Sophie's POV
"Dad, kilala mo siya? Kilala mo si Miss Felestine?" panay ang tanong ko kay Daddy pero hindi niya ako sinasagot.
Tumingin naman ako kay Miss Felestine at nakita ko ang luha sa mga mata niya. "Albert... How can you do this to me? I thought you already died..."
"N..Namatay?" nagtataka kong tanong.
"Anna... Anong---
Tumingin sa akin si Miss Felestine. Tuluy-tuloy ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya habang naglalakad palapit sa akin. "S...Siya ba ang anak ko?"
Nanlaki ang mga mata ko. "A..Anak? D..Da, anong ibig niyang sabihin? P..Please, sabihin mo sa akin kung anong nangyayari, dad!" sigaw ko habang umiiyak na rin.
"Sophie..."
"Siya ang mommy mo, anak..."
Napanganga ako dahil sa narinig ko. "P..Pero paanong... alam ko ang mukha ng mommy ko! May picture niya pa nga ako!"
"Hindi iyon ang mommy mo, Sophie..."
"A..Ano?"
"Ang nanay mo ay si Felestine... Kapatid siya ng Aunt Natalie mo. N..Nagkaroon kami ng affair noon at ikaw ang naging bunga niyon. Nang malaman na buntis sa, nag-isip kaagad kami ng paraan para maitago ka mula sa pamilya ko. Pero nang ipinanganak ka na niya ay nalaman ni Natalie ang tungkol doon. Isang araw, habang wala si Felestine ay kinuha ka ni Natalie at dinala kung saan. Buong akala niya malalayo ka na niya, pero hindi niya napansin na isa sa mga katulong namin ay nakasunod sa kanya. Ang katulong na iyon ang nakagisnan mong ina. Ang nag-alaga sa'yo hanggang paglaki mo."
Umiling-iling ako. Patuloy pa rin sa pagpatak ang luha mula sa mga mata ko. "H..Hindi totoo 'yan...hindi..."
"Sophie... anak ko..." sinubukan akong yakain ni Miss Felestine, pero kaagad akong umiwas sa kanya.
"Niloko ninyo akong lahat... pinaniwala niyo ako sa isang bagay na hindi naman totoo. Buong buhay ko akala ko si Mommy Hannah ang nanay ko! Siya ang nag-alaga sa akin! Siya ang nanay ko!"
"I'm so sorry, Sophie... I'm so sorry... Masyado akong natuwa noong oras na iyon.. Sobrang saya ko nang ipinanganak kita... Ikaw lamang ang pinakamagandang bagay na meron ako... P..Pero noong nagd-drive na ako pauwi, bigla ko na lamang nalaman na may problema sa brake ng kotse ko.... Hindi na kita nakita pa ulit.... Na-comatose ako for three months at nang magising ako ay wala na akong naaalala...."
Muli akong tumingin kay daddy. "Bakit hindi mo sinabi sa akin, Dad? Buong buhay ko... buong buhay ko nakita kita bilang pinaka-perpektong ama... Mahal na mahal kita... akala ko nagsasabi tayo ng totoo sa isa't isa, pero... pero ginawa mo ito sa akin, daddy!"
"I'm so sorry, Sophie... I'm so sorry..."
Lumingon ako kay Miss Felestine. "At ikaw, bakit hindi mo man lang ako hinanap? Ang tagal kong nawala sa piling mo pero ni hindi mo man lang ako hinanap?! Hindi mo man lang hinanap ang anak mo kahit na may kakayanan ka na namang gawin iyon?!"
"Sophie.... Hindi ako pinayagan ng pamilya ni Albert na makita ka... Itinago ka nila sa akin... Hindi ko rin alam kung paano nila nagawa iyon... pero hinanap kita, Sophie.... hinanap kita..."
Umiling-iling ako. "Hindi ko na alam kung ano ng paniniwalaan ko... I hate all of you... I hate all of you! Mga sinungaling kayo!"
Pinunasan ko ang luha mula sa mga mata ko saka tumakbo paalis.
***
"Venom!!!"
Pagkakitang-pagkakita ko pa lamang kay Venom ay kaagad na akong tumakbo palapit sa kanya saka ko siya niyakap nang mahigpit.
"Miss Sophie.. Bakit ka umiiyak?"
Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Umiyak lamang ako nang umiyak habang si Venom naman ay sinusubukan akong patahanin. Dinala niya ang kotse ko at siya na rin ang nag-drive sa amin pauwi.
"Miss Sophie, Heto ang tubig. Uminom ka muna." sabi niya saka inabot sa akin ang isang baso ng tubig.
Kaagad kong kinuha iyon at ininom.
Naupo si Venom sa tabi ko sa couch saka tumingin sa akin. "Gusto mo na bang magpahinga, Miss Sophie?"
"Si Miss Felestine ang tunay kong mommy."
"O kaya--M..Miss Sophie?"
Tumingin ako sa kanya. "Makikipagkita dapat kami sa kanya kanina, pero nang makita nila ni Daddy ang isa't isa ay nakilala nila ang isa't isa. Tapos sinabi nila sa akin ang totoo."
"Ang mommy mo ay si Miss Felestine? Pero iyong babae.. iyong maid na--
"Siya ang kumupkop sa akin nang subukan akong itapon ni Aunt Natalie."
"Miss Sophie..."
"Venom... Buong buhay ko.. buong buhay ko pinaniwalaa ko sila... At ngayon, bigla ko na lamang malalaman na si Miss Felestine ang mommy ko... Hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa sila..."
Bigla niya akong niyakap at hinimas ang likod ko. "Ayos lang 'yan, Miss Sophie..."
"Ang daddy ko, siya ang pinakapinagkakatiwalaan ko... paano niya nagawang magsinungaling sa akin?"
"Galit ka sa kanya?"
"Galit na galit ako sa kanya... galit ako dahil nagsinungaling siya sa akin..."
"E kay Miss Felestine? Galit ka rin ba?"
Hindi ako nakapagsalita.
Maya-maya ay bigla na lamang nag-ring ang phone ko.
Si Miss Felestine.
"Ayaw mo bang sagutin?" tanong sa akin n Venom.
"Natatakot ako, Venom... Ayaw ko munang makipag-usap sa kanya..."
Maya-maya ay tumigil na rin ang pag-ring. Nag-iwan na lamang siya ng message.
'Sophie, please let me talk to you tomorrow. Meet me at my office. Please...'
Tinapik ni Venom ang balikat ko. "Miss Sophie, sasamahan kita..."
"Salamat, Venom. Pero tingin ko mag-isa nalang akong pupunta roon. Marami rin akong gustong itanong sa kanya. Marami akong gustong sabihin..."
"Kaya mo iyan, Miss Sophie..."
![](https://img.wattpad.com/cover/321458130-288-k622048.jpg)
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romansa[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...