Sophie's POV
"Venom, alam mo ba ang favorite food ni Vincent?" tanong ko kay Vincent habang nasa loob kami ng limousine papunta sa supermarket dahil napagdesisyunan kong ipagluto ng dinner si Vincent.
"Noong mga bata pa sila, gustung-gusto niya na ang bruschetta."
Tumingin ako sa kanya. "Bruschetta?"
"Oo. Isang Italian cuisine."
"Talaga? Hindi ko alam iyon. Ngayon ko lang din narinig iyon.Pero since iyon ang favorite ni Vincent, it-try kong gawin."
Tumango lamang si Venom saka ngumiti sa akin. "Tama ka, Miss Sophie. Natutuwa ako at okay na rin kayo ni Boss. Noong kasing huli, nag-aaway pa kayong dalawa kaya natakot ako at iniwan ko na lamang kayo sa loob ng kwarto mo."
Kaagad na nag-init ang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niya. "O...Oo. Okay na kami ngayon."
Hindi ko rin nakita si Vinent kaninang umaga. Sinabi na lamang sa akin ni Venom na maaga siyang umalis papunta sa trabaho pero uuwi rin siya mamayang hapon. Hindi ko na siya nat-tiyempuhan na makausap matapos nang may mangyari sa pagitan naming dalawa. Napapaisip tuloy ako kung iiiwasan niya ako. Pero imposible iyon. Bakit niya naman ako iiwasan?
"Nandito na tayo, Miss Sophie."
"Okay."
Bumaba kaming dalawa ni Venom mula sa limousine saka naglakad papaasok ng mall. Pagkapasok na pagkapasok pa lamang namin ay may nakita na kaagad akong boutique para sa mga lalaki. "Venom, gusto kong bilhan ng damit si Vincent."
"Huh? Sure, Miss Sophie."
Pumasok kami sa loob niyon at kaagad naman kaming sinalubong ng isang sales lady. "Good morning, what may I help you with, ma'am?"
"Naghahanap ako ng mabibili kong damit para sa asawa ko."
"I see, ma'am. Pwede ko po bang malaman kung anong klase ng damit ang hinahanap ninyo? Formal po ba ang hinahanap ninyo o iyong mga casual na damit lang?"
"Casual clothes lang."
Itinuro naman kami ng sales lady sa isang corner kung nasaan ang mga casual clothes. Palinga-linga lamang ako nang makita ko ang isang blue sweatshirt na may maliliit na teddy bears na print. "Venom, tingin mo ba susuotin ni Vincent ang isang ito?"
"Huh? Uh, hindi kasi nagsusuot ng mga ganyang damit si boss..."
"Talaga? Sabagay, mas gusto niya iyong mga dark-colored at turtle necks. Tingin ko kasi ang cute niyang tignan kapag sinuot niya ito."
"Pero tingin ko magugustuhan niya basta ikaw ang nagbigay."
Kaagad naman akong napangiti. "Tingin mo?"
"Oo naman, Miss Sophie."
"Kung ganoon, bibilhin ko na ito."
***
"Ngayon ang unang beses na ipagluluto ko ang asawa ko. Actually, ito ang unang beses na aakto ako nilang asawa niya. I mean, dati kasi parati ko siyang ipinagtutulakan palayo dahil buong akala ko ay isa lamang siyang manyak na mafia boss."
"Pero sa huli, minahal mo pa rin siya. Tama ba, Miss Sophie?" tanong sa akin ni Venom.
Bumuntong-hininga ako. "Tama ka, sa huli ay nahulog din ako sa mafia boss na iyon. Na-inlove ako sa lalaking pinilit akong magpakasal sa kanya."
"Natutuwa rin akong ikaw ang pinili ni Boss na pakasalan."
"Masyado mo naman yata akong pinupuri..."
Patuloy lamang kami sa pamimili sa loob ng supermarket nang may bigla na lamang akong makabangga. "I..I'm sorry, hindi ko--
"God! Why aren't you looking your way?! You--
Pareho kaming nagulat nang mapatingin kami sa mukha ng isa't isa.
"Oh, it's you! Sophie, right?"
"O..Oo. H..Hi, Monica."
Inayos niya ang buhok niya bago muling tumingin sa akin. "Anong ginagawa mo rito?"
"B..Bibili lang sana kami ng mga ingredient para sa gagawin kong Bruschetta. Favorite kasi ni Vincent iyon."
Tumangu-tango naman siya. "I see. Favorite niya nga iyon. I used to make Bruschetta for him before and he always loves it."
"T..Talaga?"
"Talaga! Do you want me to show you how you make it? I assure you, Vincent would love it!"
Saglit kong tinignan si Venom bago muling tumingin kay Monica. "Actually--
"Let's go!" sigaw niya saka ipinulupot ang kamay niya sa braso ko.
Hindi ko rin alam, pero kinakabahan ko kapag nasa paligid siya.

BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...