INSIDE SOPHIE'S HEART

7.4K 114 0
                                        

Sophie's POV

"Panalo ako! Panal ako!" bulalas ko na akala mo ay nanalo sa lotto matapos kong matalo si Mr.Jacobs sa chess. 

Tumingin siya saka ngumiti sa akin. "Ang bilis mong natuto."

"Magaling ka kasi magturo."

"Well then, thank you so much." 

Napatingin ako sa relo ko. "Hindi ko napansin ang oras dahil masyado akong nage-enjoy."

"Ako nga rin, e." natatawa-tawa niya pang sabi.

Kung pwede lang sanang manatali na lamang ako rito kasama si Mr. Jacobs habangbuhay. 

Bigla na lamang siyang tumayo. "Ano, uwi na tayo? Medyo late na rin at baka magalit ang parents mo kapag umuwi ka nang masyadong gabi."

Tumangu-tango na lamang ako. "Okay."

"I will send you home."

"Hindi na. May kasama naman ako."

"Huh? Meron? Nasaan siya?"

"Nandoon siya banda." sabi ko sabay turo kay Venom na nakaupo sa kabilang mesa. 

Tumango naman si Mr. Jacobs. "Kaibigan mo?"

"M..More like a housemate."

"Hmm. I understand. Kung ganoon, hihintayin ko nalang kayong makaalis bago ako umuwi."

"O..Okay..."

Nang makalabas na kami sa coffee shop na iyon ay kaagad naming nakita ang itim na limousine na siyang nagsisilbing service ko. Dalawang lalaki ang nagbukas ng pinto niyon. Bago ako pumasok ay tumingin muna akong muli kay Mr. Jacobs. "Salamat sa time at patience mo. Pasensiya na rin sa pangi-istorbo ko."

"Hindi mo na kailangan pang magpasalamat, Sophie. Pwede mong hingin sa akin ang kahit na anong gusto mo."

Nahihiya naman akong ngumiti sa kanya. "Thank you.."

"Oh, and by the way, pwede bang Lance nalang ang itawag mo sa akin? Mas matutuwa ako kung iyon ang itatawag mo sa akin kapag tayong dalawa lang."

Nanlaki ang mga mata ko. "H..Ha?"

Nahihiya siyang napakamot sa batok niya. 

Sobrang cute niya talaga!

"I..I already see you as one of my close friends, so I think I'll be more comfortable if you call me by my first name. K..Kung ayos lang sa'yo."

"O..Oo naman. L..Lance.."

Ngumiti siya. "Much better."

"Hehe..."

"Oo nga pala, kailangan niyo nang umuwi. Se you again next wek, Sophie."

"S..See you..."

Muli akong ngumiti sa kanya bago sumakay sa limousine. Nakatingin lamang ako sa kanya habang umaandar ang kotse. Hindi ko tuloy maiwasang malungkot. Napapaisip tuloy ako kung sino kaya iyong babaeng tinutukoy niya noong nakaraan...

***

"Who taught you?" 

Tumingin ako kay Vincent. Hindi niya iniwas ang tingin mula sa chess piece na hawak niya, nilalaro niya iyon gamit ang daliri niya habang nagi-isip ng susunod niyang ititira. 

"H..Ha?"

"Chess. Someone taught you, right?" pag-uulit niya.

"A..Ah... Oo. Kaibigan ko."

"A woman?"

Umiling-iling ako. "Lalaki."

Tumangu-tango lamang siya saka inilapag ang piece niya sa chess board. "Checkmate."

"Kailangan ko pang mag-practice.." bulong ko.

"For sure that man's taking advantage of you. He agreed to teach you just so he could be with you."

"Hindi niya interesado sa akin." mabilis kong tugon.

Tumingin naman siya sa akin. "How sure are you?"

"Alam ko lang."

"Oh. So, you are the one who's interested in him?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil totoo iyon. 

Sarkastiko namang tumawa si Vincent. "I knew it. Well then, it's alright if he's not interested in you." Lumapit siya sa akin. "Because I am."

Umiwas ako ng tingin mula sa kanya. "Sabihin mo na ang kailangan mong sabihin, gusto ko nang matulog."

"I'll take this." sabi niya saka inabot angkanang kamay ko. "Both of your hands are mine now."

Nagulat ako nang bigla niya na lamang iniangat ang kanang kamay ko saka iyon inilagay sa labi niya. 

"A..Anong ginagawa mo?!"

"Taking what's mine." saad niya habang hinahalik-halikan ang kamay ko. Nakatingin lamang siya sas akin habang angmga labi niya ay nilalandas ang mga daliri ko. Ibinuka niya ang bibig niya saka dinilaan ang mga iyon. 

"A..Anong--

Nakagat ko ang ibabang labi ko upang mapigilan ang pag-ungol nang simulan niyang sipsipin ang mga daliri ko habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. He was obviously teasing me while playing with my fingers using his tongue. 

Bigla-bigla na lamang siyang huminto at sa hindi ko malamang dahilan ay tila ba nalungkot ako. A..Ano bang pinagsasabi ko?

"You're really good at holding it in, huh?"

"A..Anong sinasabi mo? I..I'm not holding back anything."

Pilyo siyang ngumiti. "It's fine. You can deny it for now, but for sure you won't be able to hide it when I finally get what I've been wanting to conquer the most."

"B..Babalik na ako sa kwarto ko." saad ko saka tumayo. 

"Just make sure you wouldn't let that guy touch you anywhere. You are mine, Sophie. Everything you have is mine."

Hindi na lamang ako umimik. Dire-diretso akong naglakad patungo sa may pintuan nang bigla na lamang siyang mag-salitang muli. "By the way."

"Ano?" tanong ko nang hindi lumilingon sa kanya.

"You'll go with me tomorrow."

Napakunot ako ng noo saka tuluyang lumingon sa kanya. "Pupunta saan?"

"I want to spend some time with you."

"Huwag mong sabihing--

"We're not going to a hotel, so don't worry. We can just do what you're thinking here in my room if you want."

Iniwas ko ang tingin ko mula sa kanya. "W..Wala naman akong iniisip na ganyan.."

"Alright, if you insist. Can I get a goodnight kiss now?"

Sinamaan ko siya nang tingin na siya namang ikinatawa niya. 

Kaagad na lamang ako umalis sa kwarto niya.

Kahit kailan talaga ay napaka-manyak ng lalaking iyon!

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon