Sophie's POV
"Papa!!" kaagad akong patakbong lumapit kina papa at Seb. Mahigpit kong niyakap si Papa habang umiiyak. "Papa..."
"Anak ko... Sophie.... I missed you so much, my princess..."
"I missed you more, dad... I missed you so much... Alam ng diyos kung gaano ako nangulila sa inyo..."
"I'm so sorry, hindi ako nakakapunta para bisitahin ka, Sophie..."
Umiling-iling ako. "Ayos lang, papa. Naiintndihan ko naman po kung bakit... Ang importante nandito na kayo..."
Patuloy lamang sa pagtulo ang luha mula sa mga mata ko habang mahigpit ko pa ring yakap si papa.
Na-miss ko talaga sila nang sobra.
Halos isang taon na rin magmula nang huli kaming magkita. Ni hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanila.
"Uh-hum! Pwede rin ba akong makiyakap?"
Humiwalay kami ni papa sa isa't isa nang magsalita si Seb. Pareho kaming tumingin sa kanya saka tumawa. Naglakad naman ako palapit sa kanya saka siya mahigpit na niyakap. "Seb..."
"Sophie... I missed you so much..."
"And I missed you more than you could ever know..."
Si Sebastian lamang ang close ko sa lahat ng stepsiblings ko. Siya ang parating nasa tabi ko sa tuwing nag-iisa ako at kailangan ko ng makakasama. Siya ang tanging naroon noong mga panahong kailangan ko ng isang kapatid na makikinig sa mga kadramahan ko sa buhay.
"Papa, Seb, gusto ko nga po palang ipakilala sa inyo si Lance." sabi ko sabay turo kay Lance na nakatayo sa tabi namin ni Sabrina.
"Lance?" nagtatakang nakatingin sa akin si Lance na wari'y tinatanong sa akin kung sino si Lance.
Ngumiti naman ako habang nakatingin kay Lance. "Kuya siya ni Vincent at doktor sa university namin."
"You mean, iyong crush mo? Iyong lalaking ikinukwento mo sa akin noon? Oops, hindi ko sinasadyang sabihin 'yon. Sorry, Sophie." sabi pa ni Seb.
Pareho kaming tumawa ni Sabrina. "Oo, siya nga iyon."
"It's so nice to meet you, Sebastian and Mr. Laurens." sabi naman ni Lance saka inabot ang kamay nina papa at Seb.
"It's so nice meeting you too, uh... Lance." sabi naman ni papa.
Nakipag-kamay sila sa isa't isa saka kami naupo na at nagpatuloy sa pagk-kwentuhan.
"Pa,kamusta na po kayo? Ang kompanya?"
"Ayos lang naman kami. As usual, parati pa ring nag-aaway ang mga kapatid mo dahil sa maliliit na bagay at ang mama mo naman ay addicted pa rin sa mga jewelry pero maayos naman ang kompanya natin."
Nakangiti akong tumango. "Nakakatuwa namang marinig 'yan. At least alam kong ayos lang kayo. Pasensiya na kung hindi rin ako nakakabisita sa bahay, papa."
"Ayos lang, anak. Alam naman namin ang sitwasyon mo at alam kong may dahilan ka. By the way, n..nasaan ang mafia boss na iyon?"
"Right, nasaan ang demonyong 'yon?" dagdag pa ni Seb.
Muntik na akong mabulunan nang banggitin nila ang lalaking iyon. "H..Hindi ko alam. Baka may ginagawa. Oh, well. Mag-enjoy nalang tayo at huwag nang isipin pa ang lalaking 'yon."
"Maayos naman ba ang trato niya sa'yo, Sophie? Sinasaktan ka ba niya?" nag-aalalang tanong sa akin ni papa.
Umiling-iling ako. "Parati niya akong sinasaktan..." bulong ko. "I mean, hindi, hindi kahit na kailan. Wala rin naman siyang pakialam sa kahit na anong ginagawa ko, kaya ayos lang po talaga ako, papa."
"Mabuti naman kung ganoon. By the way, nag-iipon na ako ng pera para mabawi ka na namin mula sa kanya. Hindi mo na kailangan pang mag-alala, Sophie. Ilang buwan na lamang at makakalaya ka na mula sa kanya."
"Tama si papa, Sophie. Ibinebenta ko rin ang iba sa mga self-composed songs ko at may isang agency na na tumawag sa akin at sinabing kumanta ako para sa kanila. In that way, makakapag-ipon na rin ako ng pera para mabawi ka na namin."
Tumitig lamang ako sa kanilang dalawa habang ramdam ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. "Hindi mo na kailangan pang gawin iyon, Seb. Mag-ipon ka nalang para sa sarili mo at para sa future mo. Huwag mo na akong intindihin."
"Pero gusto kitang bawiin, Sophie. Ayaw kong manatili ka pa kasama ang mafia boss na iyon."
"Naiintindihan kita, Seb. Pero hindi mo na talaga kailangan bang gawin iyon. Isa pa, hindi naman ako sinasaktan ni Vincent."
Tumingin siya sa akin. "You mean, gusto mo nang manatili sa poder niya? Ayaw mo nang makasama pa kaming muli?"
"Hindi, siyempre gusto ko pa rin kayong makasama, pero--
"Edi hayaan mo kaming gawin iyon para sa'yo. Babawiin ka namin, Sophie."
Bumuntong-hininga na lamang ako.
Ayaw kong isipin nila na ayaw ko nang bumalik sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...