Sophie's POV
Inalalayan ako ni Vincent habang pababa na kami mula sa private jet niya. Dinala niya ako sa isang private island.
"Sa'yo 'to?" tanong ko sa kanya.
"Ours."
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng isla at hindi ko naiwasan ang mamangha sa taglay nitong ganda.
"This is beautiful," bulong ko.
"But you're still the most beautiful."
Ngumiti naman ako sa kanya. Hinawakan ni Vincent ang kamay ko habang naglalakad kami papasok ng isang villa.
Ang villa na iyon ay nakatayo sa ibabaw ng isang malaking bato, kaya naman tanaw na tanaw ang napakagandang karagatan mula roon. Mayroon itong private plunge pool at covered veranda.
"Would you like to take a bath first before eating, or would youlike to eat now?" tanong sa akin ni Vincent.
"Gusto kong maligo na muna. Gusto ko rin sanang magpalit ng damit, pero wala akong dala. Mayroon bang mabibilhan dito ng damit?"
"There are dresses inside the walk-in closet. You can choose there."
"Huh?"
"I already bought some clothes for you. I already prepared everything before bringing you here."
Tumango ako habang nakatingin sa kanya. "Ganoon ka ka-sure na madadala mo ako rito, huh?"
Nagkibit-balikat lamang ang loko. "Well, I already decided that if you refuse to go with me, then I would just force you to go with me whether you like it or not."
"What a jerk you are."
"Would you like me to show you how such a jerk I am?" nakangisi niya pang tanong sa akin.
Umiling ako. "Probably not. Alam ko na iyon, kaya hindi mo na kailangan pang patunayan."
Bigla na lamang siyang nagsimulang lumapit sa akin. "Would you like to take a bath with me?"
"A...Ano?!"
"Why? Is thereanything wrong with that? You are still my wife, remember?" aniya habang pinaglalaruan ang buhok ko at nakatitig sa mga labi ko.
Napalunok ako. "M..Maliligo na ako. H...Hintayin mo nalang ako rito."
Narinig ko pa ang pagtawa ni Vincent nang pumasok na ako sa banyo.
Pagkalabas ko ng banyo ay nagulat ako dahil hindi ko nakita si Vincent. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto, pero hindi ko siya mahanap kaya naman napagdesisyunan ko nalang na bumaba pero hindi ko pa rin siya nakita.
Saan siya nagpunta?"
"Excuse me, nakita mo ba si Vincent?" tanong ko sa isa sa mga staff ng villa.
"Ah, sinabi po sa akin ni Sir Dylan na papuntahin ko raw po kayo sa may beach."
"Oh, okay. Thank you."
Ngumiti lang siya sa akin bago tuluyang umalis.
Gusto niya akong magpunta sa may beach?
Ano na naman kaya ang plano niya.
Kaagad kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin pagkalabas ko ng villa papunta sa may beach.
Puno ang langit ng mga bituin na nagr-reflect sa tubig ng dagat. Napaka-kalmado, wala nga akong nakitang mga tao hanggang sa may nakita akong ilaw na nagmumula sa iisang direksiyon.
Baka s Vincent na iyon.
Kaagad akong naglakad papunta sa direksiyon na iyon hanggang sa wakas ay makita ko na si Vincent na nakatayo roon habang nakatingin sa akin. Suot niya ang isang white v-neck shirt at beach shorts. Sa tabi niya ay isang round table with candlelit dinner.
"A...Ano 'to?" tanong ko sa kanya habang pinipigilang ipahalata sa kanya na sobra akong na-impress sa candlelit dinner na na-prepare niya.
Naglakad siya palapit sa akin saka hinawakan ang kamay ko. "I prepared this for us. Would you like to have a seat?"
"Sure, thank you. Napakaganda nito."
Ipinaghila niya pa ako ng upuan bago siya naupo.
Hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi ko. "Ikaw ba ang naghanda ng lahat ng 'to? I mean, ikaw lang?"
"Uh-huh."
"At kailan ka naman naging ganito ka-romantic?" pagbibiro ko.
"Since I met you."
Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Matagal-tagal na rin talaga magmula nang mag-dinner kaming dalawa. Nilagyan ni Vicent ng wine ang mga wine glass namin saka iniabot ang isa sa akin. "Congratulations."
"Congratulations?"
"You finally found your mom. I'm so glad you finally saw her again."
"Thank you. Hindi pa rin nga ako makapaniwala. Hindi ko akalaing siya pala ang mommy ko. Buong buhay ko akala ko wala na akong mommy."
"I'm happy for you."
"Thank you."
"Should we toast to that?" tanong niya saka itinaas ang glass niya.
"Toast to that!"
Ininom na namin ang mga wine namin at sandali kaming binalot ng katahimikan.
"Sobrang ganda rito, ano? I mean, napaka-peaceful. Parang walang problema. Napakalayo natin mula sa lahat. Malayo sa mga bagay na mananakit sa atin."
"I'm sorry."
Huminto ako sa pagsasalita nang bigla ko na lamang marinig si Vincent na magsalita. Tumingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo. "Huh?"
"I'm sorry for hurting you. For everything that I have done to you. For making you experience all of this. I'm sorry for bringing you into my world."
"Huwag mong sabihin iyan. Para namang hindi ko ito ginusto. Ako nga dapat ang mag-apologize sa'yo. Parati nalang kitang pinipigilan sa tuwing sinusubukan mong mag-explain. I'm sorry kung masyado kitang pinahiraoan. I'm sorry kungnagkagulo pa kayo ng pamilya mo dahil lang sa akin."
"We were already in trouble even before you came. You just made thetrouble worth it." tugon niya.
"Vincent..."
"Marry me again, Sophie..."
Nanlaki ang mga mata ko. "A...Ano?"
Diretso siyag tumingin sa mga mata ko. "Marry me again."
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romance[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)