HEARTBREAK

5.1K 64 0
                                        

Sophie's POV

Huminga muna ako nang malalim bago muling tumingin sa mga mata niya. "I want a divorce."

"W-What? C-Can you repeat it? I'm sorry, I don't think I've heard it right."

"I want a divorce, Vincent." pag-uulit ko. Ginawa ko ang best ko para hindi mag-crack ang boses ko. "For one month, pinag-isipan ko ito nang maigi. Tingin ko time na para i-let go natin ang relasyon na hindi naman talaga nag-exist."

Tumitig ako sa kanya habang naghihintay sa sagot niya. 

"Sophie, I can explain it all to you. About what you saw in the garden, Monica just forced me to kiss her, but I didn't kiss her, believe me."

"Hindi, Vincent. Hindi na ito tungkol pa roon. Na-realized ko lang na may mga bagay pa ako na gustong gawin. May mga bagay na gusto ko pang ma-experience at ma-discover sa sarili ko."

"And filing a divorce would help?" tanong niya na para bang nagiging unfair ako. 

Umayos ako ng pagkakaupo.  "This marriage is not real after all. You just forced me to marry you. In the first place, it was fake. I didn't marry you because I love you, and same thing goes for you too."

"You said you love me."

"Hindi sapat 'yon."

"Tell me, you're still in love with my brother, right?"

Kaagad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon. "Vincent, makinig ka sa akin. Hindi ito tungkol sa kung sino pa man. Tingin ko lang hindi na ito magw-work pa.. I want a divorce, at iyon lang ang gusto kong hingin mula sa'yo. Sigurado naman akong matagal mo na ring hinihintay ito."

Bigla na lamang tumayo si Vincent saka malakas na tinapik ang mesa. "You are not going to file a divorce, Sophie. You are still my wife and that's final. I don't care if you don't go back to my house, you'll stay as my wife."

"Please, Vincent. Huwag mo na akong pahirapan pa..."

"Why are you leaving me? You said you love me before, right? Then why are you doing this to me, Sophie?!!"

Namuo ang luha mula sa mga mata ko. "Bakit ko ginagawa sa'yo 'to? Seryoso ka? Tinatanong mo sa akin iyan? Hindi mo ba naisip na itanong iyan sa sarili mo? Vincent, ang tanging ginawa ko lang ay mahalin ka. Ang tanging ginawa ko lamang ay humingi ng atensiyon mula sa'yo, pero anong nakuha ko? Rejection? Heartbreak? Pagod na ako, gusto ko na lamang hanapin ang sarili ko at i-let go ang mga bagay na matagal nang nananakit sa akin!"

"Didn't I tell you that I don't love Monica anymore? Sophie, you are the one that I love. You are the one that I want!"

Unti-unting pumatak ang luha mula sa mga mata ko. Iyon ang unang beses na sinabi niya sa akin ang mga salitang iyon. Tumingin ako sa kanya. "Vincent, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin iyam? Bakit hindi mo iyan sinabi sa akin noong nasa'yo pa ako?..."

"Sophie... Please, don't leave me. Don't do this to me."

"Pagod na ako, Vincent..."

Bigla na lamang niya akong hinila palapit sa kanya saka niyakap nang mahigpit. "Please, don't do this to me, Sophie. I will go crazy if you leave me."

"Pero ayos ka naman ngayon. Wala ako sa buhay mo ng isang buwan, pero tignan mo ang sarili mo. Napakagwapo mo pa rin."

"Sophie..."

"Kailangan ko nang umalis, Vincent."

Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin. "You will remain as my wife, Sophie."

"Kailangan ko nang umalis. I'm sorry."

Itinulak ko siya palayo sa akin bago ako tuluyang umalis. Narinig ko pa siyang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko na siya pinakinggan pa. 

Patuloy lamang sa pagpatak ang luha mula sa mga mata ko habang nasa loob ako ng elevator. 

Bakit ba parati niya na lamang akong sinasaktan?

I really hate him...

Sinubukan kong punasan ang luha mula sa mga mata ko pero ayaw talagang tumigil. Patuloy lamang iyon sa pagpatak hanggang sa lumabo na ang paningin ko. 

Nang bumukas ang elevator ay bigla na lamang may humila ng kamay ko saka ako niyakap nang mahigpit. 

"Sino---

"You can cry all you want. Cry it all out, Sophie..."

At dahil sa sinabi niyang iyon ay mas lalo pa akong napahagulgol ng iyak. 

"Lance..."

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon