Pagkalabas na pagkalabas namin ng office ni Miss Felestine ay kaagad kong hinila si Vincent papunta sa may lobby.
"Bakit mo sinabi kay Miss Felestine ang tungkol doon?!"
"Told her what?"
"Alam mo ang dahilan kung bakit kita iniwan doon! Paano mo nagawang palabasin na ako pa ang may kasalanan?!"
Ipinagkrus niya ang mga braso niya saka tumingin sa akin. "You should be thankful because I didn't mention about what you did to me yesterday. Don't you know how much that hurt?! You kicked my balls, don't you want to have kids anymore?!"
Kaagad kong naramdaman ang pag-init ng magkabila kong pisngi dahil sa sinabi niyang iyon. "A...Anong anak ang sinasabi mo?! H..Hoy, napaka-manyak mo kahapon kaya ko ginawa iyon! Muntik mo na akong ma-rape sa loob ng stock room!"
"Rape? Oh, Sophie. You kissed me back and you even moaned when Itouched you, would you call it rape if you yourself got aroused by mytouch?" taas-kilay niyang sabi.
"Vincent, pwede bang itigil na natin ito? Hindi ako pupunta sa dinner na iyon kasama ka, okay? Gawin mo ang lahat ng gusto mo, pero huwag mo na akong isali."
Sarkastiko siyang tumawa. "Why wouldn't I include you when you are the reason why I agreed on having a partnership with this company?"
"A..Ano?"
"If you think you can still escape from me, then you are wrong,Sophie. I will do everything to win you back, I don't care if you push me awayagain." sabi niya saka mas lumapit pa sa akin. Hinawakan niya ang lips ko gamit ang mga daliri niya, pero kaagad kong tinapik iyon.
"H..Huwag mo nang susubukan pang lumapit sa akin ulit." pagbabanta ko sa kanya.
"What did you say?"
"Ang sabi ko, huwag ka na ulit lalapit sa akin!"
"What?" pang-aasar niya habang mas lalo pang inilalapit ang mukha niya sa akin. Nabigla na lamang ako nang bigla niya akong binigyan ng mabilis na halik sa mga labi.
"How dare you--
Itinaas ko ang kamay ko para sana sampalin siya, pero nagawa niya iyong hawakan. "You can't just tell me what to do, Sophie. I am still your husband. We haven't divorced yet, remember?"
"Dahil hindi ka pa nagf-file!"
"I will never file a divorce."
"Vincent, hindi na kita mahal. M..May boyfriend na rin ako, kaya kung ako sa'yo lalayo na ako."
Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya. "Boyfriend?"
"Oo. May boyfriend na ako." matapang kong sabi sa kanya.
"Who is he?" inis niyang tanong.
Sandali akong nag-isip.
God, please tulungan po ninyo ako.
"Uh..."
"Me."
Pareho kaming napalingon ni Vincent sa nagsalita. Doon namin nakita si Lance na nakatingin sa aming dalawa.
"L..Lance?"
Naglakad siya palapit sa akin saka ako hinawakan sa kamay. "Sophie is my girlfriend, so please leave her alone."
"Lance, how many fucking times do I have to tell you to leave mywife alone?!" sigaw sa kanya ni Vincent.
"You are not her husband anymore." sagot naman nito.
Naglakad palapit sa kanya si Vincent saka hinila siya sa kwelyo. "I am her husband, Lance. I am still her husband so you better just fuck off and mind your own business!"
Itinulak ni Vincent si Lance palayo na naging sanhi upang matumba ito sa sahig.
"Lance!"
"Sophie, no matter what you do, you will still remain as my wife. Iwill do every fucking thing just to get you back even if I have to force youagain!" sigaw ni Vincent bago siya tuluyang umalis.
Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa pumasok na siya sa elevator.
"Sophie, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Lance.
Tumingin ako sa kanya. "Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan."
"Ayos lang ako. Hindi niya naman ako sinapak. Besides, nakita na rin naman kita." sabi niya pa habang nakangiti sa akin.
"Lance, salamat dahil dumating ka. Pero hindi mo naman kailangang sabihin sa kanya na boyfriend kita, mas lalo lang siyang magagalit sa'yo."
Umiling siya. "Ayos lang. At least naging boyfriend mo ako, kahit na kunwari lang."
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romansa[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...
![Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]](https://img.wattpad.com/cover/321458130-64-k622048.jpg)