A DAY WITH THE MAFIA BOSS

7.9K 122 0
                                        

Sophie's POV

Isang plain white tee na ipinares sa mom jeans at white kicks ang tanging isinuot ko. Inilugay ko lamang ang buhok ko at hindi rin ako nag-make up maliban man lang sa lip balm. Nagpabango na rin muna ako bago ko napagdesisyunang mag-tungo sa may living room kung saan naghihintay si Vincent.

Inaya niya akong lumabas ngayong araw dahil gusto niya raw akong makasama. Isang bahay na hindi ko naman pinaniniwalaan dahil hindi naman niya kayang tapusin ang isang araw nang wala siyang ginagawang kabastusan.

"Let's go?" tanong ko sa kanya.

Tumayo siya saka sinimulang tignan ako mula ulo hanggang paa na tila ba pati kaluluwa ko ay nakikita niya na. 

Suot niya ang isang white t-shirt na ipinares niya sa itim na pantalon pati na rin ang paborito niyang leather jacket. Napaka-gwapo niya kahit na simple lang ang suot. Marahil ay iyon nga ang kagandahan kapag gwapo ka. Pero hindi ko pa rin siya gusto.

"Looks like you didn't even prepare for this, huh?"

"Ha?"

"You're not even wearing any make up. And it didn't take you so long to prepare. Is that how unwilling you are to be with me?"

"Pwede bang umalis nalang tayo?"

Ngumiti lamang siya. "Alright, honey. Let's go."

Actually, mas gugustuhin ko pang magbasa ng paborito kong libro kaysa makasama ang lalaking ito. Ni hindi ko nga alam kung anong iniisip niya. Paano kung balak niya pala akong dalhin sa isang bar para ibanta sa mga manyakis na lalaking gaya niya?

"Where do you want to go?" biglang tanong sa akin ni Vincent nang paandarin niya na ang kotse niya.

"Kahit saan basta hindi sa isang lugar kung saan pwede kang mag-take advantage sa akin."

Tumawa siya. "I could take advantage of you here, anyway."

"Don't you dare."

"Oh, so you're threatening me now, huh?"

Hindi na ako umimik. Nagulat na lamang ako nang bigla niyang abutin ang kanang kamay ko saka iyon hinalikan. 

"V..Vincent!"

"Why? This is mine now, right?"

"Kailangan mong mag-focus sa daan kung ayaw mong pareho tayong mamatay!"

"I can focus on you while driving." pagmamatigas niya habang patuloy sa paghalik sa kamay ko. 

Tignan mo ang isang 'to, wala pa nga kami sa pupuntahan namin pero hina-harass niya na ako!

***

"What film would you like to watch?"

Nag-iba ako ng tingin. "Kahit ano."

"Alright. I think I'll just choose what I want." sabi niya saka tumungo sa counter at nagbayad ng ticket. Bumili rin muna kami ng popcorn at drinks bago pumasok sa sinehan.

Lahat ng tao sa loob niyon ay nakatingin sa amin. Mali, nakatingin sila kay Vincent.

'Hindi ba napakagwapo ng lalaking 'yon?'

'He's freaking handsome!'

'Wow! Napaka-swerte naman ng girlfriend niya!'

'Naiinggit ako!'

Napabuntong-hininga na lamang ako. Kung alam lang nila kung gaano ka-manyak ang lalaking ito. Ni hindi ko nga rin maintindihan iyong mga babaeng gustung-gusto sa mga bad boy. Gustung-gusto nila iyong mga dominanteng lalaki na napakayayabang. Pero hindi para sa akin. Hindi ko gusto ang ganoong tipo ng lalaki. Gusto ko iyong simple lang. Iyong lalaking matulungin, gentleman, at sweet. Gaya ni Mr. Jacobs. I mean, ni Lance.

Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti nang maalala ko ang nangyari kahapon. Sinabi niya sa aking tawagin ko na lamang siyang Lance. Kumain kami sa labas at naglaro ng chess, pwede na bang tawaging date iyon?

"It will start now." bigla na lamang bulong ni Vincent sa akin kaya naman nahinto na ako sa pagd-day dream.

"Alam ko." angil ko.

Simula pa lamang ng pelikula ay nagsisigawan na ang mga tao. Horror movie ang pinili niya. Iyong horror movie na pinaka-ayaw kong panuorin. Bigla naman siyang lumingon sa akin. "You can always hug me if you feel scared."

"Hindi ako natatakot." pagmamatapang ko.

Nakatitig lamang ako sa screen habang ramdam ko ang titig ni Vincent sa akin. Dapat pala sinabi ko nalang sa kanya na iyong palabas na may aso na lamang ang panuorin namin. Nanginginig na ang mga kamay ko at nagpapawis na rin ako nang malamig pagmasdan ko lamang ang mukha ng multo sa palabas. Hindi ko na talaga kaya!

Sisigaw na sana ako nang bigla ko na lamang maramdaman ang mga labi ni Vincent sa leeg ko. Lumingon ako sa kanya. Kitang-kita ko ang ngiti sa mga labi niya kahit pa madilim ang paligid. "A..Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!"

"Lessening your fear..." bulong niya saka sinimulang halikan ang leeg ko. Mahina akong napaungol nang maramdaman ko ang dila niya sa balat ko. Mabuti na lamang at walang nakapansin dahil busy rin ang mga tao sa panunuod.

"T..Tigilan mo na, Vincent!"

Marahan niyang kinagat ang tenga ko at hindi ko naiwasang mapakapit sa t-shirt niya. Bwisit talaga ang lalaking 'to, pati ba naman sa loob ng cinema?!

Nakahinga lamang ako nang maluwag nang bumukas na muli ang mga ilaw. Tapos na ang palabas.

"Did you enjoy it?" nang-aasar na tanong sa akin ni Vincent habang naglalakad kami palabas ng sinehan.

Masama akong tumingin sa kanya. "Matapos ng ginawa mo, tatanungin mo ako kung nag-enjoy ako sa palabas?"

"I'm not pertaining to the movie."

"S..Shut up!"

Narinig ko pa siyang tumawa kaya naglakad na lamang ako palayo sa kanya. Hinding-hindi na talaga ako papayag na manuod ng movie kasama niya!

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon