JEALOUSY, JEALOUSY

5.7K 99 3
                                        

Sophie's POV

Panay ang sulyap ko kina Vincent at Monica kanina pa. At magmula nang dumating siya, parang nakalimutan na rin ako ni Vincent. Hindi naman sa nagrereklamo ako, I mean, hindi ko naman siya masisisi dahil matagal din talaga silang hindi nagkita. 

"I can smell jealousy." nagulat ako nang bigla na lamang umupo sa tabi ko si Lance.

Tumingin ako sa kanya. "L...Lance.."

"Gusto mo bang tawagin ko si Monica para ma-solo mo ang asawa mo?"

Kaagad na namula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niyang iyon. "H..Hindi. Hindi mo na kailangang gawin iyon. Hindi ako nags-selos." nag-iwas ako ng tingin mula sa kanya. "Alam ko namang magkababata silang dalawa."

"And she's also V's first love."

"Alam ko."

"Pero wala ka namang dapat na ipag-alala, Sophie. Asawa mo na si V ngayon, at tingin ko hindi ka naman niya pakakasalan kung mahal niya pa si Monica."

Pinakasalan niya lang ako dahil hindi mabayaran ng daddy ko ang utang nito sa kanya. 

Kung pwede ko lang sabihin sa kanya.

"H..Hindi ako nagseselos."

Ngumiti lamang si Lance sa akin. "Nakilala namin ni Vincent si Monica noong nasa kindergarten pa lamang kami. Daddy nniya ang nagm-may-ari ng school na iyon kaya naging business partners sila ng parents namin. Nerd si Monica noon, kaya naman kaming dalawa ni Vincent ang parating nagtatanggol sa kanya. Minsan nga ay na-kidnapped pa siya. Ginawa ni Vincent ang lahat para lang mahanap siya. Nakipaglaban siya sa mga kidnappers mag-isa at muntik na nga rin siyang ma-comatose noon. Mabuti na lamang at dumating angg mga tauhan ni Daddy at ang mga pulis."

Tumango ako. 

"Tapos nang lumaki na kami, napagdesisyunan din naming um-attend sa iisang university, pero bigla na lamang umalis si Monica nang wala ,man lang paalam. Lumipad siya papuntang Australia at matapos ang isang buwan ay doon lang namin nalaman na na-bankrupt ang kompanya ng pamilya nila. Sinabi rin sa akin ni Vincent noon na may feelings para sa akin si Monica."

"M..May gusto sa'yo si Monica?"

Tumango siya. "Hindi ko rin alam iyon. Buong akala ko gusto rin niya si Vincent kaya itinago ko na lamang din ang feelings ko para sa kanya."

"I...Ibig sabihin gusto mo rin siya?"

"Oo. Pero mas importante sa akin ang kapatid ko."

"Nag-confess ba si Vincent sa kanya?"

"Aamin na sana siya noon, pero bigla na lamang sinabi sa kanya ni Monica na ako ang gusto niya."

Sumulyap ako kay Vincent na nakikipag-usap pa rin kay Monica sa kabilang mesa. "Siguradong nasaktan siya."

"Sigurado ako ron. Si Monica ang tanging minahal ni V noon pa man."

Hindi ko alam pero parang may kung anong tumusok sa puso ko dahil sa sinabi niyang iyon. 

"Pero mabuti na lamang at dumating ka sa buhay niya. Nakatagpo na rin siya ng taong mahal din siya. Isang babaeng magpapasaya sa kanya." sabi pa ni Lance sa akin. 

Ngumiti ako sa kanya. "Sana nga ay kaya kong gawin iyon."

"Siyempre naman. At nagawa mo na. Mas madalas ko nang makitang nakangiti si V ngayon kumpara noong nasa bahay pa siya. Mas naging masaya siya nang dumating ka sa buhay niya. Kaya kailangan mong mangako sa akin, Sophie. Kailangan mong ipangako na mananatili ka sa tabi niya kahit na ano pa man ang mangyari. Alam kong hindi perperktong asawa ang kapatid ko, may pagka-tigaas din ang ulo niya at madalas siyang ma-involved sa mga gulo, bukod pa roon ay minsan may pagka-selfish siya, pero mabuti ang puso niya. Hindi mo pagsisisihang minahal mo siya."

"L..Lance, bakit mo sinasabi ang lahat ng ito sa akin?"

"Dahil alam kong ikaw ang para sa kanya. Alam kong ikaw ang babaeng kailangan niya sa buhay niya."

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. "Lance, alam mo rin ba kung gaao ka-swerte si Vincent na magkaroon ng kapatid na gaya mo?"

Umiling-iling siya. "Hindi totoo iyan. Hindi ko nga nagawang manatili sa tabi niya noong mga panahong kailangan niya ako. Kaya nga tingin ko ang tanging magagawa ko na lamang para s akanya ay ang ihanap siya ng babaeng babaguhin siya for the better. Isang babaeng magpapasaya sa kanya nang buo."

"You are the best brother."

"That's not true."

"Lance!"

Parehokaming napalingon nang bigla na lamang siyang tawagin ni Monica habang tumatakbo palapit sa amin habang si Vincent naman ay nakasunod sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ni Vincent saka ito hinila palapit sa amin. "What do you think of my gift to him? Isn't it cute? I personally chose those ties!"

Ipinakita sa amin ni Monica ang isang blue necktie na suot ni Vincent. May bears pa itong design. Nanlaki ang mga mata ko  nang ma-realize ko na kapareho niyon ang regalo ko, ang kaibahan nga lang ay mga aso ang prints ng nabili ko. 

"O..Oo, ang cute nga."

"I told you, it's cute!" sabi ni Monica kay Vincent. 

Napakamot naman ng batok niya si Vincent na tila ba nahihiya. "But I don't really like bears..."

Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko siyang mag-blush nang ganoon. 

"How about you, Lance? Where's your present for V?"

"H..Huh? Oh, yes. Here's my present."

Iniabot ni Lance ang regalo niya para kay Vincent. 

"I'll open it later." tugon naman ni Vincent. 

Tapos ay bigla na lamang silang tumingin sa akin. Nginitian ako ni Lance. "Sophie, ibigay mo na rin ang regalo mo kay Vincent."

"H..Huh?"

"May I see your gift?" tanong ni Vincent sa akin habang nakangiti.

"Uh..."

Tapos ay bigla kong nakita si Monica na masama ang tingin sa akin. 

"N..Nakalimutan ko pala. I'm sorry, papasok na muna ako sa loob." sabi ko saka naglakad palayo sa kanila. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Lance, pero nagpanggap na lamang akong hindi ko iyon narinig.

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon