Sophie's POV
Kaagad akong nahiga sa kama ko pagkapasok na pagkapasok sa kwarto ko. Hindi ko pa rin talaga makalimutan ang reaksiyon sa mukha ni Vincent nang makita niya si Monica.
Si Monica ang first love niya, at tingin ko in love pa siya rito.
Teka nga, nagseselos ba ako?
No way!
At bakit ko naman ibibigay pa ang regalo ko, e halos kaparehas lang naman iyon ng neckties na ibinigay sa kanya ni Monica?
Siyempre, mas magugustuhan niya iyon dahil mahal niya s Monica.
"Ah, Sophie. Napaka-engot mo talaga..." bulong ko sa sarili ko sabay takip ng unan sa mukha ko.
Maya-maya ay bigla na lamang may kumatok sa may pinto.
"Sino 'yan?"
"Miss Sophie, si Venom 'to..."
"Pasok..."
Bumangon ako saka naupo sa kama nang makapasok na si Venom. Naglakad siya palapit sa akin. "Inutusan ako ni Boss na sundan ka rito."
Napairap naman ako. "Inutusan ka niya para sundan ako, dahil busy pa siyang makipag-landian sa ibang babae."
"Nagseselos ka ba kay Miss Monica, Miss Sophie?"
"A...Ano?! S..Siyempre hindi!"
Umupo siya sa tabi ko. "Tingin ko, wala namang dahilan para mag-selos ka sa kanya, Miss Sophie."
"B..Bakit naman? Lahat kayo iyan ang sinasabi sa akin, pero nakita niyo ba kung paano niya tignan ang babaeng 'yon?"
"So, nagseselos ka nga." saad niyang muli.
Bumuntong-hininga muna ako bago magsalitang muli. "Kilala mo ba si Monica? Mabait ba siya? Anong klaseng babae siya?"
"Madalas ko siyang makita dati dahil parati siyang nagpupunta sa bahay nina Boss, pero isang araw bigla na lamang siyang hindi nagpakita. Hindi ko masasabing mabait siya dahil minsan niya na akong itinulak sa may hagdanan nang mabasag ko ang favorite mug niya."
"G..Ginawa niya 'yon sa'yo?!"
Tumangu-tango naman si Venom. "Pero, bata pa kasi kami noong mga panahon na iyon. Medyo spoiled brat kasi siya noon."
"Sinabi mo ba iyon sa mga magulang nina Vincent?"
"Hindi. Tingin ko wala akong karapatan para sabihin iyon sa kanila, at tingin ko rin wala ri namang maniniwala sa akin. Pwede pa nila akong paalisin sa bahay nila anumang oras."
"Well, may point ka naman. Pero alam mo, hindi pa rin katanggap-tanggap 'yon. Kahit mga bata pa kayo noon, nasaktan ka pa rin niya. Hindi ba siya nag-sorry sa'yo?"
Umiling-iling siya. "Hindi niya iyon ginawa. Hindi ko na rin iniisip iyon."
"Dahil masyado kang mabait."
"H..Hindi totoo iyan, Miss Sophie."
"Kumain ka na ba? Gusto mong sabay nalang tayong kumain?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti si Venom sa akin saka hinawi ang mga hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko. "Napakaganda mo ngayon, Miss Sophie. Masasayang ang dress mo kung kakain ka lamang kasama ako imbes na kasama ang asawa mo."
Tumayo ako. "Ayos lang, wala rin namang pakialam sa akin ang asawa ko."
"M..Miss Sophie..."
"Kaya hayaan na lamang natin siyang mag-saya roon kasama ang first love niya. Hayaan natin silang mag-landian buong gabi hanggang sa magsawa sila sa mukha ng isa't isa!"
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)