WE ARE GETTING MARRIED AGAIN

4K 59 0
                                        

Sophie's POV

"Sophie, are you sure about this? Don't you want me to accompanyyou there?" tanong sa akin ni Vincent nang makarating na kami sa bahay ni Miss Felestine.

Tumango lamang ako. "Kaya ko na 'tong gawin, Vincent. Kailangan mo pang makipag-usap sa mga magulang at kuya mo, hindi ba?"

"Are you sure?"

"Oo naman."

"Alright, I love you."

"I love you more."

 Hinalikan niya muna ako bago ako tuluyang bumaba mula sa kotse niya. 

Huminga ako nang malalim bago nagsimulang maglakad papasok sa loob ng mansiyon ni Miss Felestine. Ang mga butler at maids ay sabay-sabay pa akong binati kaya naman binati ko rin sila.

"Pwede ko bang malaman kung nasaan si Miss Felestine?" tanong ko sa isa sa mga butler.

"Nasa loob po siya ng office niya sa itaas, Miss Sophie. Pwede ko po kayong ihatid doon. Sundan niyo po ako."

"Okay."

Gaya ng sinabi niya, sumunod lamang ako sa kanya hanggang sa makarating na kami sa office ni Miss Felestine. Huminga pa ako nang malalim bago binuksan ang pinto. 

"M...Miss Felestine..."

May kausap siyang tao sa telepono, pero kaagad siyang lumingon sa akin. "S...Sophie?!"

"Miss Felestine..."

"Sophie!!"

Kaagad siyang tumakbo palapit sa akin saka ako niyakap nang mahigpit. "Oh my God... Maraming salamat at nandito ka na.... Oh my God..."

Nang humiwalay na kaming dalawa mula sa isa't isa ay muli siyang tumingin sa akin. "What happened? Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba ni Vincent? Anong ginawa niya sa'yo?"

"Wala po siyang ginawa sa akin. A...Actually, nagpunta po ako rito dahil may gusto akong sabihin sa inyo."

"May sasabihin ka? Ano 'yon?" nag-aalala niyang tanong.

Diretso akong tumingin sa mga mata niya saka nagsalita. "G..Gusto kong sabihin sa inyo na magpapakasal kami ni Vincent."

Hindi siya nagsalita.

Nakatayo lamang siya roon habang nakatingin sa akin na para bang hinihintay na bawiin ko ang sinabi ko. 

"S...Sophie... Anong sinabi mo? Ikakasal ka sa mafia boss na iyon?"

Tumango ako. "Opo."

"Sabihin mo sa akin ang totoo, Sophie. Anong ginawa niya, huh? Binantaan ka ba siya? Sinabi ba niyang papatayin niya ako o ang mga kaibigan mo kapag hindi mo siya pinakasalan? Anong sinabi niya, Sophie? Sab--

"Wala siyang sinabing kahit na ano. Hindi niya rin po ako tinakot o pinagbantaan. Gusto ko po siyang pakasalan dahil mahal ko siya."

Umiling-iling siya. "P...Pero Sophie, ang lalaking iyon ay isang mafia boss. Sisirain niya ang buhay mo... Hindi ba't sinaktan ka na niya noon?"

"Hindi po sinra ni Vincent ang buhay ko. Iniligtas niya ako mula sa impiyerno. Siya po ang bumago ng buhay ko at bumago sa akin para maging mas mabuting tao."

"Sophie...hindi mo siya kilala... ang mga mafia boss na gaya niya ay---

"Kayo ang hindi nakakakilala sa kanya! Mahal ako ni Vincent at siya lang ang tanging hindi nang-iwan sa akn! Siya ang mahal ko! Pero lahat kayo, lahat kayo ang tingin sa kanya ay nakakatakot at masamang tao!"

Nangingilid na ang luha mula sa mga mata ko habang nagsasalita. Hindi nagsalita si Miss Felestine, nakatayo lamang siya roon habang nakikinig sa akin. 

"Utang na loob ko po sa inyo ang lahat ng mayroon ako ngayon. Sobrang saya ko dahil nahanap ko na po kayo. Nahanap ko na ang mommy ko. Pero pwede po bang... hayaan ninyo akong pakasalan ang taong mahal ko...Mommy?"

Nanlaki ang mga mata niya nang marinig niya iyon mula sa akin. Nakita ko rin ang pangingilid ng luha sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. 

"Pero kung hindi niyo pa rin ako maintidihan, ir-respeto ko po yon. Gusto ko lang po ipaalam sa inyo. Maraming salamat po sa lahat, at lagi po ninyong tatandaan na mahal na mahal ko kayo..." bulong ko saka nagsimulang maglakad palabas ng office niya.

Pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay naramdaman ko na ang mga braso niya. Yakap niya ako mula sa likuran.

"No, Sophie... Please don't go... I've spent my whole life looking for you so I can't afford to lose you again..you are all that I have now, Sophie... And if Vincent is the only one that could make you happy, then I don't have the right to hinder your love for each other... You know all I want is to see you happy...."

Hinarap ko siya. "Ibig sabihin po ba, pinapayagan niyo na akong magpakasal kay Vincent?"

Pinunasan niya ang luha mula sa mga mata ko saka tumango habang nakangiti. "If that's what would make my baby happy, then I can't say no."

"Thank you, mommy..." niyakap ko siya nang mahigpit. "Thank you so much..." 

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon