Vincent's POV
Sophie asked me to meet her. It's been a month now since the last time that I get to see her and I admit that I missed her so much.
Finally, maybe she's no longer mad at me. I will apologize and ask her to live with me again. I will never let her go again. I will definitely explain things to her.
"Did Lucien make a move?" I asked George while I was choosing a coat to wear later when I finally got to the tower where Sophie asked me to meet her.
"Wala pa po siyang ginagawa, Boss. Tingin ko po nagp-plano pa lang siya ulit. Kapag tahimik ang gang niya, ibig sabihin may pinaplano sila."
I nodded. "I know, that's probably the reason. That old man's really taking his time to plan something against me. As if I would let him succeed."
I stood up and looked at George. "I will just go and meet my wife. I will let you handle things here, George while I'm not around."
"Opo, boss."
"Good. I'll get back here tomorrow and let's continue talking about our plan when I come back."
My men just nodded so I started walking away from them.
I can't really wait to see Sophie.
Sophie's POV
"Sigurado ka na ba rito, Sophie?" tanong sa akin ni Lance nang makarating na kami sa tapat ng tower kung saan kami magkikita ni Vincent.
Tumango ako. "Alam kong matagal-tagal din akong nagpaka-duwag. Panahon na para harapin ko siya."
"Gusto mo bang samahan kita?"
"Hindi na kailangan. Pwede mo nalang akong hintayin sa bahay mo."
Ngumiti lamang sa akin si Lance kahit pa obvious naman na nag-aaalala siya sa akin. "I understand. Hihintayin nalang kitang makauwi, Sophie."
"Okay."
Lumabas na ako mula sa kotse ni Lance saka ko siya hinintay na makaalis bago ako pumasok sa tower.
Huminga ako nang malalim bago sumakay sa elevator.
Ito na 'yon, Sophie.
Nang makarating na ako sa top floor kung saan ako kikitain ni Vincent, nakita ko ang maraming tao na nag-uusap at kumakain.
Kitang-kita ang view ng buong city at ang kalapit nitong river. Napakaganda niyon, lalo na sa gabi.
"Hi miss, are you alone? Do you want some company?" isang lalaki ang bigla na lamang lumapit sa akin. Halata sa kanya na nakainom na siya.
"Sorry, pero may hinihintay kasi ako." sabi ko saka iniwas ang tingin ko mula sa kanya.
Buong akala ko ay umalis na siya, pero nagulat ako nang muli siyang magsalita. "Kaya kitang pasihayin, Miss. Hindi ka magsisisi kapag sumama ka sa akin. Tara na, mukhang hindi na naman sisipot ang boyfriend mo."
"Sinabi ko nang ayaw kong sumama sa'yo. Please lang umalis ka na kung ayaw mong tawagin ko ang security."
"Hindi ako aalis unless sasama ka sa akin." bulong niya saka ako biglang hinawakan sa braso.
Pinilit kong alisin ang pagkakahawak niya sa braso ko. "A..Anong ginagawa mo?! Bitiwan mo ako!"
"Sabi ko, sumama ka sa akin."
"Bitiwan mo ako!"
Sisigaw na sana ako ulit, pero bigla na lamang bumagsak ang lalaki sa sahig.
"Sino--
"Get the hell out of here or I will kill you."
Nanlaki ang mga mata ko.
Ang boses na 'yon...
Lumingon ako at kaagad kong nakita si Vincent na nakatayo sa harapan ko habang masamang nakatingin sa lalaki.
"V..Vincent Hastings!" bulalas ng lalaki saka siya tumakbo paalis.
"Sophie, are you alright?" tanong sa akin ni Vincent nang tuluyan nang makaalis ang lalaki.
Tumango lamang ako nang hindi tumitingin sa kanya. "Ayos lang ako. ..Salamat..."
"Have you been waiting here? Did I make you wait?"
"Hindi, kararating ko lang din. O..Oo nga pala, gusto mo bang umupo? Hindi pa ako kumakain, actually..."
"S..Sure. Where do you want to eat?"
"Dito."
"Okay."
Naupo na kami saka nag-order ng pagkain. Pagkasimulang-pagkasimula naming kumain ay bigla na lamang may nag-play ng violin. Nag-focus lamang ako sa pagkain, iniiwasang makipagtinginan kay Vincent.
Kinakabahan na ako ngayong nakaupo ako sa harapan niya.
"You've changed a lot." bigla niyang sabi.
"Nagbabago naman talaga ang mga tao. Ikaw din, nagbago ka na. Wala na iyong curly hair mo."
Mahina siyang tumawa. "I thought about it and I just realized that curly doesn't look good on me. How about you, you cut your hair short, why did you do that?"
"Gusto ko lang ng new look. I want to look different."
Sumandal siya sa kinauupan niya saka tumitig sa akin. Ramdam ko ang napakalakas na tibok ng puso ko dahil doon.
"You still look the same, you're still stunning as ever. By the way, I've heard that you are now the new ambassador of Felestine Enterprises?"
"O..Oo.."
"Congratulations."
"Thanks."
Binalot muli kami ng katahimikan. Ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin na para bang hinihintay niya akong maunang magsalita.
"You're still living at my brother's house?"
"Oo, pero plano ko na ring lumipat. May nahanap na akong lugar."
"You can always go back to our house if you want. I mean, we're still married, you are still my wife."
Huminga ako nang malalim. Ibinaba ko ang cutlery ko saka diretsong tumingin sa mga mata niya. "Vincent."
"Huh?"
"May gusto akong sabihin sa'yo."
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Umayos siya nang pagkakaupo. Mukha siyang kinakabahan.
"Sure. W..What is it?"
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)