Sophie's POV
"Vincent, plano mo ba talagang manatili rito hanggang sa makahuli ka ng gold fish?" tanong ko kay Vincent na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakahuli ng gold fish. Isang oras na siyang naglalaro. Halos lahat na ng naglalaro ay sumuko na at umalis pero si Vincent ay hindi pa rin. Basa na nga rin siya ng tubig mula sa aquarium.
"Look, Vincent, hindi ka naman magiging mahina o duwag kapag hindi ka nakahuli ng gold fish. Mafia boss ka pa rin naman." pangungumbinsi ko sa kanya.
Pero hindi niya ako pinansin. Nakatuon lamang ang atensiyon niya sa gold fish na target niya.
Hindi ako makapaniwalang magkakaganito siya dahil lang sa gold fish.
"I will be able to catch you, you damn little gold fucking fish!" sigaw pa niya.
"Isip-bata..." bulong ko.
Nahuli ko na lamang ang sarili ko na nakatitig sa kanya habang nagf-focus sa paghuli ng gold fish. Nakakunot ang noo niya at wala siyang pakialam kahit na ang kulot niyang buhok ay halos takpan na ang mga mata niya. Ganito pala ang hitsura niya kapag seryoso sa isang bagay.
Bigla kong naramdaman ang malakas na pagtibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya. Ang layo niya sa Vincent na kilala ko. Parati na lamang kasi siyang mukhang demonyo na walang ibang ginawa kundi ang pumatay ng mga tao at makipag-landian sa kada babaeng makikita niya. Never kong na-imagine na mayroon pala siyang expression na ganito.
"I made it! I fucking made it!"
Bumalik lamang ako sa ulirat nang bigla na lamang siyang sumigaw na akala mo ay nanalo sa lotto. Ipinakita niya sa akin ang nahuli niyang gold fish at ngumiti na lamang ako habang pumapalakpak para sa kanya. "Magaling, nagawa mong makahuli ng isang gold fish sa loob ng isang oras at kalahati."
"I told you, Sophie. I'm not the kind of person who easily gives up. I will do everything just to get what I want." sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
"N..Naiintindihan ko.."
Nag-iwas ako ng tingin mula sa kanya. Maya-maya ay bigla ko na lamang nakita ang isang matanda na nagtitinda ng mga accecory sa isang stall sa tabi ng isang fountain.
"V, magpunta tayo roon!"
"H..Hey! My fish! Sophie!" reklamo niya.
"Uhm, magkano po ang headband na ito?" tanong ko sa matanda nang tuluyan na kaming makalapit sa kanya.
Nag-angat siya ng tingin at automatikong ngumiti nang makita kaming dalawa ni Vincent. "Singkwenta lang, anak."
"Talaga po? Pwede po ba akong mamili?"
"Oo naman, hija."
Nagsimula akong tumingin sa mga paninda niyang headband at mga accesory gaya ng kwintas at hikaw. Bigla ko na lamang nakita ang isang cat ears na headband. Kinuha ko iyon saka isinuot bago ako tumingin kay Vincent. "Bagay ba?"
"You look like a beautiful cat woman ready to bite and scratch me anytime. I feel horny just thinking about that."
Umirap lamang ako sa kanya saka ibinalik ang headband sa stall.
"Tingin ko po, ito nalang ang kukunin ko." sabi ko sabay kuha sa headband na may rabbit ears naman. Matapos niyon ay muli akong humarap kay Vincent. "Pwede ka bang yumuko nang kaunti? Napakatangkad mo, e."
"Huh? Why? What are you going to do?"
"Basta, medyo yumuko ka nalang."
Sandali muna siyang tumitig sa akin bago sinunod ang sinabi ko. Hindi niya inalis ang tingin sa akin hanggang sa maisuot ko na sa kanya ang headband. Napangiti ako nang makita ko kung gaano siya ka-cute.
"Ang cute! Bagay sa'yo! Napaka-cute talaga! Hahaha!" tuwang-tuwa kong sabi.
"Are you trying to make me look dumb?" inis niyang tanong sa akin.
"Huh? Hindi ka naman mukhang tanga, a. Ang cute mo nga, e."
Nag-angat siya ng kilay. "Alright then, you should do the same."
"Anong--
Kumuha rin siya ng headband na may koala ears saka iyon isinuot sa akin. "You're insanely adorable."
Naramdaman ko ang pamumula ng buong mukha ko dahil sa sinabi niya. "A..Ano bang sinasabi mo..."
"Ang cute niyong dalawa. Tingin ko, kayong dalawa ang magkakatuluyan sa huli." biglang sabi ng matandang babae habang nakangiti sa aming dalawa ni Vincent.
"Uh--
"She's my wife, old woman." bigla namang sabi sa kanya ni Vincent.
Tumangu-tango ang matanda. "Talaga? Pero tingin ko wala pa kayong nararamdaman para sa isa't isa. Nalilito pa kayong dalawa, maraming beses pa kayong malilito, pero sa huli, kayo pa rin ang magkakatuluyan."
"H..Heto po ang bayad. Salamat po." sabi ko na lamang sa kanya bago ko tuluyang sundan si Vincent na nagsimula nang maglakad.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ko sa kanya.
"Yes."
Hindi ko alam pero bigla na lamang akong nakaramdam ng lungkot. Papasok na sana kami sa kotse niya nang bigla na lamang akong may naalala. "T..Teka lang, Vincent!"
"Huh?"
Kinuha ko ang phone ko mula sa bag. "Wala pa tayong remembrance."
"What?"
Hinila ko siya palapit sa may fountain. "Mag-picture tayo!"
Kumuha kami ng mga litrato habang may mga taong dumaraan sa paligid namin. Lahat sila ay nakatingin kay Vincent at dinig ko ang bulungan nila tungkol sa kanya.
"Mukhang pati mga lalaki cute ang tingin sa'yo." bulong ko sa kanya.
"I'm not a puppy to be cute." tugon niya.
"Vincent."
Hinarap niya ako. "What?"
"Salamat dahil dinala mo ako rito. I really had so much fun."
Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. Pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. "I'm glad you had fun."
Bigla na lamang namin narinig ang tunog ng mga paputok mula sa kalangitan. Pareho kaming napatingala at nakita ang iba't ibang kulay na nagkalat sa kalangitan.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)