THE MAN WHO DOESN'T KNOW HOW TO SMILE

5.2K 94 1
                                    

Sophie's POV

Nakatitig lamang ako kay Vincent habang nasa loob kami ng ferris wheel. Sinabi niya sa aking ito rin ang unang beses na nakapunta siya sa amusement park. Nang marinig ko iyon mula sa kanya ay napaisip tuloy ako kung pareho ba kami ng past. Sinabi niya rin na may kuya siya. Sino naman kaya iyon saka anong ugali ang meron siya? Pareho kaya silang dalawa? Pervert din ba siya gaya ni Vincent? Mafia boss din ba siya?

Nac-curious tuloy ako.

Napapa-isip ako kung sa anong klase kayang pamilya siya nanggaling at naging ganito siya. 

Ngayon na nakatingin ako sa kanya, ni wala man lang akong makitang kasiyahan sa mga mata niya. Ni hindi ko pa nga siya nakikitang ngumiti. Ano kayang hitsura niya kapag nakangiti. Iyong totoong ngiti.

"Fantasizing me inside your head?" bigla niya na lamang sabi sa akin.

"A..Ano?! Nababaliw ka na ba?!"

Pilyo siyang ngumiti. "I think it's enough for today. We already tried every ride here."

Maglalakad na sana siya paalis, pero hinawakan ko siya sa braso, dahilan upang mapa-hinto siya sa paglalakad saka tumingin sa akin. "What?"

"Hindi pa tayo nakakapunta sa mga booth."

"Huh?"

"Gusto kong mag-laro." sabi ko sabay turo sa isang game booth kung saan gumagamit ang mga tao ng watergun para barilin ang mga lata. Kapag nagawa nila iyon ay makakakuha sila ng isang malaking teddy bear. "Gusto kong makuha iyong teddy bear." 

Nagkibit-balikat lamang siya. "Let me just buy you one. We'll buy something that is much bigger than that."

"Hindi, gusto ko iyong teddy bear lang na iyon." pagpupumilit ko saka ko siya hinila palapit sa game booth. "Maglaro tayo, V!"

Kumunot ang noo niya. "V?"

"M..Mali ba? Iyon ang first letter ng pangalan mo, hindi ba?" halos pabulong kong sabi.

Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya na kaagad din namang nawala. "Alright, just call me V."

"Okay..." tugon ko. Doon ko lamang na-realize na hawak ko pa pala ang kamay niya. Although parang hindi niya naman iyon napapansin dahil busy siya sa panunuod sa mga naglalaro, ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko.

"Get out of my way." pagpapa-alis niya sa mga taong naglalaro sa booth.

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko. Pati na rin ang mga tao sa may booth ay bakas ang takot sa mga mukha nila. 

Tinapik ko si Vincent sa balikat niya saka siya binulungan. "H..Hindi ganyan mag-approach! Kailangan nating mag-hintay na matapos ang mga nauna sa atin!"

"But they already left, anyway." patay-malisya niyang sabi saka pumuwesto sa harap ng booth kung nasaan ang mga watergun.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Wala talaga sa bokabularyo ng lalaking ito ang salitang pasensiya.

Kumuha ako ng isa sa mga watergun at magsisimula na sanang bumaril nang bigla ko na lamang mapansin na nagsisimula na palang bumaril si Vincent. Nang mapatingin ako sa kanya ay laking gulat ko nang malaman kong natamaan niya na pala ang lahat ng mga lata. Pati nga ang babaeng nagbabantay sa booth ay halatang nagulat sa bilis niya. 

"Now, give me that teddy bear." cold niyang sabi sa babae.

"O..Opo!" takot na sabi ng babae saka kinuha ang isa sa mga teddy bear at ibinigay sa akin. 

Tumingin ako kay Vincent. "P..Paano mo nagawa iyon?"

"I was able to shoot one of my enemies at a distance of 3, 550 meters before, so this distance is just---

Kaagad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang kamay ko. Tapos ay tumingin akong muli sa babaeng nagbabantay ng booth na iyon. "Hehehe.. Salamat po sa teddy bear..."

Matapos niyon ay hinila ko na si Vincent mula sa booth na iyon habang nakatakip pa rin ang kamy ko sa bibig niya. Nagulat na lamang ako nang bigla kong maramdaman ang pag-dila niya sa palad ko. "A..Anong--"

"Huh?" pagkukunwari pa niya.

"B..Bakit mo dinilaan ang palad ko?! Ang baboy mo!" inis kong sabi habang pilit na pinupunasan ang palad kong dinilaan niya.

"Because you were covering my mouth."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Dahil kung anu-ano ang pinagsasabi mo sa harap niyong babae! Paano nalang kapag nalaman niyang isa kang mafia boss?!"

"So, you're worried about me?"

"S..Siyempre hindi ano! Baka kasi matakot siya kapag nalaman niya!"

"You don't have to worry about that. Everybody knows I'm a mafia boss. I don't even care if they find out."

Paano ko ba pakikisamahan ang lalaking gaya niya? Proud pa talaga siyang sabihin sa ibang tao na isa siyang mafia boss.

"Let's play other games." bigla niyang sabi.

"Huh?"

"That one." aniya sabay turo sa isang booth kung saan nanghuhuli ang mga tao ng isda sa loob ng isang aquarium. Ang tanging gamit lamang nila ay isang maliit na net, pero ang gitna niyon ay parang papel, kaya medyo mahirap na makahuli ng gold fish, maliban na lamang kung mabilis ka. Naglakad papalapit si Vincent sa booth na iyon. 

Wala naman akong nagawa kundi ang sundan siya. "V..V, huwag mo silang paalisin, okay?"

Pero kahit na wala siyang sinabi ay kusang gumawa ng daan para sa kanya ang mga tao roon. Tumingin si Vincent sa akin. "See, I didn't even do anything."

Marahil iyon ay dahil nakaka-intimidate ang aura niya. Litaw na litaw ang katangkaran niya sa lahat ng taong nasa booth na iyon. Pinagmasdan ko lamang siya habang sinusubukan niyang humili ng gold fish. Hindi siya nakahuli noong first attempt kaya nag-try ulit siya. Sampung beses siyang sumubok, pero wala siyang nahuling gold fish kahit na isa. 

"Mahirap ang larong ito, ano?" bulong ko sa kanya.

"Sophie."

"Huh?"

"Hold my jacket." sabi niya saka hinubad ang suot niyang leather jacket saka iyon iniabot sa akin. 

Nagtataka lamang akong tumingin sa kanya. "A..Anong balak mong--

"Give me those damn nets!" galit niyang sigaw sa babaeng nagbibigay ng nets.

Halos matawa na ako sa kanya.

Mukhang wala siyang balak sumuko. 

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon