Miss Sophie. May klase ka pa ngayong araw." tugon niya na siya namang nagpalaki ng mga mata ko nang ma-realized kong may klase pa nga pala ako ngayong araw. 

"M..Maliligo na ako!" sabi ko saka tumayo at tumakbo papasok ng banyo nang nakahubad.

***

"Sorry talaga Sophie at hindi ako nakapunta sa birthday ni Vincent kagabi. Si mama kasi, may mga bisitang dumating kaya pinatulong niya ako na mag-asikaso. Ugh, ang kill joy niya talaga!" sabi pa ni Sabrina sa akin habang naglalakad kami papasok ng university.

Umiling-iling naman ako. "Ayos lang, pwede ka namang pumunta sa birthday ko."

"Oo naman, pupunta talaga ako sa debut mo! Magpapakamatay nalang ako kaysa ma-miss iyon, ano!"

"Ikaw talaga..."

Patuloy lamang kami sa paglalakad nang bigla na lamang siyang huminto saka tumingin sa akin. Naghihinala siyang nakatitig sa akin. "Bakit parang ng ganda mo yata ngayong araw? I mean, maganda ka naman talaga, pero para kasing ang blooming mo today. Sabihin mo nga sa akin, may maganda bang nangyari kagabi?"

Kaagad kong naramdaman ang pag-init ng buong mukha ko. "H..Huh?"

"Hay naku, Sophie Laurens. Hindi ka pwedeng magtago ng sikreto sa best friend mo kaya sabihin mo na sa akin!"

Huminga naman ako nang malalim saka ngumiti sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya saka siya hinila papunta sa may garden. Sinigurado ko munang walang ibang tao sa paligid bago ako naupo sa tabi niya. "G..Ginawa namin..." bulong ko. 

Napakunot siya ng noo sa akin. "Huh?"

"G...Ginawa na namin, Sabrina..." muli kong bulong habang namumula ang buong mukha ko. 

"Sophie, tigilan mo ang pagka-bulol diyan at sabihin mo sa akin nang maayos. Anong ginawa ninyo?"

Huminga ako nang malalim. "Kami ni Vincent. Kagabi..."

Hindi pa siya kaagad na nakapag-react nang sabihin ko iyon. Pero nang ma-realized niya iyon ay nanlaki ang mga mata niya. "I...Ibig mong sabihin, nag-sex na kayong dalawa ng asawa mo?!"

Kaagad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko. "B..Baka may makarinig sa'yo!"

Marahan niya namang inalis ang kamay ko mula sa bibig niya saka isang malaking ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. "Oh my God, Sophie! Graduated ka na sa Virgin University!" tuwang-tuwa niyang sabi habang tumatalun-talon pa na parang bata. 

Napailing-iling na lamang ako dahil sa kabaliwan niya. 

"Ibig sabihin, official na kayong dalawa ngayon?" tanong niyang bigla.

"H..Huh? Anong ibig mong sabihin na official?"

"Kayo ni Vincent. I mean, since nag-sex na kayo, ibig sabihin mahal niyo na ang isa't isa. Na naka-move on ka na sa kuya niya at siya sa first love niya?"

"T..Tingin ko naman..." ngumiti ako sa kanya. "A..Alam mo, Sab. T..Tingin ko tuluyan na akong na-inlove kay Vincent. I mean, mahal ko na talaga siya."

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon