HELP

5.5K 89 0
                                        

Sophie's POV

"Lance."

"Huh?"

"May gusto sana akong sabihin sa'yo."

Sandali pa siyang tumitig sa akin na para bang hinuhulaan niya kung ano ang susunod kong sasabihin. "O..Oo naman."

Nakayuko lamang ako habang nagsasalita. "Sa totoo lang, pinakasalan ako ni Vincent hindi dahil mahal niya ako. Hindi namin pinakasalan ang isa't isa dahil nagmamahalan kami."

"A...Ano?"

"Umutang ng napakalaking halaga ng pera ang papa ko kay Vincent at hindi niya nabayaran iyon. At dahil sinabi ni Vincent na papatayin niya ang papa ko, wala akong choice kundi ang sumama sa kanya. Napilitan akong magpakasal sa kanya kahit na wala pa ako sa legal age. Hindi ko ginustong magpakasal sa kanya noon dahil ikaw ang mahal ko. Pero dahil ayaw kong patayin niya ang papa ko, sumama na lamang ako sa kanya."

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "S...Sophie... paano... nagawa talaga ni Vincent ang mga iyon? Pinilit ka niyang magpakasal sa kanya?"

"O..Oo.."

"Paano niya nagawa iyon sa'yo?"

"Wala akong choice..."

Umiling-iling siya. "Sinabi mo dapat sa akin, Sophie. Una palang dapat sinabi mo na sa akin. Natulungan sana kita!"

"Pero natatakot kasi ako noong mga panahon na 'yon, hindi na ako nakapag-isip... ang tanging gusto ko lang ay mailigtas ang papa ko..."

"Naisip mo dapat ako, Sophie... Handa akong tulungan ka..."

"I'm sorry.."

Bumuntong-hininga siya saka tinapik ako sa balikat. "Ayos lang. Ako dapat ang humingi ng tawad sa'yo dahil sa ginawa ni Vincent sa pamilya ninyo. I'm sory, Sophie. I hope you can forgive me..."

"H..Hindi, Lance. Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin. Wala ka namang kasalanan, e. Napakabuti mo sa akin noon pa man at nagpapasalamat ako roon."

Panandalian kaming binalot ng katahimikan. Alam kong naiinis pa rin sa sarili niya si Lance dahil hindi niya ako nagawang tulungan noon, kaya ako na ang naunang magsalita. "Pero lumipas ang panahon at natutunan ko ring mahalin siya. Siguro dahil nasanay na rin ako sa tabi niya kaya natutunan ko siyang mahalin. Mahal ko na siya, pero hindi ko alam kung ganoon din ba ang nararamdaman niya sa akin, lalo na ngayong bumalik ang first love niya..."

"Pwede ko bang malaman kung ano iyong favor na hihingin mo sa akin?"

"S..Sinabi ko kay Sabrina ang nararamdaman ko. Sinabi ko sa kanya na nagseselos ako kapag nakikita kong magkasama sina Monica at Vincent. Alam kong hindi tamang isipin ko ito, pero pakiramdam ko kasi inaagaw niya ang asawa ko mula sa akin. O baka paranoid lang ako dahil hindi ko naman talaga alam kung nagustuhan ba ako ni Vincent in the first place."

"At plano mong gumawa ng bagay na ikaseselos niya rin, tama ba ako?"

Nanlaki ang mga mata ko. "P..Paano mo---

"Actually, kita ko rin kung gaano sila ka-close. Mas sumasama pa nga si Monica kay V kaysa sa akin. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo, Sophie. Alam ko kung gaano kasakit ang makita ang taong mahal mo na masaya sa iba. Alam ko kung gaano kasakit ang makita ang taong mahal mo na nasasaktan dahil sa iba."

Nakatitig lamang ako sa kanya. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. 

So, pareho lang kami ng nararamdaman?

"Gusto ko lang ma-realize ni Vincent na ako pa rin ang asawa niya at ako ang nandoon noong nawala si Monica. Gusto ko lang malaman kung takot din ba siya na mawala ako sa kanya. Kung mahal niya rin ako..."

"Naiintindihan kita, Sophie. At handa akong tulungan ka. Hindi kita natulungan noong panahong kailangang-kailangan mo ako, kaya gagawin ko ang best ko para matulungan na kita this time."

"Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo, Lance. Alam kong wala sa luga ang favor kong ito dahil tungkol ito sa girlfriend at kapatid mo."

"Hindi, wala kang dapat na ipag-alala."

"Pero Lance---

"Ganito nalang ang isipin mo, Sophie. Kapag nag-tulungan tayong dalawa, siguradong magseselos si Vincent pati na rin si Monica. Pareho lang tayo na gustong makuha ang atensiyon nila. Wala kang dapat na ipag-alala dahil pareho lang naman tayong magb-benefit dito."

Pilit akong ngumiti sa kanya. "Thank you, Lance..."

"You are always welcome, Sophie..."

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon