Sophie's POV
"NAPAKAGANDA MO, SOPHIE!" bulalas ni Sabrina nang makita niya akong nakabihis na.
Suot ko ang isang black Tulle bustier gown with black underlay with two front slits. Nilagyan din nila ako ng simpleng make up tapos kinulot ang dulo ng buhok ko.
Ngumiti ako kay Sabrina. "Salamat sa pagpunta, Sab."
"At bakit ko naman hahayaang ma-miss ang pinakamahalagang araw sa buhay ng best friend ko?! Siyempre, ako ang unang-unang magc-congratulate at papalakpak sa'yo kahit na mukhang may bago ka nang best friend." nagtatampo niyang sabi habang nakatingin kay Venom na kasalukuyang nakaupo sa may couch.
Natawa ako dahil sa sinabi niya. Parati niya ngang sinasabi sa akin kung gaano siya nagseselos kay Venom. Sinasabi niya pa sa aking mas madalas kong kasama si Venom kaysa sa kanya.
"Sabrina, hanggang kailan ko ba sasabihin sa'yo na si Venom ay parang ate ko na?"
"Oo na, alam ko 'yon. At best friend mo lang ako, gano'n?" naka-pout naman niyang sabi.
Tumayo ako saka siya niyakap. "You are the best of all the best friends in the whole universe. Ikaw ang soulmate ko, at alam mo iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka. Ikaw naman ang nandiyan na sa akin since day one, kaya wala kang dahilan pa para sa mag-selos, okay?"
"Fine. Hindi na ako magseselos pa. Ngayon, ipangako mo sa aking iba't ibang poses ang gagawin mo sa stage kapag in-announce na ni Miss Felestine na ikaw na ang bagong president ng Felestine company!"
"Sab..."
"Ipangako mo sa akin!"
"Whatever." sabi ko na lamang saka tumawa.
Hilig talaga ni Sabrina ang pagp-picture sa akin kahit na kailan. Sabagay, lahat naman ng mag-best friend ay ganoon.
Tapos ay bigla na lamang bumukas ang pinto ng dressing room. Kaagad akong napangiti nang makita ko si Miss Felestine suot ang isang pink satin dress.
"Oh my God, my daughter is so beautiful!" sabi niya saka ako niyakap.
"Mas maganda nga po kayo. Bagay na bagay po sa inyo ang dress na suot ninyo."
"Mukha kayong kambal. Ni hindi nga mukhang mommy si Miss Felestine, e." komento ni Sabrina habang nakatingin sa aming dalawa.
Matapos niyon ay naupo kaming dalawa ni Miss Felestine sa may couch. Hinawakan niya ang kamay ko. "Excited ka na ba sa announcement?"
"Actually, kinakabahan po ako." pagbibiro ko.
"Hindi ka dapat kabahan. Hindi naman ako aalis sa tabi mo. Excited na akong i-announce sa lahat ng tao na ikaw ang anak ko at ang bagong president ng Felestine company. By the way, Sophie. Alam kong masyado pang maaga para pag-usapan ito, pero pwede ka na bang tumira sa poder ko matapos ito? I mean, I've been wanting to be with you at gusto kong mas maging close pa tayo."
Tumingin ako kay Sabrina, tapos ay kay Miss Felestine ulit. "P..Pwede ko po bang pag-isipan muna?"
"You can bring your friend Venom with you if you want. You know, Sophie. I have been alone in my house for years now, I've been so lonely, and now that I have found you, I want you to stay with me, and at least in that way, I would be able to make things up to you. I want to be your mother, Sophie. I know I can't replace the woman who took care of you when you were just a kid, but I promise that I will do my best."
"Naiintindihan ko po kayo, Miss Felestine..."
Sandali pa kaming nabalot nang katahimikan, pero bigla na lamang pumasok ang event coordinator at tinawag si Miss Felestine. Sinabi niya sa aming mags-start na ang event.
"Bakit ayaw mo pang pumayag na manirahan kasama ang mommy mo, Sophie?" biglang tanong sa akin ni Sabrina.
"H..Hindi ko alam... S..Siguro hindi lang ako sanay na kasama siya?"
"Kaya nga kailangan mong manirahan kasama siya sa iisang bubong. Matagal kayong hindi nagkita, chance mo na 'to para makasama ang totoo mong mommy, Sophie. Alam ko namang iniisip mong hindi ka magiging komportable na kasama siya, pero mommy mo pa rin siya."
Bumuntong-hininga na lamang ako.
Tama si Sabrina. Kailangan kong matutunang tanggapin ang katotohanan na si Miss Felestine ang totoo kong mommy. Tinulungan niya akong bumangon muli at maging better version ng sarili ko, kaya kailangan ko ring iparamdam sa kanya ang pagmamahal ng isang anak na matagal niyang inasam."
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romansa[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)