Sophie's POV
"Napakaganda mo talaga, Sophie!" bulalas ni Sabrina nang makita niya ako suot ang isang off-shoulder lavender beaded gown.
Nasa loob kami ng dressing room ng hotel na pag-aari ni Vincent. Oo, nalaman niya ang birthday ko dahil sinabi sa kanya ni Venom. Hindi ko nga gustong magp-party, pero pinilit ako nina Venom at Sabrina.
"Bakit parang ang lungkot mo naman yata, Sophie? 18th birthday mo na kaya, ibig sabihin pwede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo. Mag-party, kumuha ng driver's license, hindi ka na bata!" sinubukan ni Sabrina na i-cheer up ako.
"Sinabi ko naman sa'yo, ayaw ko na magpa-party nang ganito. Pwede naman tayong kumain nalang sa labas o kaya magluluto nalang ako tapos iinom tayo." sagot ko habang walang ganang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin.
"Hindi pwede 'yon! Kailangan nating mag-celebrate dahil hindi ka na bata! Ganap ka nang babae!"
Bumuntong-hininga lamang ako saka sumandal sa upuan nang may bigla na lamang kumatok. Dali-dali namang binuksan ni Sabrina ang pinto at pumasok si Lance.
"What a beautiful debutant we have here." sabi niya habang naglalakad palapit sa akin.
"Hi, Lance."
Suot niya ang isang black tuxedo habang ang buhok niya ay naka-slicked back at hindi niya rin suot ang salamin niya. "Do you like how I look?"
"Oo. Hindi maitatangging magkapatid nga kayo ni Vincent. Actually, papasa nga kayong kambal." pagbibiro ko.
"Pero mas gwapo pa rin siya sa akin, hindi ba?"
Nag-iwas ako ng tingin. "Gag* pa rin siya."
"Alam mo ba? Nakita ko siya kahapon na naghahanap ng regalo para sa'yo. He looked frustrated, actually."
"Naku, Lance. Hindi mo na kailangan pang sabihin pa ang mga bagay na iyan para lang pagaanin ang loob ko."
"Hindi ko sinasabi 'to para pagaanin ang loob mo. Totoo 'yon."
Tumingin ako sa kanya. "Pwede bang ikaw nalang ang maging escort ko mamaya?"
"Gustuhin ko man, wala ako sa tamang lugar. Asawa mo pa rin ang dapat na mag-escort sa'yo."
"Pero ayaw ko sa kanya."
Kinurot ni Lance ang magkabilang pisngi ko. "Alam kong galit ka pa rin sa kanya, pero sana bigyan mo siya ng isa pang chance, Sophie. Baka sinabi niya lang iyon dahil hindi niya ma-express ang totoo niyang nararamdaman."
Hindi na ako nagsalita pa.
"Later, V would go here and get you." sabi pa ni Lance bago siya tuluyang umalis. "Come on, Sophie. Smile now, you should smile now and have the best time of your life."
***
"You look incredibly beautiful." bulong sa akin ni Vincent habang naglalakad kami pababa ng hagdan bilang pagsisimula ng party.
Hindi ko siya sinagot. Pilit kong iniaalis ang pagkakahawak niya sa akin, pero kaagad niya rin namang ibinabalik iyon.
Lahat ng mga bisita ay nagsimulang magpalakpakan pagkakita sa aming dalawa. Kitang-kita ko sina Lance, Sabrina, at Venom habang nakatingin sa amin at nakangiti. At siyempre, si Monica. Ngayong nakikita ko siya ay parang gusto ko na lamang tumakbo at iwan silang lahat dito.
"You should smile, Sophie." muling bulong sa akin ni Vincent.
"Paano kung ayaw ko?"
Tumingin siya sa akin. "Haven't you still forgotten about that?"
"Nakalimutan ang ano? Bakit, ano bang ginawa mo? May ginawa ka ba para magalit ako sa'yo?" sarkastiko kong tanong sa kanya.
"This is not the right time for us to argue, Sophie."
Inis ko naman siyang nilingon. "Kung ganoon, anong oras na ngayon? Oras na para makipaglandian sa first love mo? Edi sige, makapaglandian ka sa kanya hangga't gusto mo, wala akong pakialam."
"What? Sop--
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin saka ko siya iniwang mag-isa roon. Naglakad ako papunta sa mga tao at hinanap na lamang sina Sabrina.
Tama si Sabrina, dapat akong mag-celebrate at magpakasaya nang hindi iniisip sina Vincent at Monica.
After all, eighteen na ako at ayaw ko namang i-celebrate ito nang mainit ang ulo. Kailangan kong ipakita sa kanya na wala akong pakialam sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romantik[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)