MY SOULMATE

5.5K 85 1
                                        

Sophie's POV

"Alagaan mo ang sarili mo, Sophie." sabi sa akin ni papa saka ako niyakap noong paalis na sila. 

Tinapik ko siya sa balikat saka ngumiti. "Kayo rin po, papa. Alagaan ninyo ang sarili ninyo para sa akin."

"Please, alagaan ninyo ang kapatid ko. Hindi namin siya mababantayan parati, kaya alagaan ninyo siya para sa amin." sabi pa ni Seb kina Lance at Sabrina.

"Wala kayong dapat na ipag-alala dahil parati namin siyang aalagaan." sabi pa ni Lance. 

Muli kong niyakap si Seb sa huling pagkakataon hanggang sa tuluyan na silang umalis ni papa. 

"Ang laki na talaga ni Seb, ano?" sabi sa akin ni Sabrina nang makaupo na kami. 

"Tama ka. Si papa naman, tingin ko masyado niyang inii-stress ang sarili niya para lang makaipon ng pera para sa akin. Masyado siyang subsob sa trabaho."

"At least, may pakialam pa rin sila sa'yo."

Bumuntong-hininga ako. "Pero ayaw ko naman silang masaktan nang dahil sa akin."

Lumapit si Sabrina sa akin saka tinapik ako sa balikat. "Wala kang dapat na ipag-alala, Sophie. Ginagawa lang naman nila iyon para sa'yo."

"Birthday mo ngayon, Sophie. Dapat masaya ka, hindi malungkot." biglang sabi ni Lance sa akin. 

"Hindi ko maiwasan. Nalulungkot talaga ako kapag nakikita kong ganoon si papa."

Tinapik niya ako sa balikat. "It's your birthday, you deserve to be happy, too."

"Pero---

"Then how about dancing?"

Nagtataka akong tumingin sa kanya. "S..Sayaw?"

Tumayo si Lance saka inilahad ang kamay niya sa harapan ko. "Shall we dance?"

"A...Ano?"

"Sige na, Sophie! Abutin mo ang kamay niya!" sabi pa ni Sabrina habang nakangiti sa akin. 

Tumingin ako sa paligid namin at doon ko lamang nalaman na nakatingin pala ang lahat sa amin. Huminga ako nang malalim saka inabot ang kamay niya. 

"P..Pero paano tayo sasayaw? Wala namang music." bulong ko.

"Just wait and see." sabi naman ni Lance habang nakangiti saka kami naglakad sa may gitna. Lahat ay nakatingin sa amin kaya naman dama ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Hindi ko talaga gusto kapag lahat ng atensiyon ay nasa akin.

Biglang huminto sa paglalakad si Lance kaya pati ako ay huminto. Itinaas niya ang isa niyang kamay na para bang may sinesenyasan. At isang snap niya lamang ay dumilim ang mga ilaw at bigla na lamang nagkaroon ng tugtog. Lahat ng mga bisita ay nagsitayuan at nagpunta rin sa may gitna upang sumayaw.

"A..Ano 'to?"

"We're going to have fun." aniya saka nagsimulang umindak sa kanta. 

Nakatingin lamang ako sa kanila nang bigla na lamang niyang hawakan ang kamay ko. "Dance with us, Sophie. Nobody would even care if you can't dance."

Nagpatuloy lamang si Lance sa pagsasayaw. Hindi nga rin ako makapaniwala sa ginagawa niya. Hindi ko maiwasang matawa dahil hindi rin pala siya magaling na dancer. 

"Sabi ko na nga ba! Hindi ka rin magaling sumayaw!" panunukso ko sa kanya. 

"Pero alam mo, hilig ko talaga ang pag-sayaw!" sabi niya naman habang tumatawa rin.

Nagpatuloy lamang kami sa pagsasayaw kasabay ang ibang tao. Tama silang dalawa ni Sabrina, dapat lang na maging masaya ako at i-enjoy ang gabing ito!

***

Maya-maya ay mas lalo pang dumilim ang ilaw at ang lively music kanina ay napalitan ng mabagal. Lahat ay naghanap ng partner nila at inihanda ang sarili nila para sa sayaw. 

"May I?"

Ngumiti ako kay Lance na naglahad ng kamay niya sa harapan ko. "Basta huwag kang magagalit kapag naapakan ko ang paa mo, okay?"

"I won't mind, I promise."

"Okay." sabi ko saka inabot ang kamay niya. 

Hinila niya ako palapit sa kanya. Hawak niya ang kanang kamay ko habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa bewang ko. 

"Actually, Sophie. Medyo marunong akong mag-sayaw ng ganito dahil madalas akong dalhin ng mommy namin sa mga formal event na required ang pagsasayaw." kuwento niya sa akin. 

"Talaga?"

Tumango siya. "Oo, kaya huwag kang magugulat kapag gumawa ako ng mga moves na makakapagpa-realize sa'yo na pro-dancer talaga ako."

"Dr. Jacobs, hindi ko alam na humorous guy ka rin pala."

"Bakit naman?"

Ngumiti ako sa kanya. "Dahil parati kang seryoso sa lahat ng bagay. Isa kang matalino, formal, at respetadong lalaki na walang ibang ginawa kundi ang mag-aral at maging mabait. Pero ngayon, may nalaman akong isa mo pang trait."

"And does that makes you less interested in me now?"

"Of course, not. Ikaw pa rin naman si Dr. Jacobs na kilala ko. Ikaw pa rin ang Lance na minahal ko."

Sandali kaming nanahimik dahil doon. Nagsasayaw lamang kami habang nakatitig sa isa't isa. At sa sandaling iyon, para bang nakita ko sa mga mata niya ang dating ako, iyong simpleng Sophie na walang problema maliban sa mag-isip ng paraan kung paano siya makaka-sulyap kay Dr. Jacobs mula sa labas ng infirmary.

"Lance."

"Hmm?"

"Naalala mo ba noong sinadya kong magpahulog sa hagdan para lang makapag-stay ako sa infirmary kasama ka?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Sinadya mo 'yon?"

"Oo." tumawa ako."Dahil gustung-gusto talaga kitang makita at makasama. Kaya sinabihan ko si Sab na itulak ako sa hagdan."

"Sophie, napakadelikado no'n."

"Ganoon kita ka-gusto."

Tumawa lamang si Lancehabang ako ay nakatitig sa kanya. 

Parati siyang nariyan kapag kailangan ko ng tulong at nandiyan din siya kapag nalulungkot ako. Siya ang nagsisilbing saya at pahinga ko kapag nasa university ako. 

Pero siguro nga, nakatadhana lang kaming dalawa na magtagpo. 

Pero kahit na ano pa man ang mangyari, kahit na sino pa man ang makatuluyan ko sa huli, Lance will always have a special place in my heart. He will always be my soulmate.

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon