THE TRUTH

5.5K 83 0
                                        

Sophie's POV

Matapos naming mag-sayaw na dalawa ni Lance ay sinabihan ko naman siya na makipagsayaw kay Sabrina dahil nag-iisa siya. Nagpunta silang dalawa sa gitna habang ako ay naupo sa puwesto namin kanina. 

Maya-maya ay bigla na lamang nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon mula sa purse ko saka ko nakita ang pangalan ni Vincent sa screen. Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin siya pero hindi ko magawa dahil madilim ang ilaw. 

Bakit niya pa ako kailangang i-text kung pwede naman siyang magpunta rito at kausapin ako?

Binuksan ko ang text message niya. 

'Go outside'

Napakunot ako ng noo. 

Lumabas? Ano namang gagawin ko sa labas? 

Hindi ko gustong lumabas, pero masyado akong nac-curious kaya sa huli ay sinunod ko siya. Hindi ko siya makita kaya nagpunta ako sa may garden ng hotel. Napakalaki ng hotel at ang daaanan papunta sa may garden ay may mga ilaw na siyang  nagpapa-romantic niyon. May mga rose petals din sa dinaraanan ko. 

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang akong kinabahan, pero excited at the same time. 

Nang makarating na ako sa entrance ng garden ay bigla ko na lamang narinig ang pag-play ng violin mula sa loob niyon. Nai-imagine ko na si Vincent na suot ang isang tuxedo habang may hawak na isang bouquet. Maghihintay siya mula sa loob ng garden at ngingiti sa oras na makita niya ako. 

Fine, patatawarin ko na siya kapag ganoon ang nangyari.

Habang malakas ang pagtibok ng puso ko ay naglakad ako papasok ng garden. Nakita ko ang isang round table sa may bandang tabi ng fountain at mayroon ding dalawang upuan. Ang buong garden ay puno ng mga ilaw na animo'y mga bituin na nagpapaliwanag sa lugar na iyon. 

Tapos ay napatingin ako sa may pavilion. Puno iyon ng bulaklak at kitang-kita rin ang buwan mula sa ibabaw niyon na siyang mas lalo pang nagpaganda rito.

Pero hindi iyon ang nakakuha ng atensiyon ko. 

Nakita ko si Vincent na nakatayo roon. 

Suot niya ang tuxedo na suot niya kanina. Just like what I imagined. Maliban man sa isang bagay. 

Kasama niya si Monica. At naghahalikan silang dalawa na para bang wala nang bukas. 

Nakatayo lamang ako roon na tila isang estatwa. Nakatitig lamang ako sa kanilang dalawa habang nagpapaunahan ang luha ko sa pagpatak. 

So, ito pala ang dahilan kung bakit niya ako pinapunta rito? Dahil gusto niyang makita ko kung gaano siya kasaya kay Monica?

Patuloy lamang sa pagpatak ang luha mula sa mga mata ko. Tila ba namanhid ang buong katawan ko. Gusto kong umiyak at sumigaw sa mga mukha nila, gusto ko silang saktan, pero hindi ko magawa. Pinagmasdan ko lamang silang dalawa habang sinisira nila ang buhay ko. 

"Sophie!"

Bigla-bigla ay narinig ko na lamang ang boses ni Lance mula sa likuran ko. Lumingon ako at tumingin sa kanya. "Lance..."

"B..Bakit ka umiiyak? Bakit ka nandito? Anong nangyari?"

Imbes na saguti siya ay tumakbo lamang ako palapit sa kanya saka ko siya niyakap nang mahigpit habang umiiyak.

"Sophie... b..bakit ka umiiyak?"

"Gusto kong umalis mula rito, Lance... ayaw ko na rito.... Please, ilayo mo ako sa lugar na ito.... ayaw ko nang mag-stay pa rito...."

Tinatapik-tapik niya ang balikat ko upang aluin ako. "I understand. Let's go now, Sophie."

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon