VINCENT'S PARENTS

4.8K 101 1
                                    

Sophie's POV

"What are you doing?" muntik ko nang mabitiwan ang hawak kong sandok nang bigla na lamang sumulpot si Vincent mula sa likuran ko.

Napalingon ako sa kanya. "N..Nandito ka na pala."

"Yes. I already missed you."

"N..Nagluto ako."

Tumingin naman siya sa pagkaing iniluluto ko. "Looks good."

"Sana lang masarap din ang lasa."

"I know it does." nakangisi niyang sabi sa akin. Laking gulat ko nang bigla na lamang niyang amuyin ang batok ko. "God, you smell so fucking nice."

Kaagad akong lumayo sa kanya. "Ihahanda ko na ang dinner. Tingin ko kailangan mo na ring magpalit ng damit."

"Alright, if that's what you want, honey. But I would just like to also remind you that we will be playing another game tonight before you sleep." paalala niya bago tuluyang nilisan ang kusina.

"Bakit parang ang aga naman yata niya ngayong araw?" bulong ko.

Tinulungan ako ng mga maid na ihanda ang dinner bago sila sinabihan na tawagin na si Vincent. Lahat kami ay naghintay sa pagbaba niya.

 "Shall we eat now?" aya niya. 

"Sige. Pero sandali, Vincent."

"Huh?"

Nilingon ko ang mga maid na nakatayo sa paligid namin. "Pwede ba natin silang isabay? I mean, mahaba naman ang mesa at napakaraming pagkain, tingin ko hindi naman natin kayang ubusin ang lahat ng ito."

Sandali muna siyang tumitig sa akin bago nagsalita. "Go on. If that's what you want. I don't care as long as they won't bother us."

"Sumabay na kayo sa amin. Mas maganda at masaya kung sabay-sabay na tayong kakain araw-araw." nakangiti kong sabi sa mga maid. "Sige, pwede na kayong umupo."

Nagdadalawang-isip pa sila noong una, pero umupo rin sila nang pilitin ko. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan silang lahat. Ang sarap sa pakiramdam na maraming tao sa paligid mo. At least, feeling ko hindi na ako mag-isa.

"Masarap ba?" tanong ko kay Vincent.

"Well, not bad." komento niya nang hindi nakatingin sa akin.

Ngumiti ako. "Thanks for being honest."

"Are you going to cook for me starting from now on?"

"Huh? Sure, pero tingin ko hindi ko magagawa ito araw-araw dahil pumapasok ako sa university at may trabaho rin ako."

Sumandal siya sa upuan niya saka tumitig sa akin. "I think you look sexier when your hair's in a messy bun."

Muntikan na akong mabulunan dahil sa sinabi niyang iyon. "H..Huh?"

"I said you look se--

"N..Narinig ko! Hindi mo na kailangang sabihin pa rito, n..nakakahiya..." bulong ko.

Tumawa naman siya. "You're adorable when you're flushed."

"A..Ano? H..Hindi.. T..Tumigil ka na nga.."

Nakita ko ang mga maid sa paligid namin na nakatingin na sa amin habang nakangiti. Gustung-gusto talaga ni Vincent na inaasar ako sa harap ng maraming tao. 

"Where's Vincent?" 

Napatigil kaming lahat sa pagkain nang bigla na lamang namin narinig ang boses ng isang lalaki mula sa living room. Napatingin ako kay Vincent na bumuntong-hininga lamang. Lahat ng mga maid ay nagsitayuan nang may dalawang tao na pumasok sa dining room. Pati ako ay tumayo na rin. 

Isang babaeng nasa 30 na ang edad at may blond na buhok suot ang isang red silk dress ang dumating kasama ang isang lalaking may suot na black suit. Napatingin sila sa akin, pero ibinaling din kaagad ang atensiyon kay Vincent na nakaupo sa upuan niya habang kumakain. 

"Vincent." tawag sa kanya ng babae.

"What are you doing here?" What do you need from me?" tanong ni Vincent nang hindi nakatingin.

Mapaklang tumawa ang lalaki. "You never really changed. Hindi mo man lang ba kami aayain na mag-dinner?"

"You have your own house. Why don't you eat there?"

"I've heard you got married last month, where's the girl?" tanong naman ng babae saka tumingin sa akin. "Is it her?"

Tumayo si Vincent. "I told you not to meddle about my life anymore. You asked me to leave your house and now you're here for what?"

"Hindi ka pa rin talaga marunong gumalang sa mga magulang mo, Vincent."

Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. 

Sila ang mga magulang ni Vincent? 

Buong akala ko magkakapatid lang silang tatlo.

"I will give you another chance, Vincent. You can still change your life and stop wasting it on illegal doings. You can study again and be a doctor, or you can even take my place as the CEO of our company. I know you can do it, Vincent. You are an intelligent child and you have the potential to---

"Are you asking me to go back because your favorite child already turned his back on you too? Or maybe you need someone you can control again to fulfill your own plans?! I'm already living the best of my fucking life now, and I don't need you to retake control of everything. I don't need your fucking--

"HOW DARE YOU SAY THAT TO YOUR FATHER!"

Laking-gulat naming lahat nang bigla na lamang sinampal ng mommy niya si Vincent. Sa sobrang lakas niyon ay tila ba umalingawngaw ang tunog sa buong dining room.

"You really are the worst son we could ever have! Kung gusto mong sayangin ang buhay mo at magpakagago, sige, gawin mo! Walang-wala ka talaga kung ikukumpara sa kuya mo! You know what? Pinagsisisihan kong maging mommy mo! From now on, kalimutan mong mga magulang mo kami!" galit na galit na sigaw ni Mrs. Hastings kay Vincent bago tuluyang lisanin ang dining room. 

Naiwan kaming lahat na nakatulala. 


Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon