Sophie's POV
"Goodmorning, Miss Laurens."
Nanlaki ang mga mata ko at ang ngiti sa mga labi ko ay awtomatikong naglaho nang makita ko ang mukha niya.
Siya iyon.
Si Vincent.
"Why are you looking at me like that, Miss Laurens? Is theresomething wrong?" inosente niyang tanong habang nakakalokong nakangiti sa akin.
Anong ginagawa niya rito?
"I...I'm sorry, pero tingin ko nagkakamali ka. Hinihintay ko si Mr. Dylan Jacobs, hindi ikaw. Please lang lumabas ka na." sabi ko sa kanya.
Naupo lamang siya sa katapat kong upuan saka ipinagkrus ang mga braso niya. "I am Dylan Jacobs."
"Vincent, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. May importante akong meeting sa biggest investor namin ngayon kaya please lang, tigilan mo na ang kalokohang ito at lumabas ka na." nanggagalaiti kong sabi sa kanya.
"Miss Laurens, I am not playing with you too. I am Dylan Jacobs. Your biggest investor."
Masama akong tumingin sa kanya. "Vincent, seryoso ako rito!"
"I only use Vincent Hastings as a mafia boss. But when it comes to the real business world, I am known as Dylan Jacobs." sabi niya pa.
"Hindi ako naniniwala sa'yo."
Tumawa siya saka tumayo. "Then, would you like to ask someone if I'm telling the truth?"
Bigla-bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko saka ako hinila palabas ng conference room. Tumawag siya ng isa sa mga staff namin sa labas.
"You! What's my name?" tanong niya sa babaeng malapit sa may reception.
Tumingin naman ang babae sa amin. "Mr. Dylan Jacobs."
"How about you?" tanong niya sa isa pa.
"I..Ikaw si Dylan Jacobs, sir."
Matapos niyon ay hinila niya ulit ako papasok sa conference room. "If you still don't believe me, then try to search Dylan Jacobs on the internet."
Hinawi ko ang kamay niya mula sa akin. "B..Bitawan mo ako. Naniniwala na ako."
Muli siyang umupo saka diretsong tumingin sa mga mata ko. "So, shall we proceed to our discussion now?"
Nag-iwas ako ng tingin saka naupo sa katapat niyang upuan.
Ano ba kasing ginagawa niya rito?
Bakit kailangang siya pa?!
"Miss Sophie?" tawag niya ulit sa akin.
At pinakanakakainis pa ay ang pagpapanggap niya na parang hindi niya ako kilala.
Huminga ako nang malalim saka tumingin sa kanya. Walang kaemo-emosyon sa mukha ko habang pinapaliwanag ko ang tungkol sa kompanya namin at kung bakit kailangan niyang mag-invest sa amin. Napaka-awkward nga lang sa feeling dahil nakatitig lamang siya sa akin habang nakangiti.
"Miss Sophie, aside from all the things and pieces of informationthat you told me a while ago, can you tell me more and please, also tell me why I should invest in your company." sabi niya saka sumandal sa upuan.
"W-Well, our company is quite famous not only in our country but also internationally. Our fashion designers and models already competed in many competitions before and we always win."
Tinaasan niya ako ng kilay. "I see. What else?"
Magkasalubong ang kilay akong tumingin sa kanya. "Mr. Jacobs, I already told you everything. What else do you want to know?"
"I'm so glad to see you again."
Bumilis ang tibok ng puso ko nang sabihin niya iyon.
"M-Mr. Jacobs, if you don't need anything anymore, please excuse me."
Lalabas na sana ako ng conference room nang bigla ulit siyang nagsalita. "We are not done yet, Miss Laurens. I mean, Mrs. Hastings."
"Nasabi ko na sa'yo ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa kompanya namin kaya wala na tayong dapat pang pag-usapan. It's just up to you whether you're still going to invest or not."
Tumawa siya. "You are so bold. You don't really care if I invest in your company or not?"
"Wala akong pakialam. Maghahanap nalang kami ng bagong investorr."
"Really?"
"Really."
Nagulat ako nang bigla na lamang siyang naglakad palapit sa akin. Umatras lamang ako nang umatras hanggang sa nakasandal na ako sa dingding na salamin ng conference room.
"Do you still live at my brother's house?" tanong niya.
"Mr. Jacobs, kailangan ko nang---
Itinungkod niya ang mga kamay niya sa bawat gilid ko para ma-korner ako. Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko. "Sophie... I missed you so much..."
Nagsimulang tumibok nang napakabilis ang puso ko nang sabihin niya iyon. Napakalapit niya sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko.
Pero ayaw kong mapansin niya iyon.
Nag-iwas ako ng tingin. "Mr. Jacobs, tapos na ang meeting natin. Please lang, lumayo ka na sa akin."
"Didn't you even miss me? Do you love Lance more than me now?"
"Mr. Jacobs."
Nakatitig lamang siya sa mga labi ko na para bang gusto niya akong halikan.
Please, huwag.
Buong akala ko ay hahalikan niya ako, pero imbes na gawin iyon ay inilapit niya lamang ang mukha niya sa akin saka bumulong sa akin. "We're not done yet, Sophie. If you think that I already gave up onyou, then you are wrong. I am back, and I will make you mine again."
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)