LANCE'S FEELINGS

5.5K 68 1
                                        

Lance's POV

Tandang-tanda ko pa noong unang beses ko pa lamang siyang makita.  She was wearing a plain white t-shirt and white-washed jeans. Her hair perfectly flowed above her shoulders and she appeared like a kid with all the other students surrounding her.

Palinga-linga lamang siya na parang nawawala at hindi ko napigilan ang sarili ko na tumitig lamang sa kanya. Ang makakapal niyang mga kilay ay magkasalubong at patuloy siya sa pag-pout na parang bata. 

Noong una, I just find her cute, so I just left her there. Pero noong papunta na ako sa may HR office ay bigla ko na lamang siyang nakitang muli. That time mukha na siyang iiyak. 

Naglakad ako palapit sa kanya at tinanong ko kung ano ang hinahanap niya. And that exact moment when she turned around and met my gaze, I fell in love. I fell in love with those big brown eyes that shine as bright as the stars in the sky, I fell in love with her cheeks that turns easily red when she's embarrassed and shy. I fell in love with her beautiful smile that makes my day every single time.

***FLASHBACK***

"Naaalala mo pa ba ang unang beses na magkita tayong dalawa, Sophie?" tanong ko kay Sophie habang nakaupo kami sa isang bench. Inaya ko siyang maglakad-lakad na muna dahil tapos na ako sa duty ko at tapos na rin ang klase nila. 

Humigop siya mula sa kape niya saka ngumiti. "Oo naman, natatandaan ko pa rin. Hinding-hindi ko makakalimutan iyon dahil iyon ang unang beses na nakilala kita. At siyempre, muntik na akong maligaw. Hindi ko alam kung saan ang building namin, tapos bigla ka nalang dumating na mukhang estudyante rin."

"Nakita kitang palinga-linga na para bang may hinahanap. Mukha ka pa ngang iiyak na noon although I found you really cute. Naglakad ako palapit sa'yo at tinanong kita. Tandang-tanda ko pa kung gaano ka kasaya noong nahanap mo na ang building ninyo." hindi ko naiwasang mapangiti habang ikinukwento sa kanya iyon dahil ramdam ko pa rin ang kasiyahang naramdaman ko nang una ko siyang makita. 

"Alam kong mukha akong tanga noong time na 'yon, pero thank you dahil tinulungan mo ako. Kung hindi mo ako tinulungan, malamang na-late ako at napagalitan ng prof ko."

Pareho kaming tumawa.

"Don't worry, Sophie. You didn't look stupid at all, I even thought you look cute."

Napansin ko ang pamumula ng mga pisngi niya.

God, why is she so adorable?

"H..Hindi naman ako tuta para maging cute..."

Tinignan ko siya para makasiguradong hindi siya na-offend sa sinabi ko. "I'm sorry, Sophie. Hindi ko dapat sinabi 'yon."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Did I offend you? I mean, when I called you cute?"

"A...Ano? Siyempre, hindi. Hindi ako na-offend. I'm sorry, Dr. Jacobs. Nagover-react lang talaga ako."

Umiling-iling naman ako. "Mabuti naman kung ganoon. Akala ko kasi nagalit ka na sa akin."

"Hindi kailanman mangyayari iyon.  Ang magalit sa'yo ang huling bagay na gagawin ko. Hinding-hindi ako kailanman magagalit sa taong naging sobrang bait sa akin noong umpisa pa lamang."

"Hindi naman ako kasing-bait gaya ng inaakala mo. I may be selfish at times, too. I like it when things go my way. When I want something, I make sure to get it."

Nakatitig lamang sa akin si Sophie na tila nagulat sa mga sinabi ko. 

"Did I surprise you again? Hahaha!"

"H..Hindi naman. Nagulat lang talaga ako dahil ito ang unang beses na narinig kitang maging ganito ka-seryoso."

Ngumiti naman ako sa kanya. "Dahil parati akong nakangiti, tama ba?"

"Oo. Oo nga pala, Dr. Jacobs. Pwede ba akong magtanong?"

"Huh? Ano 'yon?"

Nag-iwas siya ng tingin at huminga nang malalim bago muling tumingin sa akin. "M...May nagugustuhan ka na ba, Dr. Jacobs?"

Bigla-bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tanong niyang iyon. Humigop muna ako ng kape bago muling tumingin sa kanya. "I have."

Sumandal ako sa bench saka tumingala sa kalangitan. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. "I've been in love with her since the first time that we met. She's a beautiful, mature, smart, and kind woman. She's everything that a man could ask for."

"I...I see." pagpuputol niya sa akin. Nag-iwas siya ng tingin mula sa akin bago tumayo. "O...Oo nga pala, kailangan ko nang umuwi. S..Sigurado kasing hinahanap na ako ni papa."

Tumayo rin ako. "Oh, I'm sorry. I understand. Shall I walk you home?"

"Hindi na kailangan. May magsusundo rin naman sa akin mula rito."

"Ganoon ba? I guess, let's just see each other tomorrow?"

Tumango naman siya. "Okay."

Hinintay ko siyang makasakay sa limousine. Sinundan ko iyon ng tingin hanggang sa mawala na sa paningi ko.

There is a woman I like, Sophie. Babaeng minamahal ko unang beses ko pa lamang siyang makita.

And that is you.

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon