Sophie's POV
"Hindi mo kasama si Sabrina?" tanong ni Mr. Jacobs nang makita niya ako sa labas ng infirmary.
Tumango naman ako. "May importante pa raw kasi siyang kailangan gawin."
"Hmm, I see. So, saan tayo maglalaro ng chess?" tanong niya habang isinusuot ang blue denim jacket niya.
"H..hindi ko rin alam.."
Sandali muna siyang nag-isip bago muling tumingin sa akin nang may ngiti sa mga labi. "May alam akong lugar. Tara?"
"O..Okay.."
Nagsimula na kaming maglakad at nakita ko rin si Venom na sumusunod sa amin. Nakapag-paalam na rin naman ako kay Vincent kanina at sinabi kong baka ma-late ako ng uwi, mabuti na lamang at ayos lang sa kanya. Sinabi niya rin sa akin na hindi kami makakapaglaro ng chess ngayong gabi dahil marami pa siyang kailangan tapusin. Tingin ko naman masuwerte pa ako dahil hindi siya ganoon ka-strikto sa akin. Iyon nga lang, pervert siya.
Sa totoo lang, hindi ako gaanong komportable ngayong kasama ko si Mr. Jacobs matapos ang sinabi niya sa akin noong nakaraan. Alam ko namang wala akong karapatan na maramdaman ito, pero hindi ko kasi talaga mapigilang malungkot at medyo mainis. Ni hindi ko nga magawang tumingin nang diretso sa mga mata niya.
"Nandito na tayo." bigla niyang sabi kaya naman nag-angat na ako ng tingin. "Isa itong coffee shop kung saan pwedeng maglaro ng chess ang mga customer habang kumakain. Na-diskubre ko lang ito noong isang araw pero hindi ko pa nasusubukang pumasok sa loob."
"H..Hindi ka pa nakakapunta rito?"
Tumango siya. "Ganoon na nga. Wala rin naman kasi akong makakalaro sa chess."
"A..Ah.."
So, ako ang kauna-unahan niyang dinala rito.
"Anong gusto mong orderin, Sophie?" tanong sa akin ni Mr. Jacobs nang sa wakas ay makaupo na kami sa loob ng coffee shop.
"Kung ano nalang ang iyo."
Ngumiti siya sa akin. "Okay. Then we would like to have two Pe-can pies and two super Tuscan espressos."
"Two Pecan pie and Super Tuscan Espresso. Anything more, sir?"
"That's all."
Nang makaalis na ang waitress ay inilabas ni Mr. Jacobs ang chess mula sa drawer ng mesa namin. Ang interior ng coffee shop ay talaga namang chess-inspired. Ang mga upuan ay mukhang chess pieces at ang tiles ay kulay black and white.
"Ang ganda ng cofee shop na ito, hindi ba?" biglang tanong ni Mr. Jacobs sa akin.
"O..Oo."
"Tingin ko hilig ng may-ari ang maglaro ng chess at magluto. Tapos nag-isip niya ng paraan kung paano niya magagawa iyon nang sabay. And voila, he came up with a coffee shop with a chess theme. Brilliant."
"T..Tama.."
Ah, sobra talaga akong kinakabahan. Parang mas kinakabahan pa ako ngayong kasama ko si Mr. Jacobs kaysa kapag si Vincent ang kasama ko. Kinakabahan ako kapag kasama ko si Mr. Jacobs, takot naman ang nararamdaman ko kapag si Vincent.
"Puwede na ba nating simulan ang paglalaro?"
"Okay."
Inilapag niya ang chessboard sa may mesa saka namin sinimulang ilagay ang pieces. Sinabi niyang mauna na ako. "You should move the pawn in front of the king or queen two squares forward. This opens pathways for your bishops and queen to enter the game. They move on an angle and can't get out onto the field of battle if pawns are on the way."
"N..Naiintindihan ko.."
"Before you move your queen, rooks, or king, move your knights and bishops toward the center of the board. You want to get these pieces out from behind the pawns so they can attack." seryoso niyang ipinapaliwanag ang lahat ng iyon sa akin at hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.
Never ako naging ganito kalapit sa kanya.
"And when it's your turn, always think to yourself, 'ano bang huling move ng kalaban ko? Ano ang balak niyang gawin? Is he laying traps to capture your pieces? Then decide your own plan. Always look at all your possibilities. Look at moves that would capture your opponent's men or threaten his king first."
Parang tanga lamang akong tumatango. Ni wala nga akong maitindihan dahil mas focus pa ako sa mukha niya. Nabalik lamang ako sa ulirat nang bigla siyang tumingin sa akin. "Naiintindihan mo ba?"
"H..Huh?"
"Naiintindihan mo na ba ngayon?" kalmado niyang pag-uulit.
Ano bang ginagawa ko? Kailangan kong mag-focus para malaman ko ang mga technique para matalo ko si Vincent, hindi kung gaano ka-gwapo si Mr. Jacobs. "I..I'm sorry, pero pwede mo ba ulit ipaliwanag sa akin?"
Tumawa lamang siya. "Oo naman. Hindi mo naman kailangang magmadali. Kailangan mo lang maging relaxed at comfortable habang naglalaro at siguraduhing hindi ka kakabahan sa kalaban mo. Kailangan mong mag-isip nang maigi at isipin kung paano magr-respond ang kalaban mo."
"Naiintindihan ko."
Itinuro niya ang mga tactics sa paglalaro ng chess at this time, nakinig na talaga ako nang maigi. Gusto kong manalo laban kay Vincent, ayaw kong maangkin niya ako nang buo. After all, ang taong nagmamay-ari ng puso ko ay nasa harapann ko na ngayon.
Siya lang ang lalaking gusto kong makasama. Wala akong pakialam kahit pa may mahal na siyang iba, hindi ko naman siya aagawin mula sa babaeng iyon. Gusto ko lang siyang mahalin, kahit na hindi niya alam.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)