Sophie's POV
"Get inside the car." sabi sa akin ni Vincent nang makita niya akong lumabas ng mansiyon kasama si Venom.
Hindi ako tumingin sa kanya. "Hindi na, pwede naman akong magpunta ron kasama si Venom."
"Get inside the car, Venom."
Kaagad naman siyang sinunod ni Venom. Susunod na sana ako kay Venom at uupo sa tabi niya, pero bigla na lamang akong hinila ni Vincent. "You are going to sit next to me. I'm not your driver."
Hindi na ako nagsalita pa. Sumakay ako sa kotse niya at hindi nagsalita hanggang sa makarating kami sa university.
"I'll pick you up later so don't go without me."
"Tara na, Venom." sabi ko, saka nagmamadaling bumaba mula sa kotse n Vincent nang hindi pinapansin ang sinabi niya.
"Miss Sophie, sandali lang!"
Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa nasa tabi ko na si Venom. "Miss Sophie, may problema ba? Nag-away ba kayo ulit?"
"Please lang, huwag mo munang banggitin ang walanghiyang lalaking 'yon, Venom. Ayaw ko munang marinig ang pangalan niya. Ayaw kong makita ang mukha niya, marinig ang boses niya, at ayaw kong makarinig o makakita ng kahit na anong tungkol sa isang gag* na hindi maka-move on mula sa ex niya."
Halata namang nagulat s Venom dahil sa sinabi kong iyon, pero tumango lamang siya saka hindi na nagsalita pa.
Kung pwede lang sana akong lumayas sa mansiyon na iyon at magpunta kung saan, gagawin ko talaga. Paano niya nagagawang umarte na parang nagseselos siya kahit na wala naman talaga siyang pakialam sa akin? Ang tanging concern niya lang ay ang pesteng ego niya at ang babaeng 'yon!
Nakakabwisit talaga siya!
"Sophie!"
Papasok na sana ako sa building namin nang bigla na lamang akong tawagin ni Lance. Lumingon ako at nakita ko siyang tumatakbo palapit sa akin habang nakangiti. "Good morning, Dr. Jacobs."
"Good morning, Sophie." nagtataka siyang tumitig sa akin. "Bakit parang ang lungkot mo yata ngayon? May nangyari ba? Anong problema?"
Ramdam ko na ang pangingilid ng luha ko dahil sa tanong niyang iyon, pero kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko para pigilan iyon. "Wala talaga siyang pakialam sa akin, Dr. Jacobs. Ego niya lang ang mahalaga sa kanya. Hindi niya gustong makitang nakikipaglandian ako sa iba, hindi dahil nagseselos siya, kundi dahil nasasaktan ang ego niya..."
"A...Ano? Teka lang, sabihin mo sa akin ang nangyari kagabi, Sophie. Mag-usap tayo sa office ko."
****
"Nagalit siya kagabi at sinabi sa aking huwag na akong makikipaglandian sa ibang lalaki sa harapan niya."
"Then that's good news. Ibig sabihin lang niyon ay nags-selos siya, 'diba? Sabi ko naman sa'yo, mahal ka ni V."
Umiling-iling ako. "Hindi siya nagseselos. Sinabi niya na nasasaktan ang ego niya kapag nakikita niya akong may kasamang iba."
"Talaga? Sinabi niya 'yon?"
"Oo. Gag* talaga siya. Gustung-gusto ko siyang sapakin sa mukha!"
Nag-isip muna si Lance bago muling nagsalita. "Huwag kang magalit sa kanya, Sophie. Ganoon lang talaga si V. Mahilig siyang magsabi ng mga bagay na kabaligtaran ng totoo niyang nararamdaman. Pero maniwala ka, nagselos siya at may pakialam siya sa'yo."
"Hindi mangyayari iyon, Lance. Iniisip ko tuloy ngayon kung bakit ko ba nagustuhan ang gag*ng 'yon." bulong ko habang ramdam ang pamumuo ng luha mula sa mga mata ko.
"Hindi, maniwala ka. Mahal ka ng kapatid ko hindi niya lang talaga kayang aminin. Oo nga pala, birthday mo na next week, hindi ba? Debut mo? Sigurado may surprise siya para sa'yo."
"Imposible 'yan. Ni hindi niya nga alam kung kailan ang birthday ko. Wala siyang pakialam sa akin."
"Huwag kang magsalita nang ganyan, Sophie."
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)