Sophie's POV
"Sige na, Sophie. Pumasok ka na kasi sa loob!" panay ang tulak sa akin ni Sabrina papasok sa may infirmary.
Sinuggest kasi niya na si Lance na lamang ang hingan namin ng tulong para sa plano namin, at tingin pinagsisihan ko nang sinabi ko pa sa kanya iyon.
Maaga kaming umalis ni Venom sa mansiyon para na rin hindi ako makita ni Vincent. Sinusubukan niya nga rin akong tawagan kanina pero hindi ko sinagot ang alin man doon.
Galit pa rin ako sa kanya, ano.
"Sab, kinakabahan ako. Pwede bang iba nalang? Huwag nalang si Lance!"
"Wala nang iba pang makatutulong sa atin kung hindi si Dr. Jacobs!"
"Pero Sab..."
Naghihinala siyang tumingin sa akin. "Sophie, tapatin mo nga ako."
"H..Huh?"
"Hindi ka pa ba nakaka-move on kay Dr. Jacobs?"
"Ano?! Siyempre naman naka-move on na ako sa kanya, ano! Matapos nang mangyari sa amin ni Vincent, natutunan ko na rin siyang mahalin at natutunan ko na ring kalimutan ang feelings ko para kay Dr. Jacobs. Saka isa pa, may Monica na si Lance."
"Hayun naman pala, e. Bakit nagh-hesitate ka pa na manghingi ng pabor mula sa kanya?"
"Dahil kapatid niya si Vincent. Tingin mo ba talaga papayag siya na gumawa ng plano against sa sarili niyang kapatid? Baka nga magalit pa siya sa akin."
Sandali siyang nanahimik. "Siyempre naman tutulungan ka niya dahil girlfriend niya lang naman ang babaeng nakikipaglandian sa asawa mo!"
"Pero, Sab--
"Sige na, Sophie! Pumasok ka na kasi!" pilit niya pa rin akong itinutulak habang ako naman ay pinipigilan siya. Patuloy lamang kami sa pagtutulakan nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng infirmary.
"S...Sophie? Sabrina? Anong ginagawa ninyong dalawa rito?"
Parehas na nanlaki ang mga mata naming dalawa ni Sabrina nang bigla na lamang namin makita si Lance na nagbukas ng pinto ng infirmary. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya. Sumulyap pa ako kay Sabrina bago muling tumingin kay Lance. "A..Ano kasi, kami ni Sabrina... uh..."
"Ano 'yon?"
"A..Ano kasi..."
"May hihingin kasi siyang pabor mula sa'yo, Dr. Jacobs." dire-diretsong sabi ni Sabrina kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
Napakunot ng noo si Lance. "Favor? Sure, ano bang gusto mong ipagawa sa akin?"
"P..Pwede ba nating pag-usapan sa loob ng infirmary?"
"Huh? Sure. You may come inside."
***
"Lalabas lang ako sandali, okay? Hihintayin na lamang kita sa may garden. Huwag mo lang subukan na hindi sabihin kay Dr. Jacobs ang tungkol sa plano natin, kundi patay ka talaga sa akin." bulong pa sa akin ni Sabrina bago nagsimulang maglakad palabas ng infirmary.
Sinundan siya ni Lance ng tingin hanggang sa isara niya na ang pinto. Tumingin sa akin si Lance nang may ngiti sa mga labi. "May I know what favor you're going to ask me? Oh, and by the way, salamat naman at hindi ka nag-hesitate na humingi ng pabor sa akin. At least alam kong pinagkakatiwalaan mo pa rin ako."
"S...Siyempre naman pinagkakatiwalaan kita. H..Hindi ko lang kasi talaga alam kung paano sasabihin sa'yo dahil medyo nakakahiya..."
"Nakakahiya? Ano 'yon? Sophie, pwede mong sabihin ang lahat sa akin. Hinding-hindi kita ij-judge."
Napalunok ako.
Kaya mo 'yan, Sophie.
"Pwede mong sabihin kung hindi mo gusto, okay?"
"Sure."
Huminga muna ako nang malalim bago muling tumingin sa kanya. "Actually, alam ko naman ang katotohanang first love ni Vincent si Monica. Alam ko rin kung gaano sila ka-close na dalawa, kitang-kita naman, e. Nakikita ko kung gaano kasaya si Vincent sa tuwing kasama niya si Monica. Mas madalas pa nga siyang ngumiti kapag si Monica ang kasama nya kaysa kapag ako, kaya--
"Kaya nagseselos ka?" bigla niyang sabi.
Kaagad akong nag-iwas ng tingin mula sa kanya. "H..Hindi ko maiwasan... Nagseselos ako sa kung paano niya tratuhin si Monica. Nagseselos ako sa kung paano siya pangitiin ni Monica kahit na wala siyang gawin. Baka nga kapag pinapili siya between me and Monica, siguradong si Monica ang pipiliin niya..."
"Hindi totoo 'yan, Sophie. Hindi ka naman pakakasalan ni V kung hindi ka niya mahal."
"Lance."
"Huh?"
"May aaminin sana ako sa'yo."
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)