Sophie's POV
"How was your meeting with Mr. Jacobs?" tanong sa akin ni Miss Felestine habang nagkakape kaming dalawa.
Bigla ko na nanan tuloy naalala ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Vincent last time.
"W..Well, tingin ko po hindi siya interesadong makipag-collaborate sa atin."
"Huh? But why do you think so? Did he say something?"
Umiling ako. "H...Hindi po... hula ko lang. Tingin ko hindi niya tatanggapin ang offer natin."
"But he accepted it."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "P..Po?"
"He accepted it, darling. I was even able to talk to him this morning over the phone and he said that he would like to know more about our company."
"P..Pero--
"I told you, this is going to be successful. You did a great job! Do you know how much I want to collaborate with them? You don't know how happy you've made me, Sophie."
Kinakabahan akong ngumiti sa kanya. Bakit tinanggap ni Vincent ang offer?
"By the way, honey. You are going to meet him again today. He said that he wants you to be the one to tour him around our company and other branches."
"P..Po?!"
Bakas sa mukha ni Miss Felestine ang pagkabigla sa reaksiyon ko. "Why? Ayaw mo ba siyang i-tour?"
"H..Hindi naman po sa gano'n. I..I will meet him later, Miss Felestine."
"Alright, honey. Thank you so much. Oh, and by the way, may ball na gaganapin next week. Gusto kong imbitahin mo rin siya roon."
"A ball?"
"Yes, sweetheart. We are going to announce to everyone that you are my long-lost daughterand that you are the new President of Felestine Company." sabi niya pa habang nakangiti sa akin.
"Kinakabahan po ako..."
Inabot niya ang kamay ko. "You don't have to. I am always beside you."
Ngumiti lamang ako sa kanya bago tuluyang lumabas ng office.
Bakit ba kasi tinanggap ng lalaking iyon ang offer?!
"Miss Sophie, you are going to meet Mr. Jacobs at 1 pm."
"May gagawin ba ako after no'n?"
Umiling siya. "Wala na po, Miss Sophie. Pina-cancel po ni Miss Felestine ang lahat ng appointment ninyo today para makapag-focus kayo kay Mr. Jacobs."
"Ano?! I mean, ginawa niya talaga 'yon?"
"Opo, Miss Sophie. Si Mr. Dylan Jacobs ang pinakamahalaga nating investor kaya kailangan talaga nating mag-laan ng time para sa kanya."
"Pwede bang mag-assign nalang tayo ng sasama sa kanya para i-tour siya? A..Actually, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayong araw..." pagsisinungaling ko habang kunwaring nakahawak sa ulo ko.
"I'm sorry, Miss Sophie pero wala nang iba pa na pwedeng pumalit sa'yo para gawin iyon. Besides, si Mr. Jacobs mismo ang nagbanggit sa pangalan ninyo. Sinabi niyang kayo ang gusto niyang mag-tour sa kanya." sabi niya pa habang nakangiti sa akin.
Tingin ko alam niyang nagpapanggap lang ako.
Bumuntong-hininga ako. "Fine. Mukhang wala naman akong ibang choice."
"Pwede kang magpahinga na muna, Miss Sophie. Pwede mo nalang kitain si Mr. Jacobs sa may conference room mamaya."
"Okay."
***
Napagdesisyunan ko na lamang na magpunta sa office ko habang hinihintay ang oras ng meeting namin ni Vincent.
Iniisip ko pa lamang na magkikita kami ulit kinakabahan na ako.
Bakit ba kailangan niya pang bumalik dito?!
Kumalma ka, Sophie. Kailangan mong maging matapang at harapin ulit siya. Kailangan mong ipakita sa kanya na wala na siyang epekto sa'yo. Kailangan mong ipakita sa kanya na wala kanang pakialam pa sa kanya.
"Tama! Kaya mo 'yan, Sophie!" bulong ko sa sarili ko.
Nilibang ko na muna ang sarili ko para hindi ko na maisip pa ang meeting ko mamaya kay Vincent kaya napagdesisyunan ko na lamang na mag-kape sa may lobby.
Iniisip ko tuloy kung ano na namang plano niya. Sigurado naman akong may plano siya kaya bigla na lamang siyang nagpunta rito at pumayag na makipag-collaborate sa kompanya namin.
Tingin niya ba talaga papayag akong magtagumpay siya? No way!
Hindi na ulit ako babalik pa sa kanya.
Hindi ko na hahayaang umikot na naman ang mundo ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
Romantik[ALREADY HAVE A PHYSICAL COPY ON IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE!!] "Everytime I win, I will conquer a part of you. I will keep on doing that, until I fully conquer all of you." Walang ibang gusto ang dalagang si Sophie kundi ang matupad ang mga...