THE REAL STORY

3.4K 63 0
                                    

Sophie's POV

"Ano, Sophie? Kamust ang hitsura ko? Mukha na ba akong presentable? Ah, bakit ba ako kinakabahan?" sunud-sunod na tanong sa akin ni Daddy habang nasa loob kami ng kotse niya. Si Seb naman ay nag-volunteer na ipag-drive kami.

Hindi ko naman naiwasan ang mapatawa dahil sa inaasal ni Dad. "Dad, bakit ka naman kinakabahan? Mabait naman si Miss Felestine."

"Alam ko naman 'yon, anak. Hindi ko lang talaga maiwasan na kabahan. Of course, gusto kong ipakita sa kanya na presentable ang daddy mo."

"Presentable man ka naman, daddy. Actually, ang gwapo mo nga today."

Tumawa siya. "Napakagaling mo talagang mambola, anak."

"Sophie, sinabi mo rin ba sa kanya na sasama ang napakagwapo mong kapatid?" pagbibiro naman sa akin ni Seb.

"Oo naman. Tinawagan ko siya kagabi at sinabihan ko rin siya tungkol sa'yo."

"At sinabi mo rin ba sa kanya na pwede niya akong ampunin at gawing model?" pagbibiro niya. 

"Hahaha! Ikaw talaga, Seb!"

***

"Ang sabi po ni Miss Felestine mal-late siya ng dating. May meeting pa raw po kasi siya." sabi ko kina daddy at Seb. 

Nasa loob na kami ng restaurant, naghihintay na lamang sa pagdating ni Miss Felestine.

"Mas lalo tuloy akong kinabahan." sabi naman ni Daddy. 

Nagtinginan naman kaming dalawa ni Seb saka tumawa.

"Daddy, may crush ka ba kay Miss Felestine? Masyado kang kinakabahan." pagbibiro ni Seb.

Masama siyang tinignan ni Daddy. "Kinakabahan lang ako dahil malaki ang naitulong niya. Tinulungan niya si Sophie kaya gusto ko siyang pasalamatan."

"Ako rin, gusto ko siyang pasalamatan siya dahil mas lalo pa niyang pinaganda ang kapatid ko." sabi pa ni Seb habang nakatingin sa akin. 

"Hayan na naman ang mambobola." bulong ko.

"Oo nga pala, Sophie." bigla akong tinawag ni Daddy kaya lumingon ako sa kanya. 

"Dad?"

Huminga siya nang malalim saka tumingin sa akin. "Nakikipag-usap ka pa ba kay Vincent? Nagkikita pa ba kayong dalawa?"

Umiling ako. "Hindi na, dad. Nagkausap kami noong nakaraan pa, pero after po niyon hindi na ulit."

"May plano ka pa bang bumalik sa kanya?"

"H..Hindi ko po alam.."

Inabot ni Daddy ang kamay ko. "Sophie, alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito. Pero please lang, huwag ka nang bumalik sa kanya. Ayaw kong gumulo na naman ang buhay mo. Maramig kaaway si Vincent, hindi ka magkakaroon ng tahimik na buhay sa piling niya."

Nag-iwas ako ng tingin mula sa kanya. "D..Daddy, pwede bang huwag na natin siyang pag-usapan pa?"

"Sophie..."

"Please, Daddy..."

Bumuntong-hininga siya. "Okay. Pero please, pag-isipan mo. Ayaw ko lang na masaktan ka."

"Alam ko po iyon, Daddy..."

Nang yakapin namin ang isa't isa ay narinig namin ang pagbukas ng pinto ng restaurant. 

"Good evening, Miss Felestine." bati sa kanya ng mga staff ng restaurant. 

"Good evening."

Kaagad akong napangiti nang makit siya. "Miss Felestine!"

Lumingon siya saka kumaway sa akin. Naglakad siya palapit sa table namin.

"Dad, nandito na siya. Nandito na si Miss Felestine!" bulong ko kina dad at Seb.

"Talaga?"

"Opo, Dad!"

Kaagad silang tumayo at inayos ang suot nilang suits. 

"Miss Felestine..."

"Oh gosh, Sophie. I'm so sorry I am late. Kanina pa ba kayo naghihintay?" nag-aalala niyang tanong sa akin. 

Umiling naman ako. "Hindi po. Kararating lang din po namin dito."

"Thank you so much, you are so sweet."

"By the way, Miss Felestine, gusto ko po palang ipakilala sa inyo ang daddy ko at ang stepbrother ko. Daddy, siya po si Miss Felestine. Siya ang CEO ng Felestine Company at siya rin po ang tumulong sa akin noon pa man."

Kaagad na lumingon sa kanya si Daddy. "Good evening, Miss---A..Ana?"

Nabigla ako nang biglang huminto si Daddy sa pagsasalita. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita si Miss Felestine. Si Miss Felestine ay gulat ding nakatingin sa kanya. "A...Albert?"

Tumingin ako sa kanilang dalawa nang nagtataka. "D..Daddy? Kilala niyo ba ang isa't isa?"

Tumingin lamang sa akin si Daddy pero walang sinabi na kung anoman. Maging si Miss Felestine ay nakatingin lang din sa akin nang nangingilid ang luha sa mga mata. 

Anong nangyayari?

Kilala ba nila ang isa't isa?


Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon