Sophie's POV
"Sophie."
Naglalakad lamang kami sa loob ng mall nang bigla na lamang huminto si Vincent saka tumingin sa akin. Masyado siyang mabilis maglakad kaya naman nasa likuran niya lamang ako.
"Ano?" tanong ko sa kanya.
"Stand beside that huge teddy bear. I'll take a photo of you."
Napa-kunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ano?"
"I said, stand beside that huge teddy bear right there." pag-uulit pa niya sabay turo sa malaking teddy bear sa tapat ng isang department store. "You'll look cure there. Go on."
"H..Hindi ako bata. Ayaw kong magpakuha ng litrato." tugon ko saka magpapatuloy na sana muli sa paglalakad pero bigla niya na lamang hinila ang kamay ko.
Diretso siyang tumingin sa mga mata ko. Iyong tingin na para bang nagsasabing papatayin niya ako kapag hindi ako sumunod sa gusto niya. "I don't like it when someone disobeys me."
Pansamantala akong na-estatwa sa kinatatayuan ko. Sobrang nakakatakot ang pagkakatitig niya sa akin. "O..Okay. Tatayo na ako sa tabi ng teddy bear na iyon."
Kaagad naman akong tumakbo palapit sa teddy bear. Nang makalapit na ako ay tumingin akong muli kay Vincent na hawak na ang cellphone niya.
"Smile!" sigaw niya pa sa akin.
Pilit akong ngumiti.
"Smile even more. You can also hug that teddy bear!" utos niya.
Ano bang tingin niya sa akin? Bata?!
Pero dahil hindi ako pwedeng humindi sa kanya, wala na akong ibang nagawa kundi ang sundin siya. Niyakap ko ang malaking teddy bear na iyon saka tumingin sa camera na parang baliw.
'Oh my God! Ang cute naman nila!'
'Perfect couple!'
'Nakakainggit naman!'
Nakahinga lamang ako nang maluwag nang tumigil na si Vincent sa pagkuha ng mga litrato. Naglakad siya palapit sa akin nang hindi inaalis ang tingin sa phone niya. "You look so fucking adorable." dinig kong bulong niya.
"Mukha kamong tanga." sagot ko sabay irap.
"I'll keep these photos of you." aniya sabay tago ng phone sa bulsa niya. "By the way, where do you wantto go next?"
Naka-pout akong tumingin sa kanya. "Gusto ko nang kumain."
"Alright, let's eat." sabi niya saka hinawakan ang kamay ko.
Bakit parang ang ganda ng mood niya ngayong araw? I mean, hindi naman siya palangiti. Well, hindi naman siya ngumiti ngayong araw, pero parang ang saya niya. Ano kaya ang nangyari sa kanya.
Nagpunta kami sa isang mamahaling restaurant sa bandang roofdeck ng mall. Kaunti lang ang mga taong nandoon kaya naman medyo tahimik at mapayapa. Kita rin namin ang buong siyudad mula sa kinauupuan namin. Ang mga dingding ay gawa sa salamin.
Um-order na si Vincent ng pagkain habang ako naman ay nakatingin lamang sa view habang naghihintay.
"Where do you want to go after we eat?" bigla niyang tanong sa akin.
"Bakit hindi nalang tayo umuwi?" tugon ko nang hindi nakatingin sa kanya.
"We'll go home and play chess? Is that what you're trying to say?"
Nanlaki ang mga mata ko. "A..Ano?! Tama. Huwag na muna pala tayong umuwi. Tingin ko naman pwede pa tayong mag-stay dito nang medyo matagal. Actually, parang gusto ko ngang magpunta sa malapit na amusement park dito."
Napangisi lamang siya. "Alright, if that's what you want."
Kailangan kong makasigurado na hindi kami makakapaglaro ng chess ngayong gabi. Hindi pa ako handa. Marami na akong nabasang libro at napanuod na videos about sa chess pero tingin ko hindi ko pa rin matatalo ang lalaking ito. Ayaw kong may makuha na naman siyang parte ng katawan ko. I mean, nakuha niya na ang tainga, leeg, at pati na rin ang mga kamay ko. Ano kayang susunod niyang kukunin?
Iniisip ko palang kinakabahan na ako.
"Here's you order, Mr. and Mrs. Hastings." sabi ng waiter na nag-serve ng food namin.
"Thank you." tugon ko habang nakangiti.
Tumingin si Vincent sa waiter. "Now, go."
"Y..Yes, Sir."
"Bakit mo naman siya ganoon tratuhin?" tanong ko nang makaalis na ang waiter.
Naglagay siya ng napkin sa lap niya saka tumingin sa akin habang hawak ang cutlery niya. "What?"
"Pwede ka namang magpasalamat sa kanya, pero mas pinili mo pang maging salbahe at sabihan siyang umalis na?"
"He was looking intently at you since we entered this restaurant."
"A..Ano?!"
"I might punch him if he'll keep on doing that."
"Vincent..."
"Let's eat now." utos niya.
"Okay."
Tahimik lamang kaming dalawa habang kumakain. Maging bawat paglunok ko nga ay naririnig ko. Napaka-awkward kaya naman pakiramdam ko ay kailangan kong magsalita kung ayaw kong mamatay sa katahimikan at awkwardness habang ramdam ko ang titig sa akin ni Vincent na akala mo ay ako ang pagkaing kinakain niya.
"M..May naka-date ka na bang babae dati?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya kaagad sumagot. Uminom muna siya ng tubig bago inilapag ang cutlery niya saka tumingin sa akin. "What do you think?"
"W..Well, tingin ko wala ka pang nakaka-date. For sure kaagad mo lang silang hinahapit sa bewang saka diretsong dinadala sa kwarto mo." buong tapang kong sagot na siya namang nakapagpatawa kay Vincent.
"Precisely. There's no need for me to ask them out, they will go with me even if I don't ask them, though. They will voluntarily undress and beg me to fuck them."
Muntik na akong mabulunan. Kaagad kong inabot ang baso ng tubig ko saka ininom ang lahat ng iyon.
"But you're different, Sophie. You're giving me a hard time and you somehow encourage me to wait for you. I don't even know why but I feel like I don't want to be aggressive with you. I want to take it slowly. I want to take you little by little until I finally conquer all of you."
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)