Sophie's POV
"What about this one? Kaya mo bang sagutan ang isang 'to?" tanong sa akin ni Lance habang nakaturo sa isang page ng libro.
Actually, tapos ko nang pag-aralan ang lahat kagabi pero siyempre, dahil kailangan naming pagselosin si Vincent, nagp-panggap ako na wala akong alam.
"Hindi, e. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sagutan 'yan..." sabi ko habang kumakamot pa sa ulo, trying hard na kunwaring magpa-cute.
"Talaga? Okay, ituturo ko sa'yo."
"Thank you, Lance!"
Sinadya ni Lance na lumapit pa nang husto sa akin habang ipinapaliwanag ang problem. Bahagya rin akong sumandal sa kanya, kaya naman halos magdikit na ang mga mukha namin. Ramdam ko ang masamang tingin ni Vincent mula sa kabilang table.
"Ganito mo iyan gagawin, okay? Kailangan mo lang itong i-divide rito, tapos ito i-multiply mo."
"H..Huh? Pwede mo bang ulitin? M..Medyo hindi ko kasi naintindihan." sabi ko pa habang naka-pout sa kanya.
Tumawa naman si Lance saka kinurot ang magkabilang pisngi ko. "Ang cute mo talaga, Sophie~"
At dahil doon ay bigla na lamang tumayo si Vincent. Pareho kami ni Lance na napatingin sa kanya. Masama siyang nakatingin sa aming dalawa habang magkakrus ang mga braso. "What the hell do you guys think you're doing?"
"Huh?"
"Lance, is that how you really treat your student? Do you really have totouch her like that? As far as I know you're not allowed to touch your student,right?" dagdag pa ni Vincent.
Halatang pinipigilan lamang ni Lance ang matawa habang nagsasalita. "W...Well, yeah."
"Then why are you touching Sophie?"
"Huh? You mean, bakit ko kinurot ang mga pisngi niya? I'm sorry, I just find her really adorable kaya hindi ko napigilan ang sarili ko. I didn't really mean to touch her in a malicious way."
"Ayos lang naman. Kaibigan ko rin naman si Lance kaya wala namang meaning kung kukurutin niya ang pisngi ko."
Bumuntong-hininga si Vincent na para bang na-realized niya ang point ko. "Fine. Go ahead and continue what you're doing. I swear I'm not going to interrupt you, just make it quick."
"Thanks."
Dahil doon ay nagsimula na ulit kami ni Lance na um-acting. Nagpatuloy lamang kami sa kunwaring paglalandian na halata namang ikinaiirita ni Vincent. Kitang-kita ko na pinipigilan niya lamang ang sarili niya kahit na gustung-gusto niya na kaming pahintuin.
***
"Bye, Lance! Salamat sa pagtulong sa akin ngayong araw. Marami talaga akong natutunan dahil sa sobrang galing mo mag-turo! By the way, pwede kang magpunta rito kahit na kailan mo pa gusto, okay? Sabihin mo lang sa akin at handa akong ipagluto ka."
Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para marinig ni Vincent.
Ngumiti naman si Lance sa akin. "Talaga? Kung ganoon pupunta na ako rito nang mas madalas."
"Oo, tingin ko nga kailangan mong magpunta rito nang mas madalas dahil madalas naman akong mag-isa."
"Ganoon ba? Okay, pupunta ako rito parati."
"You are more than welcome."
Nag-wave lamang kaming dalawa sa isa't isa bago siya tuluyang umalis. Nakangiti akong pumasok sa loob ng mansiyon. Tanda ko pa rin ang hitsura ni Vincent habang umaarte kami ni Lance kanina. Mukhang nag-selos talaga siya.
"Sophie."
Laking-gulat ko nang makita ko si Vincent na nakatayo sa may pintuan habang malalim na nakatitig sa akin.
"V..Vincent. Kaaalis lang ni Lance, sabi niya babalik daw siya rito."
"Do you still like my brother?"
Kunot-noo akong tumingin sa kanya. "A...Ano?"
"You like him, right? You still like him?"
"Paano kung oo? Magagalit ka ba sa akin?"
Sandali siyang hindi nagsalita. Tumitig muna siya sa akin bago muling nagsalita. "I won't. I just don't like it when you're flirting with him in front of me."
"Nagseselos ka ba?"
"Huh?"
"I...I mean, kaya hindi mo gustong nakikita akong nakikipaglandian sa kanya, hindi ba? Dahil nagseselos ka." hindi ko naiwasan ang mapangiti habang sinasabi iyon.
Nagkibit-balikat lamang siya nang wala man lang kaemo-emosyon sa mukha. "I'm not. I just don't like the fact that you are allowing another man to touch the parts of you that I already own. You can like him in any way you want. Just don't do it in front of me."
Tila ba binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niyang iyon. Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. "Bakit, dahil nasasaktan ang ego mo?"
"Yes." diretso niyang sagot.
Napakuyom ako ng kamao. "Iyon naman ang pinakamahalahaga sa'yo, diba? Iyang bwisit na ego mo. Paano kung sabihin ko rin sa'yo na huwag kang makipaglandian kay Monica dahil nasasaktan ang ego ko? Hindi mo na ba gagawin iyon?"
"Why are you suddenly bringing her up here? Don't involve Monica here, Sophie. She doesn't know anything about it."
Mapakla akong tumawa. "Oh, so ayaw mong ma-involve ang ex mo. Sabagay, siya naman kasi ang pinakaimportante para sa'yo. Habang ako, asawa mo lang na walang karapatang mag-selos at mag-reklamo. Isa lang naman akong babaeng pinilit mong magpakasal sa'yo para maka-move on ka sa ex mo!"
"I said fucking stop it, Sophie!" sigaw niya sa mukha ko. "You told me you're not jealous of her the last time I asked you, right? Then why are you suddenly acting like this?!"
"Dahil nagseselos ako! Masaya ka na?! You know what? I hate you, Vincent. I really, really hate you!" sigaw ko bago tuluyang tumakbo palayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)