ESCAPE

3.2K 50 0
                                    

Sophie's POV

Maya-maya ay bigla na lamang tuluyan na namatay ang lahat ng mga ilaw. 

'What happened? Where's everyone?!'

Patuloy lamang sa pagsigaw ang mga tao sa paligid namin. 

Tapos ay bigla ko na lamang narinig ang boses ni Vincent. 

"Let's go, Sophie."

"H..Huh? Saan?"

"Somewhere far from here."

"Ano? Pero---

Naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa kamay ko saka kami nagsimulang tumakbo sa isang direksiyon na hindi ko rin naman alam kung saan patungo. 

"Vincent, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya?"

Nang muling bumukas ang mga ilaw ay doon ko lamang na-realize na nasa labas na kami ng venue. May helicopter na nasa harapan namin.  Nandoon din ang mga tao ni Vincent. 

Napatingin ako kay Vincent na hawak pa rin ang kamay ko. 

"Anong ibig sabihin nito, Vincent?"

"Please go with me, Sophie."

"Pero Vincent..."

Binitiwan niya ang kamay ko saka tumingin sa akin. "Will you go with me?"

"Sophie!"

Bigla ay nakita ko sina Lance, Miss Felestine, Sabrina at Venom. 

"Sophie, huwag kang sumama sa kanya!" sigaw ni Lance.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Salitan ang tingin ko kina Vincent at Lance. Pareho silang nakatingin sa akin. 

"Honey, come here. Don't go with that mafia boss..." sabi pa ni Miss Felestine.

Lahat sila ay sinasabihan akong huwag sumama kay Vincent. 

Pero tingin ko nga ay tanga talaga ako dahil parati kong pinipili ang mga tao at bagay na sasaktan din ako sa huli.

"I'm sorry Lance. I'm sorry, mommy...." bulong ko bago ko inabot ang kamay ni Vincent.

 In the end, the heart will choose what it wants.

And in the end, I am still willing to take everything risk, for Vincent. Because the man who can hurt you the most is also the only man who can mend your broken heart. 

Lance's POV

Nang abutin ni Sophie ang kamay ni Vincent, doon ko rin na-realize na kailangan ko na siyang bitawan. 

Matapos ang lahat, matapos ang lahat ng nangyari, si Vincent pa rin talaga. Si Vincent pa rin  ang mahal niya.

"Go and follow them! We can't let that mafia boss take mydaughter!" utos ni Miss Felestine sa mga tauhan niya.

 "There's no need for you to do that anymore, ma'am. She's safe with him, Vincent loves Sophie so much. He won't hurt her."

"Lance, gaano ka kasigurado riyan?! Mafia boss ang lalaking iyon! Pwede niyang saktan ang anak ko!"

"Kapatid ko si Vincent."

"A..Ano?"

Tumango ako. "I'm sorry, but can you excuse me, please..."

Bumalik ako sa loob ng hotel saka sinabihan ang audience na magpatuloy lamang sa pagsasaya. Mabuti na lamang at mabilis ding naayos ng organizers ang event. 

Naupo lamang ako sa isang tabi habang umiinom ng whiskey. 

"I don't think nakakalasing ang whiskey."

Bigla ko na lamang nakita si Sabrina na nakatayo sa harap ko. 

Naupo siya sa tabi ko saka nagsimulang uminom din ng whiskey. "Parati na lamang sinasabi sa akin ni Sophie kung gaano siya kagalit kay Vincent pero tignan mo siya ngayon, pinili niya pa rin ang lalaking iyon kaysa sa'yo. Hindi ka ba nagagalit sa kanya?"

"Siyempre, oo. Gusto ko silang sundan at kunin si Sophie mula kay Vincent. Gusto kong sabihin sa kanya na ako na lamang ang mahalin niya. Gusto kong sabihin sa kanya na ang engot niya dahil mas pinili niya pa ang kapatid ko kaysa sa akin. Pero siyempre, hindi ko gagawin iyon. Hindi ko gagawin iyon hindi dahil duwag ako, kundi dahil hindi naman niyon mababago ang katotohanan na si Vincent pa rin ang mahal niya."

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon