THE BIGGEST INVESTOR

4.3K 66 0
                                        

Sophie's POV

"Sigurado ka bang ayos lang na mag-isa kang pumunta ron?" tanong sa akin ni Miss Felestine.

Miss Felestine pa rin ang tawag ko sa kanya dahil hindi ko pa rin siya kayang tawaging mommy or mom. Sinabi niya rin naman sa akin na kaya niyang maghintay hanggang sa masanay na akong tawagin siyang ganoon. 

Ngumiti ako sa kanya. "Gusto ko rin po kasing mag-practice na makipag-usap sa mga company investor natin. Parati nalang po kayong sumasama sa akin at madalas kayo na rin ang nagsasalita para sa akin. Tingin ko po hindi ko map-practice ang marketing skills ko kung ganoon. Parati lang po akong magr-rely sa inyo."

"But I like it when you rely on me." ngumiti siya. "Alright then. Hahayaan kitang makipag-usap sa biggest investor natin today.He would meet you at the conference room at 10 am today."

"B...Biggest investor? P..Pero Miss Felestine, paano kung hindi ko siya ma-convince?"

"Then we lose our biggest investor." kaswal niyang sabi na para bang hindi iyon big deal. 

"Pero--

"I trust you, Sophie. You can do it as long as you believe in yourself. Trust me, you can do it."

Gusto ko sanang humindi, pero ang ngiti niya ay sapat na para pa-kalmahin ako. 

Maya-maya ay lumabas na ako sa office niya saka tinawagan si Venom. 

"Miss Sophie?"

"Venom, kinakabahan ako. Anong gagawin ko?"

"Huh? Bakit ka kinakabahan, Miss Sophie? May nangyari ba?"

"Makikipag-usap ako sa biggest investor namin mamaya. Si Miss Felestine ang  nagsabi sa akin niyon."

"Ibig mong sabihin, ang mommy mo ang nagsabi na mag-isa kang makipag-usap?"

"Oo. Kinakabahan talaga ako. Paano kung mag-fail?"

Narinig ko siyang bumuntong-hininga mula sa kabilang linya. "Miss Sophie, hindi mo kailangang kabahan. Wala nang dahilan pa para maramdaman mo iyan dahil marami ka nang nagawa. Hindi ba't next week ipakikilala ka na ng mommy mo bilang ang nag-iisang tagapagmana niya? Ia-announce ka na rin bilang bagong president ng kompanya ninyo next week."

"Iyon nga ang dahilan kung bakit mas kinakabahan ako. Kapag nag-fail ako sa pag-convince sa biggest investor namin, hindi ako magiging deserving para maging ang susunod na president."

"Kumalma ka, Miss Sophie. Kaya mo iyan, okay? Pagkatiwalaan mo lang ang sarili mo at sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin. Lahat kami ay naniniwala sa'yo. Kahit na ano pa man ag mangyari, ikaw pa rin ang pinakamagaling para sa akin, Miss Sophie."

Hindi ko naiwasan ang mapangiti dahil sa sinabi niyang iyon. "Salamat dahil parati kang nandiyan para sa akin, Venom. You never really fail to make me smile."

"Nandito lang ako parati para sa'yo, Miss Sophie."

***

Nanatili lamang ako sa may company lobby habang hinihintay na mag-10 o'clock. 

Patuloy sa panginginig ang mga kamay ko, pero kinukumbinsi ko ang sarili ko na kaya ko ito. At noong time na, tumayo na ako at nagtungo sa conference room. 

"Kaya mo ito, Sophie. Huwag kang kabahan. Huwag kang kabahan."

Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang doorknob. Itinulak ko pabukas ang pinto. Isinara ko iyon sa likuran ko saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng conference room. 

Wala pa siya.

Mabuti na lamang at ako ang naunang dumating. Pwede pa akog mag-practice ng mga sasabihin ko sa kanya. 

Ano kaya ang hitsura niya?

Siguro isa siyang matandang kalbo. 

Kung siya ang biggest investor namin, malamang sobrang yaman niya. Ibig sabihin marami na siyang nagawa sa business world. 

Oo nga pala,  ang pangalan niya ay Dylan Jacobs. Iniisip ko nga kung related sila ni Lance. Itatanong ko sa kanya mamaya .

Thirty minutes pa ang lumipas.

Paano niya ako nagawang paghintayin nang ganito katagal dito? Porket siya ang biggest investor namin iniisip niya na na pwede siyang magpunta kahit na anong oras niyang gustuhin?

Napaka-irresponsable naman pala niya. Ni hindi ako manghihinayang kung hindi ko siya makukumbinsi. Kung hindi niya masunod ang napag-usapang oras ng meeting, paano kami makakasigurado na worthy siya para sa kompanya?

"Miss Sophie, nandito na po si Mr. Jacobs." sabi sa akin ni Pepper, isa sa mga staff namin.

Tumayo ako saka tumango. "O..Okay. Papasukin mo siya."

Bumukas na ang pinto. Sinigurado kong mukha pa rin akong presentable kaya inayos ko ang buhok ko saka iniangat ang tingin ko sa lalaking kapapasok lang. 

Nanlaki ang mga mata ko nang sumara na muli ang pinto.

"Good morning, Miss Laurens."

Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang mukha niya.

Mafia King's Innocent Bride [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon